Seiichi'
Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Gulong-gulo ako ngayon. Halos isang linggo narin ang nakalipas nung inuwi ko si Kiyoshi sa condo niya pero hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi ng Ate niya.
*Flashback*
Naisip kong hindi dalhin si Kiyoshi sa bahay namin. Malamang baka magulat nalang ako di na magising yang lalaki na yan. Malaki ang chance na patayin siya ng Tito ko. For real. Kung alam niyo lang, Sobrang galit sakanya si Tito Alex.
Kaya ang ginawa ko, pinadiretso ko nalang sa driver ang sasakyan papunta sa condo ni Kiyoshi.
Nagpatulong ako sa mga guards ng condominium para buhatin siya. Nang nasa harap na kami ng kwarto niya, sinubukan kong kapain sa mga bulsa niya kung nandun ba yung card niya para mabuksan ang condo niya. Pero wala.
Good thing binuksan ng guard ang pinto niya gamit ang spare card ni Kiyoshi para makapasok na kami. Napag kamalan pa akong 'call boy' ni Kiyoshi. Galing diba?
Nalaman kong nasa kapatid niya pala ang susi niya based narin sa nagsabing guard saakin. Sa loob, Hinubaran ko siya ng pants at iniwan ang boxers niya. Pinunasan ko pa siya ha. Napaisip rin ako kung tama ba ang ginagawa ko at kung dapat bang iwasan ko na ang taong gumahasa saakin.
Nakatulog ako sa gilid ng kama niya habang iniisip ang mga bagay na yun.
Kinaumagahan:
Nagising ako sa isang pambabatok saakin. Hindi pala ako nakapag-bihis ng damit at jacket parin ni Kiyoshi ang suot ko.
"What are you doing here?" Napatingin ako sakanya. Nakakunot ang noo niya at nagtataka.
Naisip ko lang. Iba yung ugali niya kapag nalalasing siya. Mukha yatang hindi siya sanay na malasing ah. Yet bar parin siya ng bar. Tanga lang? Char.
"Excuse me, Sir. Ako lang naman ang nag uwi sayo rito" pagtataray ko sakanya. Napasimangot siya.
"Oh, what now? Umalis ka na" Tumingin naman ito sa suot ko. "Teka, hubarin mo yan. It's my jacket."
Tumingin ako sakanya. Wait? Pinapahubad niya to? "Teka lang ha? Lilinawin ko lang. Kaya ko to suot to it's because you vomited on my shirt. I'll give it to you nalang some other time." I smile sarcastically on him. Tatalikod na sana ako nang hatakin niya ako sa kama niya.
Hinawakan niya ako na parang kinu kwelyuhan. Napalunok ako. Nakakunot ang noo niyang nakatingin saakin. Ang lapit ng mukha niya, hindi ko siya matingnan ng maayos.
"I said take off my jacket. I don't care if you will go home naked" ang matigas niyang sabi. "A-ayoko" Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil na rin sa kinakabahan ako. Nalamon ako ng presence niya.
Tumitig siya saakin. Ibinaba niya ang titig niya sa lips ko. I start blushing. Kinakabahan ako, at nahihiya.
"I'll kiss you then" Unti-unti niyang nilalapit lalo ang mukha niya. Napapikit na lang ako. Hinihintay na halikan niya ako, nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at pag aray ni Kiyoshi.
Binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko si Ate Karin, sinasabunutan si Kiyoshi.
"Ano na namang gagawin mo kay Seiichi ha? Hindi ka na talaga natatakot sakin ah" sigaw nito kay Kiyoshi habang sinasabunutan pa rin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/229256673-288-k343716.jpg)