◽Prologue

46 5 0
                                    


This is a mark of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works form or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Humahangos at patuloy sa pagtakbo ang hinihingal na si Yanni. "Ayoko na tigilan mo na ako"

Subalit hindi niya napansin ang isang malaking tipak ng bato sa kanyang dinaraanan, kaya't nadapa siya at nawalan ng malay. Ngunit bago pa ito mangyari ay may narinig siyang mahihinang boses mula sa dalawang tao.

"Siguro naman ay nagawa ko na ang trabaho ko sa iyo?" nagmula ang boses na ito mula sa babae.

"Hindi pa sapat iyan, ang dapat sa kanila ay makatagpo si kamatayan" nagitla si Yanni sa kanyang narinig mula sa huling boses, tila pamilyar at narinig na niya ang boses na ito noon ngunit hindi na niya maalala.

Unti unting ipinikit ni Yanni ang kanyang mga mata dahil sa lakas ng pagkakabagok ng kanyang ulo.

"Yanni. Yanni" mahinang bulong ng isang babae mula sa di kalayuan.

"Yanni. Gumising ka riyan. Kailangan nating makaalis rito" patuloy na saad ng isang babae.

Kunot noo namang gumising si Yanni at ramdam niya ang mainit na pag agos ng kaniyang dugo mula sa kanyang noo.

"Gia. Hindi ko na kaya. Nanghihina na ang katawan ko. Tingin ko hindi ko na kaya pang tumakas. I'm sorry" nanghihinang saad ni Yanni at iniyuko ang kaniyang ulo dahil sa ito'y kumikirot na.

"Hindi pwede yan Yanni, sabay tayong aalis lahat rito, ililigtas pa natin sila Aya di ba?" matigas na tugon ni Gia na patuloy na pumipiglas mula sa lubid na nakatali sa dalawa niyang kamay.

Ngunit hindi siya nakarinig ng tugon mula kay Yanni. Maya maya'y narinig ni Gia ang mahihinang hikbi mula sa nanghihinang si Yanni.

" Sana hindi ko nalang kayo inaya rito. Kasalanan ko. Patawarin nyo sana ako. Isinumpa ang lugar na to'. Ako ang may kasalanan Gia. Ako!" patuloy pa rin sa paghikbi si Yanni habang patuloy na umaagos ang dugo mula sa kaniyang noo.

Isang malakas na pagbukas ang pinto ang gumitla sa dalawa.

" Tapos na ba kayo magdrama sa isa't isa? "

Sabay silang napalingon mula sa taong nagsalita at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkabigla. Hindi sila makapaniwala. Siya pala. Siya pala ang taong nasa likod ng kasumpaan rito sa KIUTAKO.

A/N: Hello, this will be my first story this 2020. Enjoy reading! Votes and comments will be appreciated.

The Dark Side Of KiutakoWhere stories live. Discover now