This would be the last chapter before I leave...Keep safe everyone! lovelots.
Enjoy Reading!
***
Natalia's POV
"Hiwain mo ito dreh, into small pieces." Paliwanag ni Beaux sa akin. Kinuha ko 'yong parang red na circle ano ba tawag nito?
"Ano ba 'to ba't kailangan pang hiwain?" tanong ko. Sorry huh hindi kasi ako mahilig sa pagkain pero kung mahilig si Beaux then, why not try to be a cookerist. Lol
Binigyan niya lang ako ng ngiti. Abonormal lang? "Ah Beaux ano ba niluluto mo ba't may ganito pa?" turo ko sa kulay red na circle. Kung ayaw niya akong sagutin di ise-search ko nalang mamaya.
"Ba't ba ang dami mong tanong hiwain mo nalang ang ingay!" tiningnan ko ang nagsalita para namang may naitulong ang loko nakaupo lang naman.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Mabuti pa ako may naitulong ikaw nakaupo lang, ano ka supervisor? Itarak ko kaya 'tong kutsilyo sa mukha mong pangit. Tss" binalik ko nalang ang tingin sa niluluto ni Beaux.
"Huwag mo ng patulan dreh." sabi ni Beaux. Bagay sa kanya ang epron/apron. "Hiwain mo na 'yan 'wag kanang magtanong kasi ilalagay natin 'yan sa niluluto natin para sumarap okay."
"Okay." Hiniwa ko nalang ng maliliit sorry beaux pero wala akong knowledge sa mga ganito. Nagulat ako kasi may lumabas na pula may regal din pala 'to. Lol, Napansin kong medyo humapdi ang kamay ko kaya tumigil ako sa paghihiwa ang arte ko kasi.
Tiningnan ako ni Beaux, "Anong nangyari?" kinuha niya 'yong daliri kong dumudugo.
"Parang ang liit lang. tss" bulong ni Alugbating bakla pero 'di ko masyado marinig.
"May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ka ba marunong gumamit ng kutsilyo? Sana sinabi mo sa akin 'di naman kita pipilitin." nag-aalalang sabi ni beaux.
"Don't mind it maliit lang naman." babawiin ko na sana ang kamay ko ng hinigpitan niya ito sa paghawak. Nagulat ako ng sipsipin niya ito, ghod ito na kaya?...Lol
"Ayan sinipsip ko na para dumigil sa pagdudugo." Ang shweet ni baby ko 'di ko 'to papahiran lalawayan ko rin 'to mamaya. Joke
Binawi ko na ang kamay ko. "Ano pang pwede kong gawin para makatulong ako."
"Akin na 'yang kamatis ako na magtutuloy sa paghiwa." Sabi niya. Kamatis pala name nito lagot ka sakin mamaya sinugatan mo ko.
Na panganga ako dahil ang dali-dali niyang maghiwa samantalang ako hays. Inilagay niya ito sa boiled water na may chicken? anong dish kaya 'to.
"Total malapit nang maluto itong tinola, buksan mo nalang 'yong isang sachet ng ketchup kasi magluluto ako ng fried chicken." sabi niya.
Inamoy ko 'yong sinasabi niyang tinola ang bango. Kinuha ko 'yong sinabi niyang ketchup sa may side ng pinaghiwaan ko. Binuksan ko ito gamit ang ngipin ko kasi masyadong nagpapawis ang kamay ko kaya hindi mabuksan.
"Where should I put this beaux?" tanong ko.
"May saucer ata dun, dun mo nalang ilagay." hinanap ko kung saan nakalagay, nan dun lang pala katabi ni Alugbating bakla kanina pa 'to hindi man lang tumulong may papikit-pikit pa ang loko mapagtripan nga.
Pumunta ako sa gawi niya para kunin ang saucer para ilagay 'tong ketchup katabi lang kasi niya ang lalagyan ng mga plato. Nilagay ko lahat ng laman ng sachet dahil maganda ako, dawala ang kinuha kong saucer at dun nilagay 'yong tira kasi ayaw na magkasya.
BINABASA MO ANG
Can't Fall In Love Without You [ ON-GOING ]
Teen FictionSlow Updates:||: What I hated the most is that when someone cheating behind my back at pinagmumukha akong tanga espescially the person who I loved the most and I want to spend my life with, I think I won't let that happen. There's no exemption law...