Last Chapter

66 21 6
                                    

nakatakas na si Jessica sa kamay ng payaso na nakahuli sa kanya. papalabas na sya ng bayan ng may sasakyan syang nakita. sinakay naman sya nito at nilabas ng bayan.

di katulad ng taong bayan iba ang damit nito. nasa kanya pa'rin ang cellphone ni Cheska at base sa orasan nito ay 10 pm na. matagumpay naman syang nakalabas ng bayan ng buhay. tulad nya galing din sa bayan ang lalaki at nakaligtas din sa kamay ng mga payaso.

nalagpasan na nila ang convenience store kung saan ang unang encounter nila sa payaso. tuloy lang ang pag drive nang binata hanggang sa makalayo sila.

sa pag kakaalam niya ay Dylan Sy ang pangalan ng kasama nya dahil yun ang nakalagay sa driver's license nito.

***
Nakahiga lang sina Louise at Max sa isang troso simula ng magkita sila, nagising si Louise mula sa pag kakatulog at tumakbo muli at doon sya nakita ni Max.

muli silang nakakita ng isang tao na nakatayo di kalayuan sa kanila. habang papalapit ito ay nakumpirma nila na kalaban ito.

"Max" sambit ni Louise na takot na takot. hawak nya ang kwintas ng kanyang lola.

tumayo si Max at tumayo din sya. lumapit si Max sa lalaki at pinakita ang peklat na nasa kamay nito.

sinamahan sila nito hanggang sa bayan. nasigurado na din ni Max na patay na lahat ng kasama nila kaya ito na ang tamang panahon.

"Max natatakot ako, papatayin nila tayo" sabi ni Louise na yakap ni Max, nakita ni Louise ang bangkay ng mga kasama na pinagpepyestahan ng taong bayan. ngunit wala dun ang bangkay ni Jessica.

pumasok sila sa isang bahay na pamilyar kay Louise. tama ito ang bahay nina Maximiliano.

kasama pa din nila ang payaso sa loob at binati sila ng maligayang pag babalik.

"maligayang pag babalik, anak" sabi ng payaso na si Roman.

"sya ang tagapag-mana" tinuro ni Max si Louise.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Louise.

"Ako ito Louise, si Maximiliano, nakabantay ako sayo at nag panggap na ibang tao habang kasama mo sa labas ng bayan na ito" sabi ni Max pero sinampal sya ni Louise.

"hinayaan mo silang mamatay" tinuro ni Louise ang mga kaibigan.

"dahil bawal ang taga labas sa lugar na ito" sabi ni Max.

lumabas na din si Roman para ianunsyo na nandito na ang bagong pinuno.

nagdiwang naman ang mga tao habang nag aaway padin si Max at Louise.

"ikaw ang bagong pinuno dito, dumadaloy sayo ang dugo ni pinunong Martha" sabi pa ni Max.

"Kaylangan mong tanggapin ang pagiging pinuno, at ako naman ang magiging asawa mo, binilin ka sa akin ni pinunong Martha" dugtong pa ni Max.

"tatanggapin ko ang pagiging pinuno at maging asawa mo, pero wala nang papatayin sa lugar na ito, ipangako nyo" sabi ni Louise.

pumayag naman si Max at sinabi sa taong bayan ang pag-uusap.

hinarap nila si Louise at dineklara na sya ang bagong pinuno.

tinigil na din ng mga tao ang pag patay. kinasal din si Max at Louise at namuhay ng payapa.

***
Naharap sa kasong murder si Jessica, naakusahan syang pagpatay sa mga kasamahan ng sila ay magbakasyon at dahil sa sya lang ang nakaligtas ay sya agad ang napaghinalaan. kahit si Dylan ay pinatay nang sila ay nasa biyahe.

ngayon ang pagdinig ng resulta sa korte.

guilty ang naging hatol sa kanya at sinabing nababaliw lang, nakulong si Jessica at nanatiling bangungot ang nakaraan.

sa bilangguan ay tahimik lang si Jessica, nag durusa sa bagay na di nya ginawa. nanatili sya ng ilang taon sa loob at nakalabas din.

patuloy nyang pinipilit na hindi sya ang pumatay sa mga kaibigan at sa huli ay nanahimik na sya at wala nang sinabi tungkol sa nangyari.

***
Masaya na ang buhay ni Louise at nakapag tayo ng industriya ng mga payaso. napalago nya ang pera na natira nya, tago na din ang pangalan nya sa pag kakaalam na namatay na ang dalaga.

kasama nya ang anak na si Louie sa opisina habang nag papatakbo ng negosyo.

ang kaibigang si Jessica lang ang nakaligtas higit sa kanila. ang balita ay nakulong ito at nakalaya na.

tahimik lang sila sa opisina ng dumating si Max kasama ang isa pang anak na Maxine. dalawa ang naging anak nila at nabuhay ng maligaya sa loob ng Clown Town. ang mga tao rito ay nag-iba na 'rin, di na sila pumapatay at dumadayo na sa ibang lugar para sa taunang peryaan. bukas nadin ang lugar nila sa mga bisita.

may kumatok sa pintuan ng opisina at pumasok ang sekretaryang si Alyenna.

"May naghahanap po sa inyo, papapasukin ko po ba sya mahal na pinuno?" sabi ng sekretarya at tumango naman sya bilang sagot.

pag labas nito ay pumasok naman si Jessica na may dalang isang baril na may silencer.

"Jessica?" sambit ni Max.

"Hinayaan nyo akong magdusa, hinayaan nyong itago ang ginawa ng mga animal nyong tauhan" sabi nya, galit si Jessica at nakatutok ang baril kay Louise, kabado naman si Louise sa nangyayari.

"Patawarin mo kami Jessica" sabi ni Louise at akmang lalapit sya rito para yakapin ng kalabitin nito ang gatilyo ng baril. tinamaan sya nito sa balikat.

"di ko kayo mapapatawad! sinira nyo ang buhay ko!" sigaw nito at tinadtad ng baril si Louise. umiiyak naman ang mga anak nito. sinunod naman ni Jessica si Max at ang mga anak nito.

lumabas sya sa opisina at naglakad ng parang walang nang yari. lahat ng payaso na nasasalubong nya ay binabaril nya dahilan ng pagkamatay ng nga ito. inubos ni Jessica ang tao sa buong lugar at dahil doon ay nakulong syang muli ng pang habang buhay.

————
Hi! I hope you enjoy the last part.
please Vote and Comment Kindly thank you for reading until the last part.

Clown Town [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon