◽Chapter 10

12 3 6
                                    

Updated: May 26, 2023

Nagising si Yanni sa isang puting kwarto. May iba-ibang machine ang kanyang nasa paligid. Sinubukan niyang gumalaw ngunit lubhang masakit ang kanyang katawan.

"Ahh ang sakit ng ulo ko" mahina niyang sambit sa kanyang sarili. Pinipilit alalahanin ang mga nangyari sa kanya. Ngunit tuwing ito'y kanyang gagawin ang kumikirot ang kanyang sentido.

Susubukan niya sanang tumayo ngunit nagitla siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Isang nurse ang mabilis siyang inalalayan.

Myrrh.

Basa nito sa pangalan ng babae. Edad 30's. Katamtaman ang tangkad nito. Morena at mababakas mo sa itsura nito ang ang kabaitan.

"Magpahinga po muna kayo sir. Mahina pa po kayo at matagal po kayong nakahiga" saad nito at inalalayan ang nanghihinang si Yanni.

"Lalabas lang po ako para tawagin si Doc" matapos nito ay lumabas muli ang nurse. Napagawi ang tingin ni Yanni sa mga nakapatong sa lamesa. Punong puno ito ng samut saring mga bulaklak. Iba iba ang kulay nito ngunit napakabango ng kanilang mga amoy.

Get well soon Yanni we miss you.

Magpagaling ka anak naghihintay kami ng daddy mo.

See you soon bro!

Basa nito sa ilang mga pirasong papel na nakalagay sa mga bulaklak. Ngunit napatigil siya sa iisang bulaklak na nakalayo sa iba pa. Isa itong bulaklak na madalas makita sa mga burol.

Kumunot ang noo nito at dahang lumapit sa bulaklak na iyon. Habang iniekspeksyon iyon ay may nahulog na papel mula roon. Isang papel.

Sana ay mabuhay ka pa ng matagal. Magbabalik ako sa panahong hindi mo inaasahan. Sa ngayon magpakasaya ka. - N.

Napatigil si Yanni sa nabasang iyon. Hindi maari. Kitang kita ng dalawa niya ang pagkamatay ni Natalia sa kanyang harapan. Hindi maaring buhay pa ito.

"Yanni?" napatigil na lamang sa pag-iisip si Yanni nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Ang kanyang mommy.

"Okay na ba ang pakiramdam mo anak?" sabay alo ni Aidnace sa kanyang anak.

"Ma. Nasaan po sila Aya? Sila Renz. Ana at Roljee. Pati si Gia. Ma nasaan sila?"napakunot noo naman si Aidnace sa narinig at hinawakan ang kamay ni Yanni.

" Anak magpahinga ka na muna kailamgan mo yon" alalang saad ni Aidnace.

"Pero ma! Kasama ko sila! Hindi ko nalang maalala ang mga sunod na nangyari. Nasa sasakyan kame oo tama! Tapos may nakita kaming mga tao ahhhh!" napahawak si Yanni sa ulo nito. Sobrang kumikirot ang ulo niya tuwing inaalala ang mga nangyari sa kanila.

"Anak. Tumingin ka sakin. Ano bang sinasabe mo? Sino sila Aya? Sino ba yang binabanggit mo anak hindi kita maintindihan" umiling iling lamang si Yanni. Hindi niya maintindihan. Bakit hindi maalala ni Aidnace ang mga kaibigan nito? Gayong bumisita sila sa bahay nila Yanni.

"Si Alice ma kilala mo?" pinipilit ipaalala sa ina ang lahat. Mukhang ang nanay niya ang nawalan ng memorya at hindi siya sa isip isip nito.

"Teka may pictures kame ma teka!" aligagang hinanap ni Yanni ang kanyang cellphone para mapakita sa ina ang mga larawan nila ni Alice.

"Andito lang yon e. Andito lang" patuloy sa pag-scroll sa kanyang phone si Yanni ngunit dismayado siya sa mga nakita.

Puro larawan niya ang mga andon. Lahat ng paborito nilang puntahan ni Alice. Lahat ay solo niya lang. Pero. Paano nangyari yon?

