Chapter 4 Ang Akalang Ligtas na pagtakas
Servia's Pov
"Ama ..bakit po tayo nagliligpit..pupunta po ba tayo kina lolo at lola o kina tita at tito?"
Masayang sabi ng kambal ko...Mukang Excited siya.."Hindi,anak lilipat tayo ng tirahan iyon kasi ang nais namin ng nanay niyo" sabi naman ni papa...bakit ganun parang nakita ko na na nangyari ito?
"Bakitt poo..hindi ko na po makikita yung mga tropa ko po? Paano po sila Hin hin isasama po ba natin sila?"Parereklamo ng kambal ko...si HinHin? Bakit parang kakaiba siya kanina pa..
"Oo naman anak alam mo namang magagalit ang nanay niyo sakin kapag iniwan natin ang HinHin niyo hindi ba?"Sabi naman ni papa
"Yeheyyy! Salamat papa!"
Bakit parang may kakaiba kay HinHin parang hindi siya yung Manok na inalagaan namin ng 2 taon.."Ikaw ..Servia okay ka lang ba?..kanina kapa tahimik diyan? Huwag kang mag alala isasama din natin siyempre ang Baby Oink mo" nagulat naman ako ng tanungin ako ni papa kung okay lang daw ba ako..
"Uyy! Servia bat tahimik ka diyan!? Ays ka lang ba?" Mas lalo akong nagulat ng ang kambal ko naman ang kumausap sakin..
"Oo..ay opo! Ayos lang po ako!
Sabi ko nalamang bigla..'Bakit ganun pakiramdam ko gusto ng sarili ko na kumilos ng hindi ko naman kinokontrol?
"Ahhhhhh!" Sigaw ng kambal ko..bigla ko kasi siyang hinawakan sa may pulsuhan ng mahigpit..narito kami ngayon sa labas ng bahay ...at si papa naman ay nilalak yung bahay..
"Haaa!" Gulat na sabi ko sabay bitaw sa pagkakahawak sa aking kambal...paano nangyari yun!? Hindi ko naman siya hahawakan sa pulsuhan pero biglang kumilos mag isa ang kamay mo at parang biglang humaba ang kuko ko ...natatakot nako!!! Mama!
"Anong nangyari??" Tanong ni mama...
"Mama..si Servia ...nakakagulat! "
Sabi ni Derpinna na tila iiyak na at halos takot akong tinitignan...anong nangyari bakit?"Servia..tingnan mo anong ginawa mo sa kapatid mo?" Nag aalala na parang galit si mama...hindi ko naman talaga alam kung paano nangyari iyon ehh!
"Huhuhu" onting pag iyak ni Derpinna...bakit ba siya umiiyak..hindi ko naman talaga alam at hindi ko naman gustong gawin iyon eh!
"Mama maniwala ka hindi ko po alam ...bigla ko nalang po siyang naganyan!" Pagsasabi ko Kay mama...mama maniwala ka po sakin pleaseeee!
"Anong bigla..huhuhu mama may sinabi siya sakin...hindi ko daw siya kambal!" Sabi naman ni Derpinna ...Anong hindi kambal..wala naman akong sinabing ganun!
"Anong sinasabi mo Servia..bakit mo naman sinabi iyon sa kapatid mo!" Pagsasaway ni mama sakin...Derpinna anong sinasabi mo! Napapagalitan na ako dahil sa iyo eh!
"Mama hindi ko iyon sinabi hindi ko alam ang sinasabi ni Derpinna! Mama maniwala ka..."
Sabi ko Kay mama pero parang kakampihan niya pa ata si Derpinna... Hindi ko talaga alam yung sinasabi niya mama!"Hindi ko alam pero..Servia magsorry ka sa kambal mo..tingnan mo namumula ang pulsuhan niya" sabi ni mama ..parang nalilito si mama....
"Ayoko po..."
Nagulat ako sa bigla kong sinabi...magsosorry na ako dapat eh kaso bigla nalang akong nagsalita ng ganun!? Mama!"At bakit hindi? Servia..magsorry ka sa kambal mo ..ano bang nangyayari sa iyo?" Naiiyak na ako sa mga nangyayari ..natatakot na ako..Mama maniwala ka sa akin pleassee!!
"Mama ...natatakot na ako!" Sabi ko Kay mama pero parang hindi nila ako naiintindihan
...ano po ba itong nangyayari!...ihhhhh!hu hu hu"Anong...anong sinasabi mo Servia .." Tanong sakin ni papa
"Sorry Derpinna.."
Bigla ko nalang nasabi at parang bigla akong natuwa kahit wala namang nakakatawa...Pakiramdam ko hindi ako Ito ..hindi ako ang sarili ko..tulungan niyo po akooo!?!!! Pleasseeee!At ng tignan ko si Derpinna parang naaawa siya sa akin....parang alam niya kung anong sinasabi at ang tunay Kong nararamdaman...Derpinna tulungan mo ako!!! Kamball!
BINABASA MO ANG
Water Glass
FanfictionWater Glass By:RainBowGail A Tagalog Story Paano kung may kapatid ka? At kambal mo pa? Paano kung baguhin niya ang pagkatao niya? Pati narin ang Muka niya? Ngunit hindi ito gawa ng isang magaling na doktor kundi ng isang kasunduan sa isang kakaibang...