Third Person's POV
"Pre, bakit ginurihan yung feb. 14 sa kalendaryo niyo?" Pagtatanong sa kanya ng kaklaseng si Wendel
Nasa bahay nila ngayon ang tatlong tropa at kaklase niya na sina Wendel, Rick, at Harry na matalik nitong kaibigan mula pagka lipat nila ng bahay dito sa Cavite.
Kalalabas lamang niya galing kusina at may hawak siya ng malaking mangkok ng pansit canton.
Nakatayo si Wendel sa likod ng nakasaradong pintuan ng bahay nila, kung saan nakasabit ang kalendaryong hiningi ng nanay niya sa suki nito sa palengke.
"Parang may galit talaga yung pag guri sa kalendaryo o." Pagtuturo pa nito sa number 14 sa buwan ng pebrero na hindi na makita ang numero dahil ginurihan ito ng itim na marker.
Diin na diin ang pagkakaguri dito na pati ang sunod na papel sa kalendaryo ay nahawaan na din ng tinta.
"Nako, wag ka na mag taka Del. May sama talaga ng loob iyang si Saint sa February 14." Natatawang sabi ni Harry habang pinapaypayan ang sarili gamit ang hinubad nitong sando.
"Kain na mga ugok." Pag tawag nito sa kanila.
Inilapag nito sa lamesita ng salas ang hawak niyang mangkok. Kaya naman nag si-ayos na ang mga ito ng upo mula sa pagkakahilata sa sofa nila. Lumapit na rin si Wendel at umupo sa sahig para kumain.
"Bakit ba may sama ng loob iyang si Santino sa Valentines ha?" Pagtatanong naman ni Rick. Si Harry muli ang sumagot sa tanong na para sa kanya.
"Paano kasi, lagi siyang malas tuwing valentines. Kung hindi nirereject, nananakawan , napapahiya o kaya naman na iinjure, tapos natatalo lagi kapag ang contest ay naka schedule ng February 14. Pero ang pinaka malupet ay yung last year, nahuli niyang nakikipag laplapan sa iba yung jowa niya. Tapos nung nakipag suntukan , siya pa ang marami ang bangas. May sumpa talaga iyan sa valentines eh hahahahahah-a-ack!" Napa ubo-ubo siya nang tumawa siya habang lumalamon ng pansit canton.
"Ayan sige, asarin mo pa 'ko. Maigi nga sa'yo." Pangangasar ko sa kanya
"Pre- *cough* *cough* tubig pre!" Natatawa siyang inabutan ni Saint ng tubig.
"'Yan, lamon pa. Katakawan mo talagang kupal ka. Akala mo kasi inaagawan ka ng pansit canton. Anim na balot 'yan jusko, hindi ka mauubusan." Nagtawanan muli silang lahat nang mamula-mula na ang leeg at mukha nito habang umuubo.
Well, tama naman si Harry eh. Sinumpa ata siya ni St. Valentine at tuwing February 14 ay minamalas siya. February 14 and version niya ng Friday the 13th .
Pinaka una niyang kamalasan sa valentines ay noong grade 3 siya. May event ang school nila noon para sa valentines, napadami ang kain niya ng tsokolateng bigay sa kanya ng mga kaklase niya.
Kaya naman napa-tae siya sa salwal, doon din namin nalaman na may allergies pala ito sa chocolates at hindi kaya ng sikmura nito ang tsokolate. Sobrang ang kahihiyan niya noon. Ang madaming nag ka-crush sa kanya ay nandiri sa kanya. Tapos binansagan pa siyang 'choco-tae' ng mga kaklase niya. Maigi na lang at lumipat sila ng bahay dahil sa trabaho ng kanyang ama.
Grade 4, nadapa siya habang pababa ng stage pag tapos ng school performance. Grade 5, nakagat siya ng aso ng kapit-bahay nila pagkagaling sa eskwela school. Grade 6, aksidenteng nabuhusan siya ng schoolmate ng libreng pa lugaw sa salwal.
Iniisip niya noon na nagkakataon lang talaga ang lahat. Pero 1st year high school, may fun run event para sa valentines tapos na sprain ang paa niya. Sobrang nag maga iyon at hindi siya makalakad ng ayos ng dalawang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/229243236-288-k109060.jpg)
BINABASA MO ANG
My Weirdest Valentine
HumorThis is a funny and kilig story about a guy who is cursed of bad luck every Valentines day and weird girl named Valentine. Who met and fell in love in Valentines day. "Fuck you St. Valentine!" -Saint Macapagal 2020