Quartz's POV
"Hi again Quaaaartz!" Bati sa akin nung babae kanina sa mall. Papasok palang kami siya na kaagad bumungad sa amin.
She's wearing fitted black long gown. Maganda na siya kanina mas gumanda nanaman siya ngayon.
"Uhm hello po?" Sagot ko.
"Oh you're with Mr. Dela Costa again. Where's your mom?"
"Nauna na po siyang pumasok."
"Really? Mauna narin ako. See you around." Sabi niya. "Naalala ko papakilala ko sayo yung anak ko. Nauna siya sa akin kanina eh."
Hanggang ngayon di ko parin natatanong pangalan niya. Nakakahiya kilala niya ako tas siya hindi ko kilala.
"Quartz tara na sa loob." Sabi ni Lance.
Pag pasok namin ng venue makikita mo ng bigatin ang mga tao dito. Lahat ng damit nila puro kumikinang yung iba naman ay alam mong gawa ng kanilang personal designer.
"Sila tita pupunta ba?" Tanong ko kay Lance.
"Nauna na sila. Kasama nila si Thalia."
"Realllly!? Meron si Thalia? Parang himalang sumama siya ngayon."
"Yeah mom brought expensive clothes for her kaya yun kilala mo naman yun gustong gustong rumampa."
"I want to see her! Where is she?" Excited na sabi ko.
"Nasa tabi tabi lang yun. Tara muna sa table?" Aya ni Lance.
"Good evening ma'am and sir. May I know your family names please?" Tanong nung babaeng parang nasa front desk pero nasa may pintuan.
"Fontanilla."
"Dela Costa.""You're table ma'am and sir is at the edge of the room."
"Okay. Thank you." Pasasalamat ko.
"Quartz let's go nakita ko na si daddy dun."
"Okay." Naglakad na kami papunta dun sa dulong table kung nasaan sila Tito.
"Daddy sana I did not go here nalang it's so boring." Rinig kong reklamo ni Thalia pag lapit namin sa table.
"No one forced you to come." Sagot ni Tito.
"You said Quartz will be here pero hindi ko pa siya nakikita."
"Laging sumasama si Quartz sa mommy niya pag may mga ganito event kaya I'm sure she's coming nakita ko mommy niya kanina."
"I'm here." Sabat ko.
"Waaaah I'm glad nakarating ka and you're with kuya pala." Sabi ni Thalia sabay irap sa kapatid.
"Yes, I'm with her may problema ba?" Sabi ni Lance.
"Nag uumpisa nanaman kayong mag kapatid tigilan niyo na yan." Sabi ni Tito.
Tinignan ko yung mag pangalan ng mag occupy ng table. Baka mamaya hindi pala dito table namin ni mommy nakakahiya naman.
DELA COSTA, FONTANILLA, AND NIEVARES FAMILY
Nievares? Sino kaya yung pamilyang yun. Nababasa ko sila sa mga magazines. Popular sila sa business world.
"Dad have you heard about this Nievares Family?" Tanong ni Lance habang paupo kami.
"Sila yung may ari yung Nievares Corporation. Sikat sila sa ibang bansa pati narin dito sa Pilipinas." Sagot ni Tito.
Nagulat kaming lahat ng may lalaking umupo sa tapat namin hindi namin siya kilala. He's wearing black leather jacket, white shirt, and black fitted jeans. In short he's not wearing formal attire. Paano nakapasok 'to?
YOU ARE READING
Jar Of Desires
РазноеA jar that is full of wishes, hopes, and desires. Start: June 10, 2020 End: --------