◽Chapter 6

18 2 2
                                    

Updated: May 26, 2023

Kumaripas ng takbo si Yanni papalapit sa tatlong taong bigla nalang tumambad sa kanilang pintuan. Masaya siyang makita ang mga kababata. Mag-iisang dekada na rin simula nang sila ay magkita kita.

"Yanni kamusta ka na!"

"Laki na ng pinagbago mo bro! Dati tumatakbo ka lang sa labas ng walang salawal"

"Hello Yanni. Kamusta ka na?"

Napaitigil si Yanni ng sandaling iyon. Si Ana. Childhood sweet heart niya ito non. Crush na crush niya ito dati dahil sa taglay na kaputian at kabaitan.

"Ay teka. Papakilala ko muna pala sainyo ang mga kaibigan ko." lumapit si Yanni sa mga kaibigan at isa isa itong ipinakilala sa mga kababata.

"Si Lei, Renz, Aya, Gia, Alice at yung isa pa naming kaibigan na nagpapahinga si Clover" masaya nitong sambit sa mga kababata. Masaya siya na nakarating sila rito sa Kiutako.

Samantalang si Alice ay malungkot na nakamasid kay Yanni. Mukhang nakalimutan siya nitong ipakilala bilang kasintahan.

"Si Lex, Roljee at Ana pala" nag-hello naman ang lahat sa mga kababata ni Yanni maliban kay Alice na tahimik lang sa gilid.

Akala niya okay na sila.

"Tara. Kumain na ba kayo? Tara sa kusina!" sumunod naman ang mga ito kay Yanni. Pansin ng lahat ang pagiging dikit ni Ana kay Yanni. Lingid sa kaalaman ng lahat ang lubhang pagseselos ni Alice dahil rito.

"Okay ka lang ba Alice?" alalang tanong ni Lei sa dalaga.

"H-ha? Okay lang ako no. Sus bakit hindi ako magiging okay? S-sige aakyat na ako kase walang kasama si Clover di ba?" alanganing ngumiti si Alice sa lahat. Para ipakita na okay lang siya. Na okay lang ang lahat.

"Parang gag* naman si Yanni" tanging nasambit nalang ni Renz.

"Kawawa naman si Alice. Sana okay lang siya" sambit ni Lei habang nakatungo kung saan dumaan si Alice.

"Kung ako si Alice sinabunutan ko na 'yung babae na' yon!" tanging sambit ni Aya habang inis na hawak ang flashlight.

"Boys will be boys" maikling tugon ni Gia.

Matapos kumain ng mga kababata ni Yanni ay nagpahinga na silang lahat. Naghahanda para sa kinabukasan. Hindi nila alam kung may susunod na biktima. Ngunit dahil wala namang nangyaring masama ngayong araw ay medyo nakampante sila.

"Oh shoot!" nag-aalalang sambit ni Aya. Napahawak nalang ito sa kanyang sentido at paikot-ikot sa kwarto.

Isa-isa namang nagising ang lahat. At walang ideya kung ano ang nangyayari.

"Ano ba yon Aya ang aga aga pa ano 'bang nangyayari sayo?" sabi ni Renz habang ito' y pupungas pungas na bumangon. Kita niya sa mukha ni Aya ang pag-aalala halos mawalan ng kulay ang mukha nito.

"Si Clover at Alice!!! Nawawala!" bulyaw ni Aya dahilan upang maaligaga ang lahat.

"Ano? Paanong nawala magkakasama lang tayo rito sa iisang kwarto kagabi! Imposibleng mawala silang dalawa!" tugon naman ni Renz.

"Hanapin natin sila! Bilisan nyo" sabi ni Yanni na mabilis na bumaba.

Hindi alintana ng lahat kung sila ay nakapantulog pa. Akala nila ay okay na. Akala nila ay wala nang mapapahamak ngunit mali sila.

"Clover! Alice!" sabay sabay na sigaw ng magkakaibigan. Maging ang mga kababata ni Yanni ay sumama na sa paghahanap.

"Dapat siguro hindi tayo natulog para mabantayan silang mabuti" biglang nasambit ni Gia habang sila ay naghahanap sa kakahuyan

The Dark Side Of KiutakoWhere stories live. Discover now