A/N: Errors Exist
PREVIEW
"Wahaha! Mag CR muna kayo at nakakahiya, pinagti-tinginan na kayo oh."
PREVIEW
"GOOD AFTERNOON MINNIE MOUSE!.."
<{ SEHUN// PAUL POV }>
Nandito na kami ngayon sa building four habang kunyaring nag paplano.
Nandito na kasi si Yammy eh, mahirap na at baka pagalitan kami.
"Uy Paul, ito na lang yung mga dadlhin mo sa thursday, kanya kanyang dala na lang daw para mapabilis ang mga gagawin natin." ani Kelly.
Kinuha ko naman ang papel na inaabot nito sa akin.
'Heart shape pillow color red, Curtain red with five yards long, Yarn red and tree bouqet of flower.'
'Okay, mapapagastos na naman ako nito.'
"Dapat sa thursday, bago kayo pumasok dito ay dala niyo na yan ha. Okay na yung group chat natin, doon na lang kayo mag suggest mamaya pag uwi, kung meron man kayong gustong sabihin." saad naman ni Julie.
"Sa group chat na rin ba natin pag uusapan kung paano yung pag papatayo natin ng booth?" sabad ko naman.
"Oo naman, para kahit papaano ay makapag plano na tayo." tugon naman sa akin ni David.
"Bawal ang seener ha. Lahat mag cha-chat. Bawal ang puro like lang."
"Mayor tapos na kami!" sigaw ni Nick.
Natawa naman kami, dahil parang kakatapos niya lang mag pupu sa pagsigaw niya.
Natawa din naman si Yammy dahil dun.
"Anong oras na ba?" tanong naman ni Yammy.
"Oras na para bumili ka ng bagong relo!" sigaw naman ni Monica.
Lalo namang lumakas ang tawanan namin.
"Eleven thirty Yammy!" ani Rochell.
"Half day lang tayo ngayun dahil may magaganap na Teacher's meeting mamayang hapon".. "YES!!" sigaw naming lahat.
"Mag play ulit tayo mamaya sa field!" request naman ni Nickel.
"Oo na. Alam ko namang yan na yung nasa isip niyo!" tugon naman ni Yammy.
"Tara na, labas na tayo para mag lunch." aya pa ni Yammy.
"Yess!" sigaw naman sa isang banda ni Lash.
Kaya naman nagsi-tayuan na kami.
"Sa field na lang tayo magkita-kita mamaya!" pahabol kong sigaw.
Nagsitanguhan naman sila saka nagdiretso na ng lakad.
Pagdating namin sa labas ng building ay nagkanya kanya na kami direkson sa pag alis.
Syempre, kami sa cafeteria. Ewan ko lang sa kanila, kung saan pa sila kumakain.
Nagutom na rin ako eh, kaya naman nag order na rin ako.
"Anong order niyo?" kapagkuwa'y tanong ni Ezekiel.
"Dalawang samyang and isang fried kimchi, tapos isang rice." sagot ko naman.
"As in isang pirasong rice lang?" kunot noong tanong naman ni David.
BINABASA MO ANG
Section B: Ang Iba't Ibang Klase ng Estudyante [on going]
Novela JuvenilFor all K-Pop lovers........... Gustuhin mo pa bang pumasok kung sila ang mga kaklase mo.. mga sikat.. mga gwapo at magaganda.. pero matitiis mo ba sila kung sila na ang mga kaklase mo sa isang classroom Ihanda mo na ang iyong tenga at boses sa pag...