Updated: May 26, 2023
Day 2
Pangalawang araw palang ng lahat sa Kiutako ay nasira agad ang plano nila.
"Ano hindi pa ba kayo magkakaayos?" dismayadong saad ni Yanni sa tensyon nila Aya at Gia. Matapos ang naganap na insidente na nangyari sa kanila ay hindi na sila nagkibuan.
"Hayaan mo na muna sila mahal. Magmeryenda muna kayo. Naghanda ako ng chips para sainyo" sabay lapag ni Alice ng snacks sa lamesa. Sya nga pala okay na sila ni Yanni. Wala talagang matigas na tinapay sa mainit na kape. Alam nyo na 'yon.
"Wow mahal. Pocky favorite ko' to mamaya poc—" sinuyaw ni Alice si Yanni bago pa siya makapagsabi ng masamang bagay.
Mukhang nagkaayos na nga ang dalawa at ngayon nga'y nagbibiruan na sila gaya ng dati.
Habang abala ang lahat sa sala ay pumanhik naman si Aya sa kwarto ni Clover upang alalayan at alagaan ito. Lubhang mahina pa rin ang katawan ni Clover matapos matagpuan sa gubat.
Malayong malayo sa trato ni Aya sa dating kaibigan, malamig, parang bang walang pakialam at hindi kinakausap, ngayon nga'y nabura nang lahat sa kanyang labis na pag-aalala. Kung anduon lamang ang kaibigan nilang si Katty, tunay na magiging masaya ito sa kanila.
" Nga pala guys. Papunta rito ang iba 'kong pinsan para makisalo sa atin. Sorry hindi ko agad nasabi. Okay lang ba sainyo?" giit ni Yanni habang kinakain ang paborito niyang Pocky.
"Oo naman Yanni. Pero sana may gwapo naman sa pinsan mo para hindi sayang ang bakasyon ko. Puro nalang kase itong isda ang nakikita ko e" na pinagtutungkulan ang kapatid na si Renz. Kagagaling lang nito sa kwarto kung nasaan si Clover.
"Ako nanaman nakita mo! Kapag tayo umuwe isusumbong kita kay mama sa kalandian mo" kibit balikat namang umalis si Aya sa harapan ni Renz upang ibalik ang bimpo at mainit na tubig sa kusina.
"Aaaaaaaah!"
Nagimbal ang lahat sa sigaw ni Aya na namayani sa buong kabahayan. Nakita nila ang duguang si AL na wala ng buhay sa kusina. Kung matatandaan si AL ang isa sa katiwala ni Yanni sa bahay bakasyunan nila.
"OMG!"
"Sino ang may gawa niyan?"
"Grabe. Walang awa ang may gawa niyan!"
Halo-halong emosyon ang naramdaman nila. Takot. Lungkot. Pamgamba. Naisip tuloy nila na ang maaring gumawa nito kay AL at ang dahilan ng pagkawala ni Clover ay iisa.
"Ano nang gagawin natin? Umuwi na tayo! Hindi na tayo ligtas rito!" takot na sambit ni Alice habang higpit na hawak kamay kay Yanni.
"Magtipon tayong lahat sa salas. Kailangan nating pagplamuhan ang gagawin" suhestiyon ni Yanni na agad namang sinang-ayunan ng lahat.
Mabilis na nagtungo ang lahat sa salas. Pinagpaplanuhan ang mga maari nilang gawing hakbang. Tatawag kaya sila ng pulis? Hihingi ng tulong?
"Bakit himdi nalang tayo tumawag ng pulis Yanni? Kesa lahat tayo ay mamatay rito!" —Renz.
"Hindi ka ba nag-iisip? Maaring lahat tayo ay makulong. Malamang tayo tayo lang naman ang magkakasama rito. Anong iispin ng mga pulis?" —Yanni.
"Natatakot ako. Baka mamaya niyan lahat tayo ay matulad kay AL. Umuwe nalang tayo" —Alice
"Pano naman si AL? I mean hindi natin siya kakilala pero katiwala siya ni Yanni rito. Kailangan mabigyan ng justice ang pagkamatay niya" —Aya
"Ah so gusto niyo ata na pare-parehas tayong mamatay rito?" —Gia
"Guys. Guys. Tama na yan ang mabuti pa magstay tayo sa iisang kwarto para sure na walang mangyayari masama okay ba 'yon?" sabi ni Yanni na agad namang napalingon sa papalapit na si Lei.
