Chapter 5 Ang Kakaibang Servia

5 5 4
                                    


Chapter 5 Ang Kakaibang Servia

Derpinna's Pov

Kanina ko pa po napapansin itong kambal ko...tulala tapos tahimik...parang hindi siya yung kambal ko?!

Tapos nung tinanong siya ni papa kung ayos lang ba siya bigla pa siyang nagulat eh ang hinahon kaya ng boses ni papa...

Naalala ko tuloy yung kagabi....

Flashback

"Uy Servia...anong sinabi sa iyo nung babae hindi ko kasi narinig eh...hindi ko rin sinabi kay mama....yung sabi niyang pangalan niya si.."

"Tantania Evaniorlye Spere..."

"Luh hahaha saulado mo! ang galing mo naman...tapos nasasabi mo pa ng kagaya sa pagkakasabi nung babae Servia!"

"Hindi ako si Servia..."

"Luh Servia..okay ka lang ba!?"

"Hindi nga ako si Servia!"

"Hoyy! wag mokong sigawan kahit mas mas matanda ka sakin.. wag mokong sigawan!"sabi kasi nila lolo si Servia daw ang ate sa amin kasi mas matangkad daw siya sakin ...muka daw akong bunso..

"Esteremus Piloseo!"sabi ni Servia tapos bigla siyang dumiretso sa kama...

" Uy Derpinna Anyare sa iyo ...bat tulala ka diyan ..okay ka lang?" sabi niya sakin...

"Ano yung sinabi mo kanina? ..hindi kita maintindihan? Ano yun?"

"Anong sinabi?" nagtataka niyang tanong sakin...pinagtritripan ba ako ni Servia? Susumbong ko siya kay Mama at Papa pag pinagtritripan niya ako!

"Yung Estremurs Pilosuyi ..ba yun ewan ko basta sinabi mo yun kanina eh hindi mo alam?!" sabi ko sa kanya tapos bigla siyang tumawa..Luh!

"Wala akong sinasabing ganyan hahaha inaantok na ako Derpinna ..wag mo kong pagtripan gabi na oh baka sabihin pa kita kina mama at papa niyan eh!"Sabi niya sakin...bakit ako pa ang isusumbong niya eh siya nga itong pinagtritripan nanaman ako!

Water GlassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon