Prologue

111 8 1
                                    



DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, events, or locations in this story are either the product of the author's imagination or used fictitiously.

Prologue

I didn't knew that death can ruin someone's life in just a snap. One time, I am a girl living my life in a way I liked it. Normally attends school and partying with friends, but life didn't seem fair. My life tangled when my family disappeared out of existence.

I was sitting on the couch, sipping my coffee, and reading my books when I heard a knock. I stood up and open the door.

"O, Aling Bebang ikaw pala. May kailangan ka po ba?" I asked our helper because she's on a rest day. Nakapagtataka naman na bumalik siya.

"Huwag kang mabibigla, Charmaine," she sighed before continuing what she's about to say. "Nabangga daw ang kotse niyo habang nasa biyahe sila Sir."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kani kanina lang ay nandito pa sila Mommy. "Masama ang magbiro ng ganyan, Aling Bebang," pagsasawalang bahala ko sa sinabi niya, ngunit naramdaman ko na ang butil ng luha sa aking pisngi.

"Saan po sila dinala? Tawagin mo si Mang Gardo ate, please! Puntahan na natin sila," pagpapanic ko nang nag sink in sa akin ang sinabi niya.

Natataranta naman niyang tinawag ang driver namin. Mabilisan ang pagkilos namin ni Aling Bebang. Pagkahinto ng sasakyan ay dali daling kaming sumakay, papunta sa ospital na pinagdalhan sa pamilya ko.

"Ano daw ba ang nangyari, Gardo?" Rinig kong tanong ni Aling Bebang.

Lumunok ako at hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng luha ko.

"May tumawid daw bigla na bata kaya iniwas ni Sir ang kotse kaya tumama sa poste. Ang daming nakakita sa nagyaring iyon. Ang lakas daw ng impact nang pagkakabangga. Buti ay mabilis ang dating ng ambulansiya," Mang Gardo answered. Lalo akong napahagulgol dahil doon.

Nakarating kami sa hospital at dumiretso ako sa tanggapan nila. Tinanong ko naman agad ang nurse na naroon at sinabing nasa emergency room ang pamilya ko. My dad is currently the vice mayor in our town. Kilala naman si mommy sa negosyo niya na jewelry shop. Kasalukuyan naman akong nasa 2nd year college at 4th year naman si kuya.

Nagbalik ako sa reyalidad nang matanaw ko ang emergency room, nagkakagulo ang mga nurse at doktor.

"Kamusta po ang pamilya ko?" hatak ko sa nurse sabay tanong. "We're doing our best po, Ma'am." She answered.

Umupo nalang ako sa upuan sa gilid at napaiyak na naman. Kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila ay hindi ko na alam anong mangyayari sa akin.

Maya maya ay nilapitan ako ni Aling Bebang. "Charm, kumain ka na muna. Binilhan kita ng pagkain," aniya. Umiling naman ako sa kanya dahil hindi na ako makapagsalita sa pagbabara ng aking lalamunan.

Isang oras na ang lumilipas ay wala pa rin balita sa kanila. Maya maya lang ay may lumabas ng doktor sa emergency room. Napatayo ako dahil doon.

"Doc, how are they?" I asked.

"I'm sorry, hija. We already did our best but your dad and brother didn't make it. Your mom is alright pero alam kong hindi niya na rin kakayanin. I'm sorry." Aniya. "Ililipat naman namin ang mommy mo sa private room."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig.
"D-Daddy... K-Kuya..." humagulgol ako. Yumuko naman si doc, ilan ulit siyang humingi ng tawad bago umalis. Inalalayan naman ako ni Aling Bebang pagkaupo.

"Shh... Magiging maayos din ang lahat," aniya. Inaalo ako ngunit alam kong kahit siya ay nasasaktan din. Ilang taon na rin siyang naninilbihan sa amin.

Hindi na magiging maayos ang lahat... Hindi ko na iyon naisatinig dahil sa aking paghikbi.

Later on, may isang babae ang humahangos na naglalakad papunta sa akin. "Charmaine..." tawag niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "I'm your Tita Emma, your mom's bestfriend."

Doon ko pa lamang siya nakilala. Madalas siyang ikwento ni mommy sa akin. I remember mom told me that she's from Manila. Siguro ay nabalitaan niya ang nangyari.

"I'm so sorry for what happened," she uttered. Bakit ba sila humihingi ng tawad, wala naman may kasalanan. Hinagod niya naman ang likod ko. Si Aling Bebang ay umalis muna at pumunta sa pinaglipatan ng room ni mommy. Ilang sandali lang ay tinatawag niya na ako.

"Gising na ang mommy mo. Gusto ka niyang makausap," ani Aling Bebang. Nagmamadali naman akong sumunod sa kanya.

Pagpasok pa lamang sa private room na pinaglipatan sa kaniya ay nakita ko na si mommy. Lying on the bed like she's in a life-and-death situation. Para bang anytime ay bibigay na rin siya.

"C-Charm... I'm sorry, anak. P-Pero nahihirapan na ang m-mommy mo. I heard what h-happened to your dad and brother. H-Hindi ko na rin kakayanin, anak. Sorry. S-Sorry." Naghihinang sabi niya. I nodded at her, still crying.

Gustuhin ko man na mabuhay siya ay hindi ko yata kakayanin na makita siyang ganyan kahina. All my life, I've seen her as a strong woman. She's been my idol ever since. Maganda si mommy, hindi maipagkakaila iyon dahil sa edad niya ay mukha pa rin siyang bata. She has this heart-shaped face, dark shoulder-length hair na nagpabata sa itsura niya, bright narrow eyes, small pointed nose, and thin lips. Overall, she screams elegance, bagay na nagpalago sa negosyo niya. Ngunit ngayon ay halatang halata ang pagkaputla sa kanya.

"A-Ang Tita Emma mo na ang bahala sa'yo, anak. Be a g-good girl, a-alright? I-I'm gonna s-sleep now. Iloveyou, b-baby," huling mga salitang binitawan niya bago siya mawalan ng buhay.

"M-Mommy!" nanghihinang sigaw ko bago siya yakapin. "C'mon, mom. Wake up, please! I don't know what will happen to me anymore after this."

Lumapit naman si Tita Emma sa akin, she's also crying, I could see the hurt in her eyes and the pain in her voice. "Hush... It's going to be okay, don't worry. I'll take care of you."

It was then reality came crashing down on me — so hard. My family was dead and there's nothing I could do about it. I choked, trying to gasp for air.

And so began my journey away from the province that I loved. Away from the fresh air that I keep on gulping. Far away from the light traffic and chirping of birds. Away from my friends, schoolmates, teachers, and Alma Mater. And far away from the memories of my childhood, from the city where I held my heart, Davao City.

I was heading to Manila, the capital of the Philippines with seven handsome boys.

My Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon