Chapter 10: Late

57 33 0
                                    


PREVIEW

"May pagkain ka ba dyan? nagugutom na kasi ako eh." 


PREVIEW

"Ilagay niyo na doon sa mesa niya at baka magalit pa yan! kanina pa kasi siya nagpa collect tapos kunin mo rin yun class record niya para i-check yung attendance niyo."


<{ JIN// LOUIE POV }>


After naming kumain sa cafeteria ay maaga na kaming umuwi dahil basang basa na kami sa pawis. Pero still, mabango pa rin.

Naramdaman ko na ang lagaslas ng tubig ng shower ng buksan ko iyon.

Tok* Tok* Tok*

"Louie anong ginagawa mo?"

'Si Nick.'

"Naliligo. Bakit?" sagot na tanong ko.

"Okay sige, ipagpatuloy mo lang!" giit pa nito.

'Tss, parang tanga! tanong tanong tapos mangloloko lang pala!'

"Go to hell!" sigaw ko kahit alam kong wala na siya doon.

Binilisan ko na lang ang pag ligo at baka may plano na naman sila. 'Ahy oo nga pala, kamuntikan ko ng makalimutan na magpaplano din pala kami sa group chat ngayon!'

Kasama ako sa gagawa ng Kissing booth, dahil tinatamad daw si Meranda na mag plano ay sa group chat na lang daw kami.

'Tss, kailan ba hindi yun tinamad?'

Nabalitaan nga namin kay Nicolo na pinagawa niya yung ibang parts ng assignments niya kay Chloe eh, hindi naman namin naitanong kung kanino niya yun nalaman. Malamang kila Chloe! Tsk!

Kinuha ko na ang mga napagbihisan ko saka tinapon na lang sa laundry basket.

'Tsk! Puno na pala ito, makapag palaba na nga lang sa sabado.'

Maghahanap na lang ako ng mapagpalalabahan.

siguro sa mga laundry store.

Or, kung may gumusto din sa mga kapit bahay.

'Pero nasa subdivision kami eh!'

Nagbihis na lang ako. 'Maka hanap sana ako ng mapaglalabahan nito. Uwaa! Ayoko munang maglaba.'

Lumabas naman na ako saka.. 'Wait? nasan na yung phone ko? chinarge ko lang dito yun eh.'

Tiningnan ko naman sa mga kabinet namin. Wala.

Sa silong ng kama? Wala din.

Bumalik ako ng bathroom baka sakaling nadala ko doon. 'Wala din!'

Kaya naman nag umpisa na akong kabahan na baka nahulog ko sa daan or naiwan ko sa cafeteria.

'Pero hawak hawak ko yun kanina bago ako pumasok sa kotse.! Tama sa car ko baka nandun.'

Agad naman along lumabas ng kwarto at nagpababa.

Narinig ko ang mga tawanan nila Nick sa sala. Pero hindi ko lang sila pinansin bagkus ay nagtungo na ako sa sasakyan ko.

Nang makarating na ako sa garage ay mabilis kong binuksan ang kotse ko saka hinalungkat ang loob niyon.

"O my goodness! Nasan na yun!?" 'Aish! Nakakainis!'

Pabalibag ko na namng isinara ang kotse ko at mabilis ulit na pumasok sa loob.

Section B: Ang Iba't Ibang Klase ng Estudyante  [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon