Chapter 2 Ang Ika Anim na kaarawan

4 5 0
                                    

Chapter 2 Ang Ika Anim na kaarawan

Serhipinna's Point Of View

"Ina ...tingnan niyo po Ohhh!"
Masayang sabi sakin ng aking anak na si Servia...pinapakita niya sa akin ang mga magagandang regalo sa kanya ng mga bisita na dumalo sa kaarawan nila ng kambal niyang si Derpinna.

"Eto naman po yung sa akin Ina.."
Kagaya ni Servia pinapakita rin ni Derpinna ang mga regaling natanggap niya...ibat iba ang mga natatanggap nila..may mga chocolates, books,accessories, laruan at marami pang iba...

Ngunit may napansin akong kakaiba sa mga ineregalo sa kanila...

"Mga Anak saan niyo nakuha ito...ibig kong sabihin sino nagbigay sa inyo nito?"Pagpapakita ko sa kanila ng tila dalawang kakaibang kuwintas na ang pendant niya ay maliit na Kristal na hugis puso at sa loob ng puso ay tila may makikita kang maliit na basong kristal na may lamang tubig.

"Binigay po sa akin iyan nung babaeng nakaitim ang dress ,maputi siya at mapula ang labi ...mama alam niyo po parang prinsesa po siya ang ganda niya po kasii ehh kaso medyo seryoso siya ..natakot tuloy ako sa kanya" pagpapaliwanag ng anak kong si Servia...bakas pa sa muka niya ang pagkahanga sa babaeng tinutukoy niya..

"Nakita mo ba siya Derpinna?"

"Sino po..yung babae po na tinutukoy ni Servia?"

"Oo.."

"Opo...sabi niya po kay Servia ..magkikita daw sila ulit..tapos po kapag daw dumating na ang tamang panahon...tapos hindi ko na po maalala kasi hindi ko na po naintindihan yung sinabi po nung babaeng yun eh?! Sino po ba iyon mama? Kamag anak po ba natin iyon? O baka ninang?"Sabi ng anak kong si Derpinna habang si Servia naman walang kaemo emosyong nakatingin sa kapatid niya...nakakapagtaka naman itong anak kong si Servia..pakiramdam ko hindi siya ang anak ko bakit!?

"Ahh mga anak sa tingin ko baka kakilala siya ng tatay niyo..sige na matulog na kayo...ako nalang maglilipit ng mga regalo niyo.."

Bakit ganun!? Iba ang pakiramdam ko sa babaeng tinutukoy ng mga bata...

"Sige po mama tulog na po kami"
Sabi ng anak kong si Servia..at ngayon tila ba pakiramdam ko si Servia na anak ko na ang kaharap ko..

"Goodnight po"
Sabi naman ng anak kong si Derpinna

At nagtungo na sila sa kuwarto nila iisa lang sila ng kuwarto at iisa lang din sila ng kama...iyon kasi ang gusto naming mag asawa upang maging close sa isat isa ang aming mga anak.




"Serhi...Serhipinna...gising...lipat na tayo sa kuwarto ...dito ka kasi nakatulog sa sofa..."
Sabi ng aking asawa...anong oras na ba? Ng tingnan ko ang orasan namin....ala una na pala!

At naalala ko tuloy bigla yung sinabi ng aking mga anak...tungkol dun sa babaeng nakaitim..

"Dervio...may kilala ka bang babae na nakaitim na bisita natin kanina?"

"Ha? Ahh Eh wala naman bakit?"

"May nasabi kasi sakin yung mga bata eh..may nagbigay sa kanila ng ganitong regalo Ohhh..ehh teka lng.......... Eto oh kuwintas...nung nakita ko ito nakabalot lang ito sa puting tela ang dalawang kuwintas...."

"Ha? Teka Kanino ito galing?"

"Dun daw sa babaeng naka itim maganda at muka daw prinsesa kayo may pagka seryoso daw yung ekspresyon ng muka..Tapos magkikita daw sila sa tamang panahon?!"

"Teka ...magkikita sa tamang panahon...sino yung babaeng yun?!"

"Hindi ko alam...Alam mo..medyo kinakabahan ako dun sa tinutukoy nilang babae..kung hindi mo siya kilala ..mas lalo na ako...alam mo sa tingin ko Dervio may ibang balak ang babaeng iyon sa mga anak natin ..."

Water GlassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon