Quartz's POV
Geeez! Buti nalang ginising ako ni mommy kundi late nanaman ako neto. Bat ba kasi bigla nalang nag black screen ng phone ko kainis.
"Good morning mommy!" Bati ko.
"Lika na Quartz sabayan mo na akong mag breakfast." Umupo ako sa tabi niya ata sabay kaming kumain.
Nag kwentuhan kami ni mommy saglit habang kumakain. Sa susunod aagahan ko ng gumising para sabay kami ni mommy na kumain.
"Quartz may party tayong aantendan mamayang gabi kaya agahan mong umuwi para sabay na tayong pupunta." Sabi niya. "I'll just text you later."
"Mom nasira phone ko kagabi biglang nag black yung screen. Nakakainis."
"So, how will I contact you?"
"Makikitext nalang ako mommy kay Thalia."
"Bili ka nalang ng bagong phone mamaya. I'll give you my card."
"Sige po. Thank you mommy."
Hinatid ako ni mommy sa school ngayon bago siya pumasok sa work.
Sa school...
"Girl alam mo ba magkasama si Audrey at Lance kanina sa pool side. And guess what ang lapit nila sa isa't isa." Sabi ni Girl 1.
"Baka naman nag papatulong lang si Lance balita ko nililigawan niya yung kaibigan ni Audrey." Sabi ni Girl 2.
"No. Impossible. Parang galit si Lance kanina para silang may LQ at alam mo ba narinig ko na-" Sabi ni Girl 1.
Hindi ko na pinag patuloy ang pakikinig ko sa mga babae sa corridor puro chismis lang naman pinag uusapan nila. Baka nag uusap lang yung tao masyado silang maissue.
"Quartz buti maaga ka ngayon alam mo ba may kumakalat nanaman na chismis about kay Kuya Lance." Si Zyra talaga chsimosa. "Sinigawan niya daw si Audrey kanina. Sabi naman nung iba sinampal daw niya. Di ko alam kung anong totoo."
Kinabahan ako sa sinabi ni Zyra. Nananakit ng babae si Kuya Lance? Tas ang mas malala si Audrey pa.
"Bakit daw? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.
"Sabi ng iba may pinag tatalunan silang dalawa. Hindi ko alam kung ano yun narinig ko lang sa tabi tabi eh." Sagot niya.
Nasa loob kami ng classroom ng dumating si Audrey kasunod si Thalia.
Halatang malungkot si Audrey. Ano kayang nangyari?"Audrey ayos ka lang ba narinig ko nag usa-"
"Okay lang ako wag niyo na akong intindihin."
"Pero nabalita-"
"Sabing okay lang ako bat ba ang kulit mo Quartz!?"
"Nag tatanong lang ak-"
"Sinagot ko na tanong mo! I said I'm okay! Bingi ka ba!?"
Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya ng classroom dala ang bag niya. Susundan ko sana kaso pinigilan ako ni Thalia.
"Hey what happened? Okay ka lang ba Quartz. Audrey is so harsh today ah?" Siguro hindi pa nababalitaan ni Thalia ginawa ng Kuya niya.
"Yes. I'm okay. Si Audrey ang inaalala ko." Sagot ko.
"Hayaan mo nalang muna siya. Pakalmahin muna natin baka mas lalong lumaki pag pinilit natin." Sabi ni Zyra.
Dumating na yung teacher namin at nag umpisa na siyang mag turo. Hindi ako makaconcentrate nag lalakbay utak ko kung nasaan ba si Audrey. Recess na pero hindi parin bumalik si Audrey baka umuwi na siya.

YOU ARE READING
Jar Of Desires
AcakA jar that is full of wishes, hopes, and desires. Start: June 10, 2020 End: --------