Chapter 3 Ang Paglayo sa Babaeng Naka Itim

6 5 0
                                    

Chapter 3 Ang Paglayo sa Babaeng NakaItim

Dervio's Point Of View

"Dervio..satingin ko kailangan nating ireport ito sa mga pulis!"
Nag aalalang sabi sakin ng aking asawa...

"Kumalma ka muna Serhipinna ..baka hindi lang natin kilala pero kamag anak pala natin iyon"
Pagpapakalma ko sa kanya

"Paano ka nakakasigurado...Dervio paano naman magiging kamag anak iyon kung hindi siya nagpakilala sa atin!?" Nagpapanic na siya...pero nanatiling seryoso ang tono...

"Baka nahihiya lang satin ganoon...oh baka naman nagpakilala na sa atin hindi lang natin matandaan..
baka naman kasi talagang nahihiya lang yung tao ...or baka may inatenan na libing kaya nakaitim tapos ayaw lang magtagal dun sa birthday party kanina kasi naniniwala sa pagpag.."

"Imposible Dervio...buong oras ng selebrasyon puro kakilala na natin ng matagal ang mga nakasama ko kanina kayat malabong ...may babaeng naka itim ang dress ang dumalo kanina kasi wala namang nakablack na dress sa mga bisita natin! May mga ilang nakaitim pero walang nagdress...kung meron mang nakadress puro bata!?" Naniniwala naman ako sa asawa ko...kaso baka pagnireport pa namin sa mga pulis hindi kami maintindihan...parang nagbigay lang kasi ng regalo eh masama na agad?

"Kung ganoon Serhipinna...susuportahan kita sa gusto mong mangyari kaso hindi na ba napapaisip na baka bukas o sa mga susunod na araw dumating yung babaeng tinutukoy ng mga anak natin tas sabihing siya yung nagbigay ..at pasensya sa hindi pagdalo sa birthday party kasi umatend siya ng lamay ganun.."

"Ano ba! Dervio kung kakilala natin yun o ganyan nga ang nangyari ...Ewan ko! Pero iba talaga eh! Parang hindi normal masyadong kakaiba!?"

"Alam mo ...Serhipinna tara na matulog na tayo ...bukas nalang natin pag usapan ang tungkol diyan baka kasi pagod kalang kaya kung ano ano ang mga kutob na nararamdaman mo.."

Water GlassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon