Chapter 7

9 1 0
                                    

Chapter 7

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 7

EL-NINE's POV

Naglalatag kami ngayon ng pansamantalang hihigaan. Nakatitig lang ako sa bestfriend kong si Sai. Ang ganda niya talaga, napaka bait pa, nasa kaniya na lahat ng mahihiling ko sa isang tao.

Oo, may gusto ako sa kaniya. Napatingin ako sa relos ko. 

10:35

Kanina pa to 10:35 pero bakit hindi umaandar? Sira ata. 

Nilapitan ko si Calsie.

"Anong oras na sayo? " tanong ko.

"12:40, ayaw na ngang gumana eh, simula nung nabunggo tayo huminto na. " sagot niya kaya tumango ako. Sunod ko namang nilapitan si Leah.

"Leah, anong oras na sayo? " tanong ko.

"Kanina pa to sira at hindi umaandar eh, pero 12:45 ang nakalagay sa'kin. " sagot niya. Posible bang nagkataon lang na masiraan kami ng relo? Hindi na ako nagtanong pa sa iba.

Pagkatapos ng ilang kwentuhan ay napagpasiyahan na naming magpahinga. Araw na ang lumipas ngunit parang hindi nagbabago ang panahon, napakahamog at medyo madilim.

Panahon na parang dapit hapon.

Malalim na ang tulog namin nang makarinig kami ng kaluskos kaya agad kaming nagising, wala si Sai!

"Asan si Sai?! " taranta kong tanong.

Naglabasan ang mga bandidong manggugubat kaya nagkumpulan kami.

"Hindi na dapat kayo tumuloy. Nakinig na lang sana kayo sa kaniya! Nasaan si Saira?! " pasigaw nitong tanong.

"Hindi namin alam! Gumising kami nang wala siya! Baka kinuha niyo! " sabat ni Leah kaya napunta sa kaniya ang paningin ng mga bandido.

"Hindi kayo ligtas dito! " sigaw ng lalaki bago tumingin sa'kin.

"Ibigay niyo sa amin si Saira! " muling sigaw nito.

N-nanghihina ako. Parang hinihigop ang lakas ko. Nakakarinig ako ng mga lenggwaheng hindi pamilyar at kung bigkasin ay parang isang orasyon.

*ting*

Nakarinig ako ng tunog ng orasan, anong meron?

Gulat na gulat ako ng tumalsik ako papalabas mula sa aking katawan. At mas lalo akong nagulat ng may nakita akong itim na usok na pumasok rito.

"Fuck! " sigaw ko sa gulat, mabilis na umikot ang paligid at nasa ibang lugar na ako. Hindi pamilyar ngunit maraming tao. Mapuno at may mga kubong bahay, parang isang maliit na baryo ang kinalalagyan ko.

"Nakuha na nila ang katawan mo, ngunit wag kang mag-alala dahil makakabalik ka kung magtatagumpay siya. " sambit ng isang lalaki kaya't napatingin ako sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mata Sa DilimWhere stories live. Discover now