PROLOGUE
Maingay, naghahalong mga kulay ng mga ilaw at mga taong nagsasayaw sa saliw ng musika; Ang maiilarawan kung saan siya nagt-trabaho. Isang kung saan puro Omega lang ang empleyado.
"Seiichi pakibigay naman tong Mojito doon sa table #7!"
Dali daling kinuha ni Seiichi ang order ng kanilang customer, sanay na s'ya sa trabaho niyang ito. Marahil din dahil sa kanyang Tito niya ang Bar na kanyang pinag t-trabahuhan. At hindi rin maipagkakaila na may itsura rin ito; maliit kesa sa mga normal na lalaki, matangos ang ilong, mapupungay na mga mata, at may mapupulang mga labi.
"Here's your order Sir" sinerve niya ang inumin ng kanilang customer ng may ngiti sakanyang mga labi. At hindi rin maipagkakaila na may itsura rin ito; matangkad ito at mestizo, matangos ang ilong, mapupungay na mga mata, mapula din ang kanyang labi. Isa ito sa mga protocol ng kanilang Bar; kailangan masuyo sila sa mga customer. Ngunit may mga pagkakataon talaga na bastos at gago ang customer....katulad na lang ngayon...
"Hi, can I take you out?" may malisosyong ngiti ang bungad sa kanya nito, agad na nataranta si Seiichi ng hawakan nito ang kamay niya at pilit na nilalapit sa katawan nito.
"S-sir sorry po, hindi po ako pwede"
"Tsk! ang arte mo naman! pakipot ka pa e magugustuhan mo rin naman ang gagawin natin" Mas humigpit ang hawak nito sa kanya, at pilit paring nilalapit ang katawan nilang dalawa, nagpupumiglas si Seiichi sa hawak nito.
"Sir hindi po talaga pwede!"
"T*ngin*! pakipot pa ang p*ta!" mas naging agresibo ito at pilit hinihawakan ang kanyang mukha ngunit nag pupumiglas sya.
Nagulat na lang siya nang biglang may humablot dun sa lalaking nambastos sakanya, sinuntok nito ang lalaki at ibinalibag sa lapag ng kanilang bar, natigil ang mga nagsasayaw at tila nanonood na parang may pelikula sa harap nila.
"Seiichi! Seiichi! ayos ka lang ba?!" hindi niya namalayan na dumating na ang kanyang Tito at nagaalala itong umalalay sakanya.
"O-ok lang po ako T-tito" sagot niya rito upang hindi na ito mag alala. Lumingon sya sa lalaking nag ligtas sakanya at matiim itong nakatingin sakanya, tila inaalisa kung ayos lang sya.
"Thank you sa pag ligtas sakin....what can i do for you in return?" matagal itong tumitig sakanya at makahulugan itong ngumisi at nilahad nito ang kamay sakanya.
"I'm Kiyoshi Lucas Castillo, can I take you out?".
BINABASA MO ANG
Untouched
Ficción GeneralThis is an tagalog omegaverse story. Read at your own risk.