Chapter 15

46 17 12
                                    


Hola volví! Thanks for the 2k followers lovelots♥


ENJOY READING!!

***


Natalia's POV


Mag-iisang oras na ang nakalipas, para akong tanga dito naghihinatay ng milagro papano naman kasi imbis na magpractice kami may sariling mundo 'yong mga kasama ko. Maglalaro rin sana ako ngayon ng Mobile Legends pero hindi pala ang Iphone ang gamit ko, kasi pinalitan ko pati kay Kelly ng Vivo, may nagwoworking bang may Iphone?

Kaming mga girls ay may sarili ring pwesto rito, we arranged our chairs into circle para maganda, 'yon din ang ginawa ng boys. Pero si Beaux my loves at si Kaede ay ang magkatabi hindi sila kasama sa pwesto ng barkada nila Keller.

"Guys magpractice na tayo!" napatingin kami ni Quentea, halatang naasar na siya kasi hindi naman siya marunong kumanta... nadamay lang. XD

Tumayo si Quenby mula sa upuan niya, "Oo nga guys! pag tayo­—"

"Walang kayo!" asar ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama. "—Walang mai-perform bukas lagot tayo." Sabi niya.

"Oo nga bruh!" pagsasang-ayon ni Aden at ibinulsa ang cellphone. Mabuti pa sila malayang maging mayaman.

"Okay guys!" tumayo si Beaux. "Dalhin niyo mga upuan niyo dito!" sabi niya. Shet why so gwapo? Tindig palang parang mahihilo kana, lol.

Nagsitayuan naman kaming mga babae at ang mga barkada ni Alugbating Bakla habang hawak-hawak namin ang arm chair ng inuupuan naming bawat isa, inilapit namin ang aming mga upuan sa kinauupan nila Beaux para makapag-usap kami ng maayos para sa gagawin bukas sila kasi nag-organize. Take note huh? Na itong upuan na ginagamit namin ngayon are made of woods, maganda naman siya pero habang tumatagal umiinit 'yong pwet mo kakaupo.

Naform na rin namin sa wakas ng circle ang mga upuan namin. Ang katabi ko kanan ay si Beaux, shempered maganda ako and sa kaliwa ay si Keller, diba may malas.

"Siguro naman familiar na kayo sa word na sessionista?" tanong ni Beaux sa amin habang may dalang notebook. Nakaupo lang kaming lahat ngayon including Beaux.

"Iyeng pereng se ASAP neten to?" sabi ni Kelly. Wow solid kapamilya si mareng.

"Yeah, Kelly is right. So basically we are going to do that." Paliwanag ni Beaux.

"Pano 'yan Beaux hindi kami marunong kumanta?" tanong ni Quentea.

"Hindi ka naman siguro sintunado kaya tuturuan namin kayo." ngumiti si Beuax ng pagkatamis.

"KYAHHHHHHHHHH!" "KYAHHHHHHHH!" tiningan ko ang dalawang magkambal ng masama, kapal ah, akin is akin.

Hindi ko na kinaya kaya sumingit na ako. "So what songs are we gonna sing then?" ewan parang naging cold 'yong tanong ko.

Tumingin si Beaux sa akin. "It depends on your taste baka gusto niyo ng rock or something."

"Pwede bang kantahin ko 'yong BAHAY KUBO tas 'yong tuno is Lupang hinirang?!" sigaw ni Quentea. Parang tanga bahay kubo daw ano siya kinder? Wala na ba siyang ibang kanta na memorized.

"Tas Happy Birthday sa akin, hehehehe" natatawang sabi ni Quenby. Magkapatid nga naman parang may saltik sa utak.

"Huwag na kayong mag-alala kasi kami na ang bahala sa naka assign na makakasama niyo sa isang kanta, Okay?"

Can't Fall In Love Without You [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon