Chapter 3

414 212 508
                                        

Chapter 3: Preparation

Its late in the evening when I finished letter cutting the theme of our anniversary. I was already in my pajamas when Chubs called.

"What? Istorbo ha" biro ko nang nagbubuklat na ng kumot.

"Nandito ako sa village niyo. Basketball"

"Ang aga naman ata basketball niyo" I said sarcastically.

"Hintayin kita" tsaka niya binaba ang tawag. Bwisit!!

Tamad akong bumangon at hindi na nagpalit ng damit. Nilakad ko lang papuntang court suot ang pajama kong may tatlong oso at isang simpleng shirt.

Naabutan ko silang naglalaro pa kaya umupo muna ako sa bleachers nila. Nagtama ang nga mata namin. I rolled my eyes nang makita siyang naka ngisi. Istorbo talaga!!

I aimed my camera on him and make a boomerang. Nizoom ko pa ito para makita ang apilyedo niya. 'Pambansang istorbo' caption ko.

"Hi babe" bungad niya nang matapos na ang game.

"Babe mo mukha mo." Agad ko siyang tinulak nang aamba siyang yumakap. Binigay ko sa kaniya ang tubig at bimpo na dala.

"Good eve pres" bati ni Dave.

"Uyy Dave. Andito ka pala"

"Nagyaya si captain eh"

"Tol una na kami ah" paalam ni Chubs sa kanila.

"Bye" paalam ko din.

Dumiretso kami sa isang convenient store malapit sa court. May iilang mga tao pero may mga bakante pa namang mga upuan.

Inilapag niya ang tubig at bigbite sa harap ko at kinalikot ang phone niya. Wow! Pinapunta niya ako para dito? Magpho-phone lang naman pala kami eh.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagkain nang biglang may tumawag sa kaniya.

"Hi Trix... sa bahay na. Kakatapos lang mag basketball"

Muntik na akong mabulunan sa kasinungalinan niya.

"Oo mamaya matutulog na rin ako." napatawa nalang ako nang ibaba niya na ang tawag.

"Napaka sunungaling mo." Biro ko sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako at nagphone ulit.

"Ayoko ko niyan"

"Oh eto na nga. Itetext ko na" agad naman siyang nagbabad sa phone niya.

Halos maubos ko na ang kinakain ko pero di pa rin niya ako pinapansin.

"Uuwi nalang ako" nakatayo na ako nang bigilan niya.

"Eto naman napakaselosa"

"Ulol" sagot ko at nagtawan lang kami. Ako naman ngayon ang nagphone. Akala mo ha.

Nakita kong kinakalat niya ang ice cream sa gilid ng labi niya na nagpa agaw ng pansin ko.

"Hala ang duga Chubs!! Yuck" tinawanan niya lang ako at lalong nagkalat pa. Alam na alam niya talaga kung ano ang magpapainis sakin.

"Ang baboy talaga!" Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang bibig niya. Sa inis ko ay idiniin ko sa bibig niya ang tissue.

-

Lahat ay busy sa pag pe-prepare ng kani kanilang mga booths. Matagal tagal na rin simula ng ininform ako ni Ma'am tungkol dito. May mga studyanteng nagtatayo ng kaniya kaniyang mga tents. Meron ring nag-aayos ng mga bandiritas at yung iba ay nagpaplano kung ano ang mga pasabog nila sa anniversary ng school.

Letters Love, YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon