Mag aalas-diyes na ng umaga nang makadating si Saint sa dance room ng university. Dapat ay 9:30 talaga ang call time nila pero syempre walang pumupunta ng eksaktong call time talaga.
He wore a gray sweat pants and a black body-fit shirt, he also wore Nike air max 270 na black. He carried a back pack which contain a set of extra clothes along with a tumbler and face towel. Just the usual essentials for dance practice.
Three weeks from now ay foundation day ng kanilang university. At bilang isa sa mga university dance troupe sila, they were ordered to be one of the performers for the foundation day.
Nang makadating siya sa dance room ay puro freshman na member palang nila ang nandoon. Ganyan din siya noon nang nagsisimula pa lamang siya. Palaging maaga at on time. Pero ngayong junior year niya ay nagpapalate na din siya.
Binati siya ng mga ito at siya naman ay nag start nang mag warm up. They are a total of 16 members, all male. 4 seniors,6 juniors, 3 sophomores, and 3 freshies. They were originally 19 but the 3 seniors retired early para mag focus na sa studies dahil graduationg. They were all from criminology course.
Medyo sikat sila sa university dahil karamihan sa members nila ay mga good looking. May fan base din sila sa loob ng universisty. Maririnig ang titlian palagi kapag nag peperform ang grupo nila. Supportado din sila ng mga estudyante dahil isa sila ang pambato ng school sa mga competitions.
Mga 11:40 sila nakumpleto kaya naman nag start na silang mag practice. Their song was Abusadamente remix, their choreographer Eljo and Bran made the choreo beforehand para deretsong practice na sila ng sayaw.
Wala masyadong flips sa routine nila since production number lang naman ito para sa foundation day.
After 4 hours of practice, they had a 30 minute break. Some of them went outside to buy food and drinks, while he gets his tumbler inside his bag. He sat down the floor while wiping his face with a towel.
He lifted up his shirt that shows his not so buff abs, he has 6 pack abs na produkto ng halos anim na taon niyang pagsasayaw. Then he rested the towel in his head, covering his face. He motioned his shirt up and down na parang pinapaypayan ang dibdib at tiyan niyang exposed.
Magpapahinga muna siya bago lumabas at bumili ng pagkain, buti na lamang at dinagdagan ng nanay niya ang baon. Lagi kasing dinodoble nito ang baon kapag may dance practice sila para makabili ng maraming pagkain ang anak. Siyempre, nakakapagod at nakakagutom ang pagsasayaw kaya naman tinataasan nito ang baon ng anak.
Thankful din ang ina nito sa pagsasayaw ng kaniyang anak, dahil dito ay nabawasan ng kalahati ang tuition nito. Ang University kasi na napasukan niya ay nagbibigay ng discount sa mga miyembro ng dance troupe, glee club, athletes, at kung ano-ano pang clubs that involves talent.
Habang nagpapahinga siya at nakikinig sa malakas na music mula sa speaker ay may biglang tumama sa paa niya na mabigat na bagay. Napa-aray siya ng mahina at tinanggal ang nakataklob na towel sa mukha niya.
Pag kita niya sa paanan ay may gumulong na malaking bote ng gatorade at isang pares ng paa. Nang tumingala siya sa may ari ng paa ay nakita niya ang naka-awang na bibig na si Valentine. Naka uniporme ito at may hawak na paper bag.
Titig na titig ito sa kanya or rather sa tiyan niyang exposed. Medyo nailang siya sa pag titig ng babae sa abs niya, kaya naman binababa niya agad ang t-shirt, kaya naman biglang umapela ito.
"Hubby naman! Bakit mo binababa?! Nag eenjoy pa kong titigan ang iyong hot bodeh." nakangusong pag rereklamo nito. Nagpapadyak pa ito ng kaliwang paa
Umayos naman ng upo si Saint at sininamaan ng tingin ang babae.
"Bakit ka nandito?" Pinulot ni Valentine ang gumulong na Gatorade at iniabot iyon sa kanya.
"Para saan ito?" tiningnan lamang niya ang Gatorade at hindi inaabot.