"Saan ka galing Lei?" walang atubiling tanong ni Aya kay Lei.
"Sumama kase ang tiyan ko sa kinain natin kaninang tanghali kaya napatagal ako sa banyo. Anong nangyari?" walang kaalam alam na tanong ni Lei sa lahat.
"AL just found dead" bakas sa mukha ni Alice ang takot. Hindi na niya alam ang dapat gawin matapos makita ang duguang si AL. Ngayon lang siya nakakita ng duguang tao sa buong buhay niya.
"Totoo ba yan? Sino ang may gawa non?"
"Kung alam namin edi sana iginapos na namen don sa gubat. O baka ikaw naman ang may gawa?"
Sa lahat ng magkakaibigan, hindi maipagkakailang, si Aya ang pinakamatapang sumunod kay Gia. Kahit sino talaga'y wala syang uurungan. Kaya't minarapat ni Renz na awatin ang mga ito.
11:30 pm.
Napagdesisyunan ng lahat na manatili kung saan si Clover nananatili. Mayroon namang isa pang kama sa kwartong iyon at maaring ang iba ay sa lapag nalang matulog.
"Pwede ba ako magtanong sainyo bago tayo matulog?" saad ni aya at marahang umupo para makita ang lahat. Tanging ang munting lampara ang umiilaw sa kwartong iyon. Humihuni ang mga insekto sa labas at dama ang lamig ng panahon sa labas ngunit ang init ng tensyon sa loob ay nagsisimula palang.
" Nasaan kayo bago mawala si AL. Bago tayo bumalik sa bahay?" —Aya
"Kasama ko si Renz. Naghanap kami ng iba pang mabisang gamot na halamang gamot para mapabilis ang paghilom ng mga sugat ni Clover" —Yanni
"Nagpicture taking ako non sa mga puno. Ang ganda kasi gusto ko ipakita kila mama at tita pagka umuwe na tayo" —Alice
"Saglit akong nagbasa non malapit kung nasaan sila Renz. Busy pa kase kayo non sa chikahan kaya nagbasa nalang ako. Then after that, nagbanyo ako at sumama ang tyan ko, gawa nga nung kinain natin kanina" —Lei
"Naghanap ako ng pwedeng pagbanyuhan. Somewhere na private kase di ko na mapigil ang ihi ko" —Gia
"Ako naman kausap ko sila mama sa phone. Kaya nga lang nawawala wala ang signal kaya hindi ko rin sila nakausap ng maayos. Pero ang pinagtataka ko lang. Bakit hindi kayo nagsabay umihi ni Lei, Gia. Tutal ang sabi ni Lei ay nababanyo rin siya nung time na 'yon tama ba?" saad naman ni Aya. Lahat ng tingin ay lumipat kay Gia. Tila may namumuong palaisipan sa kanilang mga isip.
" Teka. Ako ba talaga dinidiin mo rito? Di ba sinabe ko na sayo? Hindi ako' yon. Hindi ako ang may gawa niyan kay AL. Hindi nyo ba naisip na naaksidente lang siya o natapilok sa may bangin?"
"Natapilok? Kahit may harang yung bangin na 'yon natapilok siya tapos nahulog? Hindi ka ba nag-iisip?"
"Eh bakit parang ako parati ang nakikita mo? Porket ba parehas kameng naghahanap ng banyo non ni Lei at hindi kami nagkasabay, ako na agad ang pinaghihinalaan mo? Napaka-nonsense ng judgement mo sa totoo lang"
Patuloy pa rin sa pagtatalo ang dalawa ng biglang may kumalabog sa ibaba at biglang nawalan ng supply ng kuryente. Umihip ng malakas ang hangin dahilan upang mawalan ng ilaw ang kwartong iyon. Tanging ang buwan na lamang ang nagbibigay liwanag sa lahat.
Sino nga kaya ang may motibo upang gawin ang mga ito? Si Gia nga kaya? Tama nga kaya ang hinala ni Aya?
YOU ARE READING
The Dark Side Of Kiutako
HororReveal the dark side of the unknown place in KIUTAKO.