"Pero ma! Mag iisang taon na kame ni Alice! Bakit wala siya sa mga litrato namin! Hindi pwede yon ma!" umiling lamamg si Aidnace sa mga narinig sa anak. Naaawa siya rito. Pinilit niyang pakalmahin ang anak. Tulungan ang kalagayan nito. Ngunti aminado siya sa kanyang sarili na may kasalanan rin siya.

" Anak. Itigil mo na ito. Walang Alice. Walang Aya. Nasa isip mo lang yang lahat. Anak hayaan mong tulungan kita. Patawarin mo ako anak wala akong oras para sayo kaya ka nagkakaganyan" hindi na napigilan ni Aidnace ang mga luhang pilit niyang pinipigilan kanina pa.

"Pero ma. Pumunta kame sa Kiutako. Di ba may bahay tayo doon? Birthday ko non di ba? Ma kung pinaprank mo ko itigil mo na ma. Maniwala ka naman sakin ma please!" asik ni Yanni habang nakahawak sa buhok nito. Hindi niya alam ang nangyayari.

"Anak. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Mahigit dalawang taon ka nang nakaratay sa higaan mo. Paminsan minsa'y nagigising ka at akala ko ay okay ka na anak" patuloy sa pag-iling si Yanni. Halatang hindi naniniwala sa sinasabi ng kanyang ina.

"Nakaratay? Bakit? Dalawang taon na akong nakahiga dito? Bakit ma?"

"Dalawang taon na simula nang mamatay ang kapatid mo. Si Natalia. Nasagasaan noon ang sinasakyan natin. Nagtamo ako ng iilang sugat pero kayo ni Natalia anak malubha. Kaya't tinakbo ko kayo sa ospital kahit nanghihina ang katawan ko. Si Natalia anak hindi na niya kinaya *sob* at ikaw na-coma ka at siguro mahal tayo ng Diyos kaya hindi ka niya kinuha sa akin. Pero si Nat *sob*"tuloy tuloy lamang ang pag-agos ng mga luha ni Aidnace habang ipinapaliwanag ang mga ito kay Yanni.

" Anong sinasabe mo ma? Hindi yan totoo! Si Nat. Kasama namin siya doon sa Kiutako m-may binigay pa nga siyang bulaklak sakin e! " mabilis na tumakbo si Yanni sa mahabang lamesa malapit sa kanyang higaan. Pilit niyang hinanap ang bulaklak na yon ngunit bigla na lamang nawala ito na parang bula.

Biglang bumukas ang pintuan ang lumabas si Myrrh at ang isa pang doctor. Sa likuran ay may dalawa pang nurse na lalaki may dala dalang iba pang aparato.

"Gawin nyo na" utos ng doctor. Mabilis kumilos ang mga ito at hinawakan ang magkabilang kamay ni Yanni. Tinurukan nila ito at nanghihinang napaupo si Yanni. Bago ipikit ang mga mata nito ay nakita niya ang nakamasid lamang na ina at sa likuran nito ay ang nakangiting babae. Si Natalia.

"Doc magiging okay pa po ba ang anak ko?" tanong ni Aidnace sa doctor matapos turukan si Yanni ng gamot pampakalma.

"Manalig lang po tayo mam. Kailangan rin po labanan ng anak nyo to. Kung hindi agapan ay baka mas lumala ang kondisyon niya" pagpapaliwanag ng doctor.

"Kasalanan ko ito. Kung binigyan ko lang siya ng oras ay hindi siya magkakaganyan" sabay buntong hininga ni Aidnace at pinagmasdan ang anak.

"Kayanin nyo po ito. Lubhang naapektuhan si Yanni sa mga nangyari at sa insidente. Ang mabuti pa ay lumipat kayo ng bahay. Sa palagay ko makakatulong yon sa recovery niya. If you'll excuse me may bibisitahin pa akong pasyente sa kabila" magalang na tugon ng doctor at sinenyasan si Myrrh na lumabas.

A/N: Hey peeps! So I guess this is the end. All thanks to everyone! I can't express how much thankful I am to you guys. Yudabez!

The Dark Side Of KiutakoWhere stories live. Discover now