Chapter 1: The Barkada's Trip

78 37 3
                                    

PREVIEW:

"Pambihirang Nickel naman oh! hindi ba siya marunong mag ayos ng hiniram niyang gamit.?!"


<{ RM// NICKEL's POV}>

Beep* Beep*

Nasaan ba kasi yung mga yun? Nakakainis.! Lagi na lang nila akong iniiwan mag isa dito sa bahay.

'Tss, mabuti pa ay maghalungkat na lang ako ng gamit nila.. wala naman sila eh'

Kasalukuyan akong nalalakad papasok ng bahay. Wala kasing nagbukas ng gate kaya malamang ay wala na naman sila.

Napansin ko rin na wala ng mga sasakyan sa garahe ng bahay.

'Tch! tinatamad na akong ipasok yung sasakyan ko, mamaya na nga lang.. Tsk! Tsk!'

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok ng bahay.

I was to open the door ng bigla iyong bumukas at iniluwa nito ang bagong ligong si Lash.

"Oh? akala ko sumama ka sa kanila?" takang tanong ko kay Lash.

Mapakamot naman ito ng ulo saka ngumiti.

"Baka naman pwedeng pahiram ng sasakyan mo Nickel." biglang ngising sabi niya.

'Bakit kasi ang kuripot nito at hindi bumili ng sariling sasakyan!'

"Oh." saka inabot ko sa kanya ang susing hawak ko. "Sabihin mo na rin sa kanila pag nagkita na kayo, magpa-enroll na rin kayo kamo." dagdag ko pa.

"Sige, salamat." sagot niya saka tinapik ako sa balikat bago lumabas na ng tuluyan.

'Tsk! Nakalimutan ko palang sabihin na bumili na rin sila ng mga gamit nila para sa school!'

Humarap ako sa likuran ko pero hindi ko na nakita pa si Lash.

Napakamot na lang akong pumasok sa loob.

Dumiretso na ako sa kwarto ko ng maalala ko palang mag hahalungkat ako ng gamit ni GLUTON!

Kaya muli akong lumabas ng kwarto at mabilis na tinungo ang kwarto ni Gluton.

Eeennggkkk..*

Sumilip muna ako para kumpirmahin kung wala si Gluton at baka pagalitan na naman ako nun!

Pumasok na ako ng masiguradong wala nga talaga siya. Mwahahaha!

Binuksan ko na yung special cabinet ni Gluton at napanganga na lang ako sa mga nakita ko.

'Waahh! Ang cute naman ng damit na to! Omo! Bakit kasi pag bumibili siya ng mga signature shirts ay hindi niya ako sinasama!?'

Kinuha ko iyon tapos yung Katabi niya pang damit.

'Omo! Ang cute! bagay sa akin. Nyahaha!'

Lumabas na ako doon at dinala na yun sa kwarto ko.

Inayos ko muna ang cute na damit sa ibabaw ng kama ko saka muling lumabas.

'Ngayon kay Jim naman'

Kaya mabilis kong hinanap ang kwarto ni Jim.

'Ano na naman kaya yung mga bagong stuff toys nito?'

Agad na akong pumasok sa loob at nakita ko agad ang isang human size na teddy bear.

'Omo! Ang cute!'

Lumapit ako mula doon at niyakap ko ang malambot na teddy bear ni Jim.

Ito lang ba yung bagong stuff toy niya?

Section B: Ang Iba't Ibang Klase ng Estudyante  [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon