"Hindi namin alam. Basta nasa gubat na lang kami. " casual na sagot ni Leah. Bakit parang normal lang sa kaniya? Dapat nagh-hysterical na siya ngayon dahil sa labis na takot, pero bakit parang hindi?
"Ihahatid ko muna sila sa kwarto nila. " saad ni Joseph kaya tumango kami.
"Guys anong oras na sa inyo? " tanong ko.
"Sa'kin sira eh, " sagot ni Carlo.
"Akin din. " sagit nilang lahat.
"Ano? Imposible namang nagkataon lang na lahat tayo masiraan." sambit ko.
"Sa'kin mga 2:45 nasira kaya saktong 2:45 nandito. " sagot ni Carlo.
"Akin naman. 3:00, sakto. " sagot ni Japeth.
"Sa'kin, 3:15," sagot naman ni Lorens.
"Sakin 5:00," sagot ni Kalie.
"Sakin naman 5:10." sagot ni Kyle.
"Eh yung sa iyo? " tanong nila.
"Saktong 6." sagot ko.
"Bakit iba-iba? And bakit ang dilim pa rin? Weird. " sambit ni Lorens kaya tumango ako.
Bakit iba-iba ang tigil ng orasan namin? At bakit sunod-sunod? Anong ibig-sabihin nito?
"Ahhh! " naka rinig na naman kami ng sigaw.
Hindi namin inakalang lahat, na ang pagpunta pala sa Capiz mag-uumpisa at matatapos ang lahat.
----------------------
Enjoy reading<3
YOU ARE READING
Mata Sa Dilim
Mystery / ThrillerHindi sila tao, hindi rin sila hayop, kundi mga demonyo. Mga demonyong nagkatawang tao, o sabihin na lang nating nagnakaw ng mga katawan upang magmukhang tao. Kailangan nilang makuha ang busilak na puso ng isang babae na nagsisilbing lakas at kahina...