Lance's POV
Isang buwan na ang nakalipas ng nag simula akong manligaw. Hahatid at susunduin ko siya. Pag sabado at linggo naman ay lalabas kami o di kaya sa bahay lang nila kami. Alam narin ng mommy niya na nililigawan ko siya at pumayag naman siya.
"Quartz nuod ka ng laro namin mamaya. 6 p.m. sa Gym." Aya ko kay Quartz.
"Try ko. Medyo busy ako ngayon eh."
"It's okay. Uh, by the way I have to go I still have class. See you later if ever you can come."
Tumango lang sila nila Zyra. Medyo nalungkot ako dahil kada aayain ko siya puro try. Wala ng bago. Sana manuod siya kahit ngayon lang.
"Pre ano papakilala mo na ba kami dun sa bago mo?" Tanong sa akin ni Jack.
"Oo nga pre. Isang buwan ka naring walang pinapakilala sa amin. Nawawala na ata pagiging matinik mo sa chix ah." Pang aasar naman ni Steven.
"Mga gago! Busy lang yung tao try niya daw mamayang manuod." Sagot ko.
"Pre balita ko bata raw babae mo ngayon? Saan mo napulot yun, sa Highschool building?" Sabi ni James habang tumatawa.
"Tangina mga wala kayong nililigawan noh kaya yung akin ang pinag kakainteresan niyo."
"Nope. I'm taken." Sabi ni Steven.
"Ako rin taken." Sabi ni Jack.
"Edi ikaw nalang James ang wala." Pang aasar ko.
"Baka di parin naka move on kay Kim." Pang aasar din ni Steven.
"Tanga may inaantay lang ako. Nasa highschool parin eh. At tsaka hindi lang ako ang walang girlfriend sa team pati kaya si coach wala." Sagot naman ni James.
"Mga gago tirador ng highschool students!" Pang aasar ni Jack.
"Narinig ko kayo pati ba naman buhay pag ibig ko pinakekealaman niyo?" Oh no lagot kami neto. Nandito pala si coach anong ginagawa nito dito sa room.
"Sorry coach." sabay sabay namin sabi.
"Yung game mamaya wag niyong kakalimutan. 5 p.m. nasa gym na dapat kayo. Is that clear?"
"Yes coach." Sagot naming lahat.
"Sige mauna na ako. Pupuntahan ko pa yung iba."
Pag alis ni coach ay saktong pag dating narin ng prof namin. Puro lecture lecture lang kaya nakakantok. Eto pa naman yung prof na hanep ang ganda ng boses sobrang malumanay parang pang anghel ang boses niya. Pang miss universe pa ang ganda.
"Nak ng pusa! Pre pinag papantasyahan mo nanaman si miss!" Bulong sa akin ni Steven.
Hindi ko alam kung bulong ba yun o hindi eh. Paakiramdam ko ang lakas dahil nakuha namin ang atensyon ng buong klase. Bwisit na bunganga yan. Hanep.
"Lance and Steven. May problema ba tayo jan?" Tanong ni Miss Yu.
"Miss eto po kasi ng Lance pinagasdfghj-" Tinakpan ko na ang bunganga niya bago may lumabas na kung anong salita.
"Wala po miss."
"Ano yun Steven?"
"Pinagasdfghjk-"
"Osige na tumigil na kayong dalawa jan. Naiistorbo niyo na yung buong klase. So let's continue?"
Nag patuloy na si Miss Yu mag turo samantalang etong walang kwenta kong katabi ay patuloy parin ang pangaasar sa akin. Parang hindi niya rin pinag pantasyahan tong prof namin na to.
YOU ARE READING
Jar Of Desires
De TodoA jar that is full of wishes, hopes, and desires. Start: June 10, 2020 End: --------