"I bought it for you. Para 'di ka ma-dehydrate." 'di pa rin inaabot ni Saint ang bote.
"I have water." sagot niya.
"Yaan mo na, para sosyal 'di ba?" at nginitian siya nito. Inabot na lamang niya ang inumin and said his thanks, para hindi na sila mag talo. Siguradong may rebuttal na naman ito kapag kinontra niya pa ito.
"Bakit ka nga andito?"Pag ulit niya muli sa tanong.
Umupo na ito sa tabi niya at binuksan ang paper bag na dala nito.
"i texted uya Bran and askd if break time niyo na. Saktong labasan na ng last class ko for today. So, pumunta na ako dito and I brought food!" Oo nga pala at pinsan nito si Bran kaya alam niya ang schedule ng practice nila.
Pinanood niya lamang ito na linalabas ang dalawang tupperware mula sa loob nito. Binuksan nito isa-isa ang lalagyan. Sa unang tupperware ay may lamang lasagna, ang isa ay may lamang garlic bread at dalawang maliit na chocolate cupcake.
Kumuha din ito ng dalawang disposable fork mula sa paper bag at iniabot ang isa sa kanya. Wala sa isip niyang kinuha ang tinidor at tiningnan lamang ito.
"Eat up, I've prepared all of these for you. Nagpakahirap akong lutuin 'yan!" masiglang sabi sa kanya ni Valentine at tila proud na proud sa niluto.
"Thanks but no thanks, you don't have to do that. May pera naman akong pambili ng pagkain. It's not that boyfriend mo 'ko para paghandaan ng pagkain" malamig niyang sabi.
Tinitigan lang siya ni Valentine nang walang emosyon hanggang sa dumilim na ang mukha nito. Pinulot nito ang takip ng tupperware at padabog na tinakpan ang mga tupperware.
Hinablot din nito ang tinidor na hawak niya padabog ding inilagay pabalik sa paper bag. Padaskal nitong inilagay sa loob ang mga tupperware at hindi man lang inisip kung matatapon ba ang laman nito.
Mabilis itong tumayo at halos tinakbo na ang palabas ng dance room. Ang iilan na freshmen na nasa loob ng dance room ay napatingin dito. Nanunubig na pala ang mga nito at sumisinghot-singhot na ito.
Sakto namang lalabas na ito sa pintuan ay nakasalubong nito ang pinsang si Bran. Hinawakan nito ang pinsan sa braso at itinanong kung anong nangyari. Bigla itong ngumawa at itinuro ang direksyon niya.
"Uya! Si Saint kasi!" ngumawa uli ito pagtapos ay kumalas na sa hawak ng pinsan at tumakbo palabas. Bran apologetically looked at him at lumapit sa kanya.
"Pre, pagpasensyahan mo na yung pinsan kong iyon. Moody kasi at medyo sensitive ever since." Nagkamot pa ito ng ulo. Ganoon na talaga ang pinsang niyang iyon kaya kahit simpleng salita lang ay iiyak na ito.
"Wala ka namang masamang ginawa diba?" Bran's voice shifted from apologetic to serious.
"Tinanggihan ko lang yung pagkain na inalok niya. I didn't do anything wrong." he plainly said but deep inside, he was guilty of making Valentine cry.
Kaya naman tumayo siya at lumabas ng dance room habang dala ang Gatorade. He will apologize to Valentine, he realized na nag effort ito para sa kanya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------<3
Medyo napahaba ang gawa ko sa chapter na ito sa draft, kaya naman hinati ko sila sa dalawa para madami ding chapters. I dunno if I'll entitle it as valentine 7 or 6.5 . Kasi same event sila pero dinivide sa dalawa. Kaya siguro dapat ay 6.5, okay nakapag decide na ako hahaha.
Chicken Wings!!
Aoife :*
BINABASA MO ANG
My Weirdest Valentine
ComédieThis is a funny and kilig story about a guy who is cursed of bad luck every Valentines day and weird girl named Valentine. Who met and fell in love in Valentines day. "Fuck you St. Valentine!" -Saint Macapagal 2020