Chapter Nine
Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na nakapark na rin ang Audi ni Calvin. Nagmamadali akong naglakad papasok sa bahay. I'm sure he's already here.
"Ouch!" sabay naming asik ni Noah nang mabunggo ko siya.
"I'm sorry," nahihiyang sambit ko.
"Ba't ka ba kasi nagmamadali, ate?"
Nagdalawang isip pa ako bago siya tanungin. "Uh... Nand'yan na ba si Calvin?" halata namang natigilan siya sa sinabi ko, like I said something wrong.
Ngumiti siya ng nakakaloko. "Bakit, ate?" he chuckled. "Kakarating niya lang."
"Thanks!" I shouted and went upstairs.
As soon as I reached Calvin's room, I knocked. Tatlong sunod sunod na katok ngunit walang sumasagot. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit bigla itong bumukas ito at nakita ko ang nakasilip na si Calvin. He opened the door widely when he saw me. He's only on his boxer shorts and I also noticed the smudge lipstick on the side of his lips.
"What do you need?" he asked in his usual cold tone, gone the Calvin that've been my companion the last few weeks.
Kung kanina ay ang lakas ng loob ko na sabihin sa kaniya ang nakita, ngayong kaharap ko siya ay umurong ang dila ko. Hindi alam kung paano sisimulan ang sasabihin.
Bumuntong hininga ako. "Uh... kasi..." lumunok ako bago ituloy ang sasabihin. "N-Nakita ko si J-Jasmin na may kasamang lalaki k-kanina... tapos hinali—,"
My words were cut off by someone. Nagulat pa ako ro'n. Hindi ko inaasahan na makikita ko rin siya dito. I feel the urge to pull her hair but I stopped myself in doing so.
"Who's that, Calvin?" she asked, her hair a bit messy.
Inayos niya muna ang kaniyang sarili bago ako lingunin. Pairap naman niya akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Matapos niyang makipagkita sa lalaki niya ay nandito siya kasama si Calvin ngayon? The nerve of this girl! Mapanlinlang talaga ang mga katulad niya. Ahas!
"It's just Charm," Calvin responded and shrugged his shoulders. His words echoed in my mind. What do I expect, he's right. I don't look like an important person to him. "What are you saying again?" he added.
I swallowed hard, preventing my tears to fall. "Nevermind," I stated and smiled at them before I turn away and went to my room.
Pagpasok ko sa aking kwarto ay naguunahan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, maybe because of frustration. Naakig ako sa kabuangan ni Calvin!
Nang mahimasmasan ako, inayos ko ang sarili ko at dali daling tinawagan si Yvette. I miss them so much!Kaunting kamustahan lang ang nangyari sa amin dahil busy din sila. They also told me to activate my social media accounts so I did.
Pabagsak akong humiga sa kama at binuksan ang aking instagram account. Ang dami agad notifications pagbukas ko. Some friends are just asking if I'm good. There are curious about my situation after the death of my family. I send some message to them saying that I am fine. And one notification caught my eyes.
cbrobinson followed you.
***
I didn't know how many hours I waited until Jasmin went home, but the sun is already setting as of the moment. Hindi na siya dito nag dinner, dapat lang no!
Nakatambay lang ako dito sa balcony nang makita ko na nakauwi na si Calvin, he surely drove his girlfriend home. Dali dali akong bumaba upang salubungin siya. I almost fell on the stairs because of my sudden rush.
Hinihingal akong huminto sa tapat ni Calvin. "M-May kailangan kang malaman," sambit ko habang hinahabol ang sariling hininga.
"Here you go again. Ano ba kasi yung sasabihin mo?" nakakunot noong tanong niya.
"Yung girlfriend mo nga kasi..."
"Anong ginawa sa'yo ni Jasmin?"
Bumuntong hininga ako. "Sa'kin wala pero sayo meron. Nakita ko siyang may kasamang lalaki kanina," lakas loob na agap ko.
"So? What's your problem with that?"
Tiningnan ko naman siya ng masama. Hindi niya ba naiintindihan ang sinabi ko? I guess he don't trust me enough to believe what I said.
"Naghalikan kaya sila!" sigaw ko sa kaniya, hindi na nakayanan ang iritasyon.
He smirked because of my sudden outburst. "Tapos? Anong gagawin ko?"
"Buang! Hindi ka ba magagalit sa kaniya?"
Parang wala siyang narinig sa sinabi ko. Lumakad siya palapit sa akin. Hindi alintana ang aking galit. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa balikat ko at iniangat ang tingin sa'king mga mata. Dumapo ang titig niya sa labi ko matapos 'yon.
"Halik lang pala. Madali naman ako kausap, Charm. You want me to kiss you? Is that it?"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Buang!" sambit ko at pinaghahampas siya sa braso. "Bahala ka nga diyan!"
I was about to walk away but he pulled my wrist and made me face him. Sinalubong ako ng seryoso niyang tingin.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap."
Ngumuso ako. "Hindi ka naman kasi nakikinig sa akin. You're making fun of me."
"Let's go to your room," saad niya. Sakto namang dating ng ibang boys nang hatakin niya ako. Ang hilig niya talagang mang hatak!
Ayos na rin ang ginawa niya dahil hindi ko naman gusto na marinig pa ng mga kapatid at pinsan niya ang sasabihin ko. I can almost visualise what they will think of me. Baka isipin nila na gusto ko lang siraan si Jasmin sa kanila and I don't want that to happen. So we better talk on private.
Pagpasok namin sa kwarto ko ay dumiretso siya sa kama habang ako ay nanatiling nakatayo. Nakapamaywang ko siyang hinarap.
He's forcing himself to become serious even though I can sense his amusement. "What is it again?"
"Paulit-ulit tayo?"
Humagalpak siya sa tawa. Hindi na napigilan ang kaniyang sarili. Dinampot ko naman ang unan na malapit sa akin saka ko ibinato sa direksyon niya. Sinalo niya lang 'yon dahilan para matawa na lang din ako sa kaniya.
He cleared his throat. "Okay. You saw Jasmin with someone and they kissed. What happened after that? Nakita ka ba niya?"
Sumimangot ako. "Hindi niya ako nakita. Umalis na siya after no'n, sa kotse mo pa nga siya nakasakay e."
"Anong gusto mong gawin ko ngayon?" tanong niya, like he's really going to do what I'll ask him to.
Ngumuso ako. "Wala. Sinabi ko lang, in case hindi mo alam. Para naman aware ka sa ginagawa ng girlfriend mo," I shrugged my shoulders.
"So..." he smirked. "Do you want me to break up with her?"
Laglag panga ko siyang tinapunan ng tingin. "What? Of course not!" I growled. Maybe a part of me want that but I don't think my opinion matters to him.
"Gusto mo bang hiwalayan ko siya?" tanong niya ulit. His face is a bit serious this time.
Tumango ako ng wala sa sarili. He chuckled.
I just realized what I did when I saw his reaction. "Oh my God! Of course not! It has nothing to do with me."
He just shrugged his shoulder and stood up.
"Okay, baby. I'll do it for you," he mumbled before leaving me alone.
BINABASA MO ANG
My Life With You
RomanceCharmaine Marquez' life tangled when her family died in a car accident. She placed in the custody of Ms. Emma Robinson, her mother's bestfriend. However, Emma have this so called boys in their home. Charmaine doesn't even able to handle a man, what...