Chapter 1
Nandito si Sai ngayon sa UST para malaman kung nakapasa ba siya o hindi.
"Pasado ka niyan! " pagpapalakas ni El-nine sa loob niya.
"Sana mag dilang anghel ka siyam. " natatawang sagot ni Sai.
El-nine is her bestfriend since elementary.
"Totoo yan! Tignan mo mamaya. " pagpapalakas niya ng loob sa dalaga kaya niyakap nito siya.
"Thank you siyam, kaya love na love kita eh! " saad niya, niyakap niya rin pabalik ang dalaga.
"Siyempre! Ako pa ba? Tara na nga! Nag-iintay na sina Calsie don. " yaya niya kaya tumango ito.
"Ikaw na tumingin, natatakot ako. " baka kasi hindi siya pumasa, nakakahiya sa tiya niya, sila na nga ang nagpapakain sa kaniya tas ito pa ang igaganti niya.
"Huwag ka ngang panghinaan ng loob! Pasado ka niyan, trust me. " sabi ng binatang si El-nine bago kindat. Tinulak ni Sai si El-nine palapit sa mga papel na nakadikit sa board.
Matapos niyang tignan ay bumalik siya sa dalaga ng may malungkot na ekspresyon. Sinasabi na nga ba niya, nakakahiya sa kaniyang tiya.
"Sabi ko sa'yo di ako papasa eh, tara baka sa ibang school pasado ako. Mahirap naman kasing pumasa dito. " natatawa nitong sagot, pero ang totoo ay malungkot ito. Pangarap niyang makapag-aral sa UST.
"Sai—pasado ka baliw! " sigaw ni El-nine at hinila ang dalaga papunta sa harap.
"Ayan! Pangatlo ka! " natutuwa niyang sagot kaya napatili si Sai.
"Kyah! El-nine! " sigaw niya bago siya niyakap at nagtatatalon.
"Pasado ako! Pasado ako! " tili niya Sobrang saya niya! Kita sa mga ngiti ni Sai ang kasiyahan nito.
"I'm so proud of you! " masaya niyang saad kaya namula ng bahagya si Sai.
"Saya niyo ata? " bungad ni Calsie pagpasok nila ng cafeteria.
"Pasado ang lola niyo eh. " naka-ngising sagot ni El-nine kaya nagtilian sila.
"Congrats Sai-ging! " pang-aasar ni Lorens kaya tinawanan na lamang niya. Nakagawian na nila ang mag-asaran.
"Isa lang ibig-sabihin nito. "
"Roadtrip! " sabay-sabay nilang sigaw.
"Saan?! " biglang sulpot nila Leah.
"May alam ako! Sa Capiz! " saad ni Kalie.
"Capiz? Diba maraming aswang doon? " tanong ng dalagang si Sai.
"Naniwala naman kayo don?! Sabi-sabi lang yon! " saad naman ni Lorens.
Sampu silang magbabarkada. Si Sai, si Calsie, Leah, Kalie, El-nine, Carlo, Kyle, Lorens, Joseph and Japeth.
YOU ARE READING
Mata Sa Dilim
Mystery / ThrillerHindi sila tao, hindi rin sila hayop, kundi mga demonyo. Mga demonyong nagkatawang tao, o sabihin na lang nating nagnakaw ng mga katawan upang magmukhang tao. Kailangan nilang makuha ang busilak na puso ng isang babae na nagsisilbing lakas at kahina...