Chapter 6

99 27 1
                                    

Quartz's POV

"Anak napagod ka ba?" Tanong ni mommy.

"Hindi naman po masyado."

"Mauna na akong aakyat ha? Mag papahinga na ako."

Tumango ako bilang sagot kay mommy. Sakto namang pababa si manang.

"Oh Quartz hindi ka pa ba mag papahinga?" Sabi niya.

"Hindi po muna manang."

"May nakita pala akong box sa ilalim ng kama mo kaninang nag linis ako. Itatapon ko sana kaso baka kailangan mo pa."

"Yung pink na box po ba?" Tanong ko.

"Oo. Ilabas mo nalang pag hindi mo na gagamitin para maitapon ko na."

"Sige po. Manang akyat narin po pala ako." Sabi ko.

"Dalhan nalang kita ng gatas mo sa itaas. May aayusin lang ako saglit sa kusina."

"Sige po."

Umakyat na ako. Matagal tagal ko ng hindi nabubukasan yung box na sinabi ni Manang. Akala ko naitapon ko na yon.

Pag pasok ko sa kwarto ay agad kong kinuha yung box na yun. I'm 12 years old nung huli kong binuksan to. Simula nung lumipat kami ng bahay hindi ko na binuksan to nalulungkot lang ako.

Andami kong alaala noong bata pa ako sa dati naming bahay. Nandun din yung paborito kong kaibigan/ first crush ko. Sayang lang hindi ko nalaman buong pangalan niya pero ramdam ko makikita ko rin siya.

-FLASHBACK-

Birthday ko ngayon mag 9 na ako ngayon andaming bisita sa bahay pero halos lahat hindi ko kilala. Yung mga pinsan ko nasa ibang bansa kaya hindi sila makakapunta. Ang boring naman wala pa akong kalaro dito.

"Manang, pasama ako dun sa playground. Lalaro ako." Pangungulit ko kay manang.

"Naku, baka magalit ang mommy mo pag lalabas tayo. " Sabi ni manang.

"Sige na po please saglit lang. Pag bigyan mo na po ako birthday ko ngayon."

"Saglit lang ah? Ibaba mo na yang bag mo para makapaglaro ka ng maayos."

"Opooo! Yeeeey thank you manang! Pero dadalhin ko po to mag susulat po ako dun sa playground."

Nag lalakad kami ni manang papunta sa playground malapit sa subdivision namin. May mga bata akong kasamang nag lalaro mukha silang mas matanda sa akin.

"Manang punta lang ako dun sa slide dun ako lalaro balik ako dito mamaya."

"Wag kang lalayo masyado baka mawala ka."

"Opoooo!" Masiglang sagot ko.

Tumakbo na ako papuntang slide. Yan talaga favorite part ko dito sa playground. After kong pumunta sa slide sinunod ko yung swing. Ang saya talagaaa!

Pagkatapos ko sa swing ay tumakbo ako kaagad papunta dun sa slide ulit. Habang tumatakbo ako ay may nabangga akong bata. Buti nalang hindi ako natumba.

"Aray!" Sigaw nung batang lalaki na nabangga ko.

"Hala bata sorry!"

"Bat kasi hindi ka tumitingin kung may tao sa gilid mo?!"

"Nag sorry na nga ako! Bat ka nagagalit!?"

Jar Of DesiresWhere stories live. Discover now