Chapter 14

58 26 23
                                    

Halow I'm back, almost 1k reads tayo mga kaRainers salamat sa sariling niyong efforts sa pagbabasa ng storyang ito sana supportahan niyo hanggang sa matapos. God bless!!

Thanks to this girl:  slythswan for suggesting names. 

(Free to suggest your names)

Enjoy Reading!

***


Natalia's POV


Magto-two weeks na kaming nag-aaral dito sa starwards public school & collage halos familiar na rin sa akin ang mukha ng ibang seniors especially pag-gwapo lol, pati teachers kilala ko na rin halos kung sino 'yong magaling magturo, sino 'yong terror. Pero mawawala ba ang mga kontrabirds ng buhay ko ang bruha na mga kaklasse ko ang 'THE PALAKAS GROUP' na akala mo'y wala nang bukas sa sobrang kaharutan at nilandi pa nila si Beaux, bakit 'di nila ako gayahin...mahinhin, maganda, tahimik, matulungin. And I stalked the PALAKAS group on facebook nakita kong famous pala talaga sila and they are the queens in this school, kung alam niyo lang FILTERlizer lang nagpaganda sa kanila. XX

"Okay class please be quite my i-aanounce lang ako." Sabi ni ma'am Fowler. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at palakad-lakad sa harap namin, parang nag-iisip ng kung ano.

"Ano na naman kaya 'yan project na naman siguro." Sabi ng kaklasse kong si Rae Ann.

Hindi ko sila masisisi because most of my insidious absqualate weird classmates are not into projects. Ako nga pag may projects pinapagawa ko sa tutor ko kasi ayaw kong mastress at ayaw ko ring maperfect baka lumagpas grades ko, lol. Pero binabasa ko naman 'yon before pinapagawa para kung tanungin ako ng teacher ko ready na ako.

"Nagmeeting kaming teacher kanina kaya late ako ngayon." Sabi ni ma'am Fowler habang palakad-lakad lang siya sa harap. "Dadating Si mayor Clint tomorrow and—?"

Naputol 'yong sasabihin ni Maam dahil sa mga gong-gong sa harap namin.

"Uy Aden mayor ka na pala ngayon!" tinulak pa nila si Aden dahil mayor daw, papaano naman naging Clint 'yan, e Aden ang pangalan. Tss

"Oo nga Clint mayor ka na pala congratsTULION!" namula naman si Aden dahil tinapik ang balikat niya ni Quenby, parang tinapik lang.

"Guys stop Quite!" napalingon kami lahat ni Quentea dahil sumigaw.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tumawa halos lahat ng mga kaklasse ko.

"Such an idiot, hahahahahaha" sabi nung leader ng 'THE PALAKAS GROUP' sa kabilang row napakacorrectionist niya. Hati kasi ang upuan naming into two rows tas sa gitna ang daan patungo sa kaginhawaan. Lol

"Ano ako, ikaw? Duhhh." Sinagot siya ni Quentea and rolled her eyes. "Mabuti pa ako kahit na bobo namimigay ng answers, e ikaw? may natanggap ba kaming ayuda? napakaSTARFISH mo!" Natawa ako sa expression ni Suhshy which is the leader of the palakas group diba parang sa Meteor Garden. Lol

"Guys listen because we're running out of time! Bukas na 'to." Sabi ni maam.

Natahimik tuloy ang classroom parang may anghel na dumaan. Tiningnan ko si Alugbating bakla na nasa harap ko nagtaka kasi ako kung bakit hindi niya ako inaasar at bakit hindi siya gumanti nung pinatid ko siya sa lamesa nung kumain kami. Kung sabagay last week na rin 'yon siguro nakalimutan na niya.

"As I was saying, ang section natin ay isa sa magpe-perform for tomorrow's program so dapat may pambato tayo. This isn't a contest and basically wala tayong klasse sa afternoon but 'yong involve o kasali sa program tomorrow ay magsistay."

Can't Fall In Love Without You [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon