Chapter 3

45 23 8
                                    

Habang papaalis ng bayan si Louise ay di nya mapigilang umiyak.

Mula sa mga ala-ala, mga tao at higit sa lahat sa kaibigan nyang si Maximiliano. mamimiss nya ang lahat ng nandito.

***
"Louise, Louise gising" bulong ni Max kay Louise, agad namang nagising si Louise at bakas sa mga mata na antok pa ito. nag tataka din ang dalaga sa nang yayari.

apat sila sa loob ng kwarto. si Max, Jessica at Diego lang ag kasama nya. agad naman syang nag tanong.

"Nasaan ang iba?" tanong ni Louise.

"Pinasok tayo ng mga armadong tao" sagot ni Diego. "Ligtas sila pero si Margaret, wala na" sabi ni Jessica na umiiyak. yakap lang sya ni Max. agad sinuot ni Louise ang kwintas na binigay sa kanya ng lola nya.

"Dumating ba sila Calvin?" tanong muli ni Louise. "Hindi sila dumating, baka nag palipas na ng gabi sa kalsada"

"tumahimik muna kayo" bulong ni Max dahil mukhang may paparating.

ilang sandali lang at may kumatok sa pinto at nag salita.

"Louise, buksan nyo 'to" sabi ni Franz. agad binuksan ni Diego ang pinto at pinapasok sila. sa ngayon ay pito nalang sila.

"Nasaan si Beatrice?" tanong ni Diego. "tumakas sya sa bintana kanina" sagot naman ni Emman.

Beatrice's POV

Tumakas ako mula sa bintana ng looban kami ng mga armadong lalaki. katulad lang ng nakita namin sa convenience store, gusto din nila kaming patayin at inuna na si Margaret.

tumatakbo ako hanggang sa marating ko ang kabahayan.

kumatok ako sa mga pintuan at may tumulong sa akin.

kasalukuyan akong nakaupo sa sofa, pumunta sandali ang may ari ng bahay sa kusina, may kukunin lang daw.

nanonood ako ng tv ng dumating ang nag patuloy sakin dito na nag ngangalang Jose. may hawak syang isang palakol at lumapit sa akin, ang akala ko ay lalabas sya at papatayin ang mga nanloob sa amin.

laking gulat ko ng ihampas sya sa akin ang palakol na sya namang kinabagsak ko sa lupa at mawalan ng malay.

***
Lumabas ng bahay ang mag tropa at pumunta sa kagubatan, magkakasama sila at di naghiwalay pa.

pito nalang silang buhay, wala na ang bangkay ni Margaret nung tignan nila at di naman nila alam kung napano na si Beatrice.

nagtago sila sa isang kweba na malapit sa kabahayan, "Mas mabuti kung dito lang tayo" sabi ni Max.

pinapanood nila ang pag sikat ng araw, unti-unti na ring nag lalabasan ang mga tao.

"May pyesta ata sila" sambit ni Vanessa dahil mistulang nag diriwang ang mga ito.

ilang saglit lang at nakita nila ang bangkay ni Beatrice at Margaret, at may dalawa pang naka loob sa sako.

"Patay na sila" sambit ni Jessica. habang si Louise ay mahigpit ang hawak sa kwintas ng kanyang lola.

di na mapigilan ni Emman na sugurin ang mga tao, dahil pupugutan nila ng ulo ang mga bangkay.

"di ko na kaya, ayoko ng ganito" sigaw ni Emman na nakakuha ng antensyon ng mga tao.

may ilang mga payaso ang sumugod sa kanila na may hawak na armas.

"Killer Clowns!" sigaw ni Vanessa at tumakbo palayo. habang si Emman naman ay pasugod sa mga payaso.

tumakbo na din sina Max at Louise ngunit mag kaiba ng pinuntahan ang iba. tanging dalawa nalang sila na mag kasama.

di nila alam ang nangyari sa iba. di pa sila nakakalayo kaya't tanaw pa nila ang pag paslang kay Emman.

Clown Town [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon