Chapter 5
SAI's POV
Nadatnan naming walang malay si Joseph sa sahig.
"Joseph! " sigaw namin bago siya nilapitan.
"Anong nangyari? " taranta kong tanong. Tinignan ako ni Calsie bago sumagot.
"Hindi namin alam, bigla na lang siyang tumili. " normal na sagot ni Calsie.
"A-ano? " taka kong tanong.
"Bingi ka ba? Sabi ko bigla na lang siyang tumili. " normal ulit na sagot niya kaya mas nagulat ako. Hindi ako kayang sagutin ni Calsie ng ganito! Ano bang nangyayari sa kanila?!
"Calsie! " saway ng kakambal niya pero nanatili sa'kin ang tingin niya.
A-ano yon?
B-bakit parang biglang sinakop ng itim ang mga mata niya? Pagkurap ko bumalik ulit sa dati. Umiling na lang ako, ano bang pumapasok sa utak mo Sai?
"Ihatid niyo muna si Joseph sa kwarto niya. " utos ni Carlo.
Napatingin ako sa orasan ng tumunog ito. Bakit ito gumagana?
"Buti na lang may orasan pang gumagana dito. " sambit ni Lorens pero hindi nawala ang tingin ko sa orasan. Tumunog na naman ito.
1:30
"Pati tong pesteng relo ko ayaw gumana, sira na ata." nagtaka ako sa sinabi niya.
"Sira? Nasaan? " tanong ko, pinakita naman niya.
"1:30?" taka kong tanong.
"Oo, kanina pa nga yan ganiyan. " kamot ulong sagot ni Joseph.
Bakit saktong nawalan ng malay si Joseph ng mag ala-una pasado?
Ano ba talagang nangyayari sa lugar na'to?
"Sai, tara na. " napatingin ako kay Kyle.
"Nakita niyo ba si siyam? " tanong ko, hindi ko pa siya nakikita simula nung nangyari.
"Hindi eh, hayaan mo muna yon. " sabi ni Lorens bago pumasok sa sariling kwarto.
Naligo muna ako sa banyo at nagsuot ng isang t-shirt at pantalon. Andito pa pala yung binili kong cutter tas yung binigay na maliit na punyal nung mysterious guy.
Nagbihis na ako at nagpatuyo ng buhok bago ipusod. Nilagay ko rin sa bulsa ko yung punyal na maliit pati na yung cutter, wala na akong tiwala sa lugar na'to. Bakit ba hindi pa rin nagliliwanag?
Naisipan kong lumabas ng sariling silid at dumiretso sa silid ni siyam pero napatigil ako at napatingin sa orasan.
2:44
"Sakin mga 2:45 nasira kaya saktong 2:45 nandito. " sagot ni Carlo.
N-no!
"Carlo! " sumigaw ako bago tumakbo sa kwarto niya. Sarado!
"Carlo! Buksan mo 'to! " sigaw ako nang sigaw habang kinakalampag yung pinto kaya lumabas na rin sila Japeth.
"Anong nangyayari? " taranta niyang tanong. Naiiyak na'ko!
"Carlo—"
"Ahh! " kasabay ng pagsigaw ni Carlo ang pagtunog ng orasan.
"Carlo! Buksan mo yung pinto! " kinakalampag ko pa rin yung pinto. Hinila ako ni Kyle bago sinipa ni Lorens yung pinto.
"Carlo! " sigaw namin at nagmamadaling lumapit kay Carlo na nasa sahig.
"Pre! Gising! " alog ni Kalie.
YOU ARE READING
Mata Sa Dilim
Mystery / ThrillerHindi sila tao, hindi rin sila hayop, kundi mga demonyo. Mga demonyong nagkatawang tao, o sabihin na lang nating nagnakaw ng mga katawan upang magmukhang tao. Kailangan nilang makuha ang busilak na puso ng isang babae na nagsisilbing lakas at kahina...