Chapter Three

40 7 0
                                    

Chapter Three

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. I immediately searched for my phone only to found out that it was six o'clock in the morning already.

I did my morning routines and went downstairs. Habang pababa ay nakasalubong ko si Nathaniel.

Tumikhim ako. "Uh... W-Where are they?" I stammered, a bit nervous. Ang akala ko ay hindi niya narinig, uulitin ko na sana nang magsalita siya.

"They're in the dining room, eating breakfast," he said in an American accent.

I'm not surprised anymore, I am expecting that. Maybe he grew up in US. Itatanong ko pa sana kung saan ang dining room ngunit nilagpasan niya na ako ng walang pasabi matapos 'yon.

Hindi na rin naman ako nahirapan sa paghahanap dahil sa ingay ng mga boys. Nakita ko silang lahat doon maliban kay Kuya Ethan at Nathaniel. Tito Emma and Tito Michael are also there. Nakaupo sila sa isang 12-seater dining table habang hinahain ng iilang maids ang pagkain. Kasali rin sa nagaayos si Tita Emma. Mayamaya lang ay napansin niya na ako.

"Oh, Charm hija. Upo ka. Ready na ang breakfast," pag-iimbita niya sa akin.

Tumango ako sa kanya at umupo na sa tabi ni Carlos. I'm a bit stiffened because of suddenly flashing memories with family. We used to eat together. I guess hindi ako kailanman masasanay na wala sila. Who would, anyway?

Kung ano ano ang pinaguusapan ng boys habang ako ay nakatingin sa mga pagkain, natatakam. Dahil siguro kagabi pa ako hindi kumakain. Hinintay ko muna sila kumuha ng pagkain bago ako kumuha ng akin. Typical breakfast — hotdog, itlog, bacon, at fried rice.

"Charm..." tawag ni tita Emma, I looked at her. "Sasamahan ka nga pala nila Calvin at Carlos sa magiging bago mong school. They will tour you there. Nakausap ko na rin ang dean tungkol sa enrollment mo."

Nahihiya naman akong sumagot sa kanya. "Thank you po, tita."

Nakita ko pa ang masamang tingin ni Calvin na hindi yata nagustuhan ang sinabi ng mommy niya. As if I want it too. Ayoko ng mapalapit sa kanya, 'no. Sa ugali ba naman niya!

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. "Ate Charm, catch!" mayamaya'y sigaw ni Isaiah sabay hagis ng kung ano.

Sinalo ko naman at nakitang ahas iyon. "What the hell?!" sigaw ko sabay hagis ulit sa kanya. Napatayo pa ako dahil do'n. Their laughter surrounded the whole area, pinakamalakas ang kay Calvin. What do I expect?

My gosh! What's wrong with these people?! They're getting into my nerves! Kainis! Maiyak iyak ako sa inis. Hindi biro ang ginawa niya.

Kung hindi lang masama ang ginawa ni Isaiah sa akin ay pupurihin ko na pati ang pagtawa nila. I have this feeling that I didn't want them to stop. Pero iba ang lagay ngayon dahil napahiya ako.

"Isaiah!" Tito Michael shouted at him.

"I didn't taught you that. Hindi ka na nahiya sa ate Charm mo!" sigaw naman ni tita. "Say sorry to your ate."

He raised his hand like he's surrendering. "It's just a toy, mom. That's my way of welcoming her," he said, still laughing.

What a reason?! Argh! Kung hindi ko lang nirerespeto si Tita Emma ay sinagot ko na 'tong lalaki na 'to. Pero laking ginhawa ko nang malaman na laruan lang pala iyon.

Again, akala ko ay mapapaaga ang sunod ko sa family ko.

Sakto namang dumating si Kuya Ethan habang itinitiklop ang kanyang white long sleeve polo hanggang siko. "Anong nangyari? What did you do this time, Isaiah?"

My Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon