A/N: Errors Exist
Remember this song by EXO
PREVIEW
"Syempre pinanghawak ko kay junior ko kaya ganyan. Mag sho-shower muna pala ako."
<{ BAEKHYUN// NICOLO POV }>
Habang naglalakad kaming papunta sa campus car park ay napapantastikuhan kaming napapalingon kay Zaqeu.
'Nababaliw na yata itong lalaking 'to! Palibhasa kasi nahalikan niya si Julie kanina. Tsk!'
Sumakay na ako sa sarili kong sasakyan kasama si Saint na nakipag palitan pa kanina kay Paul para lang makasama si Patricia.
'Tsk! Pag ibig nga naman oh!'
Pinaandar ko ng paalis ang sasakyan ko ng maulinigan ko na sa rear view mirror ko ang pag andar ng mga sasakyan nila.
Habang nasa byahe ay katahimikan ang namutawi sa loob ng sasakyan ko. 'Palibhasa kasi, masyadong tahimik itong lalaking 'to.'
Nakita ko sa mirror ko na napangiti na lang siya bigla. 'Tss, panigurado. Si Patricia yung tinitingnan niyan.'
Narinig ko lang kasi kay Zaqeu kaya naman alam ko.
Nang makarating kami sa tapat ng gate ay bumusina ako.
"Hoy ano ba Saint! baba na nga! minamanyak mo na naman si Patricia, isumbong kita dyan eh!" bulyaw ko.
Nanlaki naman ang mga mata nito saka gulat na napatingin sa akin.
"Pa-pano mo alam?"
'Hays, sa wakas! Achievement na this na magsalita sa likuran ko si Saint pipi'
"Tsk! Halata ka na dre, kaya baba na dyan at buksan na yung gate.." tugon ko.
Bumaba naman ito saka patakbong sinusihan ang pinto saka binuksan ng maluwag.
Pinaandar ko naman ulit ang sasakyan ko ng maka pasok na din ang sasakyan nila.
Agad naman akong lumabas ng sasakyan at tinungo ang pintuan para buksan iyon.
Nasa akin ang susi dahil hindi ko daw yun mawawala.
"Ano na namang kakainin natin ngayon?" tanong ni Ivan.
"Wag na lang tayong kumain, para naman diet" sumbat naman ni Zaqeu.
'Tss, porque nakahalik lang kay Julie ganyan na agad. Tsk! Tsk!'
"Di wag kang kumain, gusto mo ituloy tuloy mo na para naman tipid sa bigas!" Sarkastikong sumbat ni Joseph.
"Saka wag mo nga kaming idamay sayo noh! Patpatin ka na nga, tapos may nalalaman ka pang diet diet dyan." saad naman ni Ezekiel.
"Anong patpatin? hindi mo ba nakikita tong mga muscles ko at itong masarap kong pandesal na pinag aagawa sa school" pagyayabang nito.
"Ows, di nga! eh bakit si Julie kanina? binugbog ka niya?" sabad naman ni David.
"Kasi masyado ka raw patpatin at feelingero kaya ka niya binugbog.." pang asar ko naman.
"Tss, lumayas na nga kayo sa harapan ko at baka kayo ang bugbugin ko dito." tugon ni Zaqeu, saka itinaas niya ang nakakuyom nitong kamao.
BINABASA MO ANG
Section B: Ang Iba't Ibang Klase ng Estudyante [on going]
Teen FictionFor all K-Pop lovers........... Gustuhin mo pa bang pumasok kung sila ang mga kaklase mo.. mga sikat.. mga gwapo at magaganda.. pero matitiis mo ba sila kung sila na ang mga kaklase mo sa isang classroom Ihanda mo na ang iyong tenga at boses sa pag...