Chapter 3
SAI's POV
Nagising ako sa loob ng van.
"Sai? Thank God you're awake! " nakahinga ng maluwag si El-nine bago ako niyakap kaya niyakap ko rin siya.
"A-anong nangyari? Y-yung bata! Baka nasagasaan siya! " sigaw ko.
"S-sai. Wala kaming nakitang bata paglabas. " sagot ni siyam kaya nagtaka ako.
"A-ano? Teka baka isipin niyong nababaliw na naman ako, nakita ko yung bata! Nakatayo siya sa gitna ng daan! " sagot ko pero nagtinginan lang sila.
"T-this place r-really creeping me out. Una yung matanda, tas ngayon yung bata na sinasabi ni Sai." saad ni Calsie.
"Mabuti pa umalis na tayo dito." saad ni Leah.
"Maghahanap tayong lahat ng pansamantalang matutulugan, may bahay naman sigurong malapit dito. Huwag tayong maghihiwalay. " saad ni Japeth kaya tumango kami.
"Kaya mo na bang maglakad? " tumango ako sa tanong ni siyam.
"Tara na, mukhang mahaba pa lalakarin natin. " yaya ni Carlo kaya tumayo na kami.
Nilagay ko sa loob ng bag ko ang ilang pagkain, alcohol, bulak at flashlight.
Nag-umpisa na kaming maglakad, sobrang hamog ng paligid.
"Guys? Ilang minuto akong tulog? " tanong ko. Sobrang hamog pa rin kasi.
"Mag-iisang araw ka na sanang tulog, Sai. " sagot ni Calsie kaya nagulat ako.
"S-seryoso?! " gulat kong tanong kaya lahat sila tumango.
"Ang tagal. " bulong ko.
Matagal na kaming naglalakad sa mukhang walang katapusang gubat. Napapalibutan pa rin kami ng hamog.
Sobrang lamig ng paligid kahit naka jacket na ako.
"Nilalamig ka? " tanong ni siyam. Umiling na lang ako. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, ang init ng kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam.
"Nilalamig ka pa? " naka ngiti niyang tanong kaya naka ngiti rin akong umiling. Kinikilig ako!
"Wait, natulog ka ba? " taka kong tanong ng makita ang lalim ng eyebags niya.
"Nope. " sagot niya kaya nalukot ang mukha ko. Bakit hindi siya natulog?!
"Bakit hindi ka natulog? Ang lalim ng eyebags mo, siyam. " inis na sambit ko pero tumawa lang siya.
"Binantayan kita buong araw, Sai. Nag-aalala ako sayo. " sagot niya kaya namula ako.
"T-tsk. Hindi m-mo naman na kailangang gawin yon. " nahihiya kong sagot bago umiwas ng tingin.
"Kailangan. " seryoso niyang sagot kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"B-bakit g-ganiyan ka maka-tingin? " kinakabahan kong tanong.
YOU ARE READING
Mata Sa Dilim
Mystery / ThrillerHindi sila tao, hindi rin sila hayop, kundi mga demonyo. Mga demonyong nagkatawang tao, o sabihin na lang nating nagnakaw ng mga katawan upang magmukhang tao. Kailangan nilang makuha ang busilak na puso ng isang babae na nagsisilbing lakas at kahina...