◽Chapter 8

11 3 2
                                    

Updated: May 26, 2023

Humahangos papalayo si Aya. Habang karga nito si Clover sa kanyang likuran. Halos madapa na ang dalaga kakatakbo. Hindi niya alam kung saan tutungo masyadong makipot ang daan sa kakahuyan at halos pare parehas ang mga punong kanyang dinaraanan.

Makakabalik pa kaya kami? tanging tanong na lamang ni Aya sa kanyang sarili.

Samantalang sila Yanni ay nagpatuloy sa kanilang paghahanap. Nalalapit nanaman ang paglubog ng araw at hindi nila namalayan na halos buong maghapon na pala silang palakad lakad.

"Umuwi muna kaya tayo Yanni? Halos hindi tayo kumain buong araw" reklamong tugon ni Lex habang nakahawak sa kumakalam na sikmura.

"Lex. Ana. Roljee. Pasensya na kayo ha? Akala ko kasi magiging masaya ang bakasyon natin rito pero huli na pala para sabihin na ganito ang madadatnan nyo rito. Humihingi ako ng dispensa" malungkot na tugon ni Yanni sa kanyang mga kababata.

"Ano ka ba okay lang yon Yanni. Ang problema mo ay problema na rin namin kaya wala yon sa amin" sabay tapik ni Lex sa braso ng nakababata.

Habang tangan ni Yanni ay nanghihinang si Ana ay hindi na napigilan ni Gia ang kanyang nararamdaman.

"P*tangina mo Yanni! Mas masahol ka pa sa mga hayop nila Renz!" naiiyak na bulyaw ni Gia kay Yanni na kinagulat ng lahat.

"Ha?" takang tanong ni Yanni sa nanggagalaiti na si Gia.

"Gag* ka! Napakagag* mo!" dinuro duro ni Gia si Yanni at halos mapatay na niya ito sa kanyang isipan.

"Hindi mo ba nakikita? Manhid ka ba! Si Alice girlfriend mo nawawala lang naman! At oo nga pala hindi mo lang siya basta kaibigan! Huwag kang magpanggap na hindi ka nag-aalala! Ano bang pumipigil sayo? Yang babae na yan? Eh nung dumating yan rito halos nag-iba ka na! Hindi na kita kilala. Akala ko dati kilala na kita eh. Akala ko lang pala yun Yanni" halos nanlabo na ang paningin ni Gia sa pagkakataong ito. Galit siya. Gusto niyang saktan si Yanni. Gusto niyang isampal sa kaibigan na mali ang ginagaw nito at sumosobra na.

"Gia" gulat na gulat ang mukha ni Yanni sa inasal ni Gia. Sa tagal nilang magkaibigan ay kahit kailanman hindi nagalit ng todo si Gia kanya. Ngayon lang.

"Huwag mo akong ma-Gia Gia!" sigaw ni Gia. Umaawat naman si Lex at Roljee sa nagwawalang si Gia. Samantalang si Ana ay malungkot lamang na nakamasid sa dalawa.

"Hindi mo kase naiintindihan Gia. Hayaan mo akong ipaliwanag ang sarili ko. Mali yang mga inaakala mo sakin. Akala ko ba kaibigan mo ako?" napaluhod na lamang si Yanni habang ang mga kamao nito'y nasa lupa. Unti unting pumatak ang kanina niya pang pinipigilang mga luha.

Napatigil ang lahat ng may mga lalaking pumalibot sa kanila. Hindi maaninag ang mga muka nito dahil sa nakabalot na itim na tela sa kanilang mukha.

Nanlaban si Lex at nasuntok niya ang isa sa mga lalaki sa kaliwang pisngi ngunit parang nadaplisan lang ito at parang hindi nasaktan. Gumanti naman ng suntok ang lalaki kay Lex at nasubsob ang binata sa lupa. Isa pa uling suntok at halos pumutok ang mukha ni Lex sa lakas ng suntok na yon. Wala atang balak buhayin ng lalaki si Lex at parang mapapatay niya si Lex sa mga suntok nito.

"Tama na!" sabay takbo ni Ana sa duguang si Lex. Halos hindi na ito makagalawa sa mga bugbog na natamo.

"Kumapit ka Lex. Uuwi pa tayo ha. Huwag mo kami iiwan" pakiusap ni Ana sa binata ngunit parang hindi na nito kakayanin na umuwi pa.

"Bitbitin yang mga yan" sambit ng isa sa mga lalaking nakapalibot sa kanila.

Pumiglas naman ang apat pagkahawak sa kanila ngunit lubhang malalakas ang mga ito. Ang lakas nila ay tila dinobleng lakas ng mga lalaking ito.

The Dark Side Of KiutakoWhere stories live. Discover now