Chapter 4

9 2 0
                                    

Chapter 4

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 4

SAI's POV

"Ano ba talagang nangyari? " tanong ni Leah.

"B-bigla n-niya kong hiniga sa kama tas—h-hinalikan. " nauutal kong sagot.

"Ano?! Alam naman nating lahat na malaki ang respeto sayo ni El-nine! Napakabait rin non. Paano nangyari yon? " takang tanong ni Calsie.

"H-hindi ko rin alam. " sagot ko habang nakatitig sa kawalan.

"Hindi kaya... " napatingin kami kay Leah.

"Hindi kaya ano? " tanong ni Calsie.

"Inlove sayo yang bespren mo kaya niya nagawa yan? "

"Boplaks, matagal nang may gusto si El-nine kay Sai. " gulat akong tumingin kay Calsie kaya agad niyang tinakpan bibig niya.

"Ano?! " gulat kong tanong.

"W-wala. " sagot niya at tatayo na sana pero hinila ko siya.

"Ano nga?! Totoo ba yan?! " tanong ko.

"Eh bakit mukhang masaya ka? May gusto ka rin sa kaniya no? " asar niya kaya namula ako.

"H-huh? W-wala ah! " tanggi ko pero tumawa lang sila.

"Anong wala ka diyan! Halata ka kaya! " sabi ko na nga ba eh! Si siyam kaya? Alam niya na rin kaya? Nakakahiya!

"Tara na, nahimasmasan na yon. " saad ni Leah kaya lumabas na kami ng pinto.

"Kyah! " tili nila ng bumungad sa'min ang isang matandang babae.

"Kakain na ho ng hapunan. " naka ngisi nitong saad, nakakakilabot.

"A-ah sige p-po. " naka ngiti kong sagot. Sumunod kami sa kaniya pababa. Naka-upo na ron sila Carlo at mukhang kami na lang ang iniintay.

"Tagal niyo naman. " inip na saad ni Lorens kaya binatukan siya ni Japeth.

"Tara na't maghapunan. Kamusta ang ilang oras niyong tuloy, mga panauhin? " naka ngising saad ng matandang lalaki na kaninang sumalubong samin.

"Ayos naman po! " bibong sagot ni Lorens.

"Your place is kinda creepy. You know. " sagot ni Leah.

"Mababait ang mga tao dito, iha. " naka ngisi niyang sagot.

"Ganon po ba? " tanong ni Calsie kaya tumang ang matanda.

"N-nasaan si siyam? " tanong ko ng mapansing wala siya dito.

"Magpapahangin daw muna. " tumango na lang ako sa sagot ni Kyle.

Siguro nagulat din siya sa nagawa niya kanina.

Natapos kaming kumain kaya dumiretso na kami sa sari-sarili naming mga silid. Anong oras na ba?

"Huh? Bakit di gumagana tong relo ko?" taka kong tanong sa isip ko.

Mata Sa DilimWhere stories live. Discover now