Hindi naman kasi siya ganito noon. Not until Valentine's of last year, when his ex Diana replaced him at ang dahilan lang naman ay dahil nauumay daw ito sa pagiging caring at sweet niya. Nakakasawa daw ang pagiging sweet nito, gusto daw nito ng challenge at excitement.
So, hindi pala siya exciting kung ganoon. Gusto lang pala nito ng excitement at hindi pag mamahal.
Because of that, he hated giving affection and receiving affection. Masyado siyang na-trauma sa ginawa ni Diana. He gave it all, pagmamahal, oras, effort, affection, at sweetness pero pinagpalit pa rin siya.
He realized that girls will always choose a bad boy rather than a good guy. Ang hilig ng mga babae sa mga toxic na lalaki, mas gusto nila kapag rebellious kasi mas cool. Boring, kapag masyadong sweet at mabait.
Nakita niya si Valentine sa usual kainan ng mga estudyante. Nilalantakan nito ang garlic bread habang umiiyak, nagtitinginan ang mga tao dito dahil medyo may kalakasan ang pag ngawa nito . Pero wala itong pakialam sa paligid at pinagpatuloy ang pag nguya.
Hindi niya alam kung matatawa o maaawa ba siya dahil itsura nito. Kinusot-kusot pa nito ang mata gamit ang braso at nasinok-sinok pa. Naghahanap ito ng maiinom pero naalala nito na binigay niya ang Gatorade kay Saint kaya lalo itong ngumawa.
"Waaaaahhh"
Mabilis na naglakad si Saint papunta sa inuupuan ng babae. Pinatong niya ang Gatorade sa mesa at umupo sa tabi nito. Napatingin ito sa kanya habang ngumunguya pa rin. Hindi nagsalita si Saint, kinuha nito ang lasagna pati ang disposable fork at sinimulang lantakan.
Malalaki ang subo nito sa lasagna, habang si Valentine ay nakamasid lamang sa kanya. Hindi ito nag salita, tumigil na din ito kakaiyak at pinanood na lang siya. Nang maubos na niya ito ay kinuha niya ang Gatorade at tinungga ito. Pagtapos mangalahati ng inumin ay tinakpan na niya ito.
"Salamat sa lasagna." Binababa na niya sa lamesa ang inumin.
*Buurrp*
"Excuse me" nahihiyang sabi ni Saint.
Ang kaninang malungkot na Valentine ay bigla na lamang tumawa. Napangiti siya dito nang makitang masaya na muli ito.
"Masarap?" mahinang tanong nito sa kanya. Tumango lamang siya at uminom mula sa bote. Masarap naman talaga ang lasagna na ginawa nito.
Valentine once again rubbed her eyes with her arm and smiled. Pero biglang kumunot ang mukha nito at may kinuha sa kaniyang bag. Nilabas nito ang pack ng tissue, akala niya ay ipapahid nito ang tissue sa sarili. Pero inilapit nito ang kamay sa labi niya at pinunasan ito.
Sa sobrang bilis pala ng pag kain niya ng lasagna ay may mga sauce na naiwan sa gilid ng labi niya. Doon din lang niya napansin ang mga bandages sa daliri ni Valentine. Kinuha niya ang kamay nito at kunot noong tiningnan si Valentine.
"Nahiwa ka?" wala namang dapat hiwain sa pag gawa ng lasagna kaya nagtataka siya kung bakit may bandages ito.
Binawi nito ang kamay at ngumiti sa kanya.
"Masyado kasi akong naexcite nang ma-bake na yung lasagna. Kaya noong ilalabas ko na sa oven ay nalimutan kong maglagay ng mittens, teehee!" Dumila at nag peace sign
"Crazy girl." Natatawa niyang sabi at ginulo ang buhok nito. Pero sumeryoso din siya nanag maalala niya ang mukha nitong umiiyak kanina.
"Valentine, I'm sorry for making you cry earlier. At salamat sa pag effort mo sa pagluluto, napaso ka pa tuloy." He said while looking at Valentine.
"Okay na 'yon hubby! Nakain mo naman lahat eh kaya bati na tayo." she flashed her childish smile at him. Then, kinuha niya ang chocolate cupcake at akmang isusubo sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Weirdest Valentine
ComédieThis is a funny and kilig story about a guy who is cursed of bad luck every Valentines day and weird girl named Valentine. Who met and fell in love in Valentines day. "Fuck you St. Valentine!" -Saint Macapagal 2020
