Chapter 1: Miss President
Nat's POV
"Miss President" sigaw ng best friend kong si Chubs. Inis akong lumingon sa kaniya nang hinila niya ang buhok ko.
"Wala ka na bang ibang gawin kundi ang inisin ako? Tsaka hindi pa ako presidente. Paulit-ulit Chubs?"
"Ikaw na iyan" sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
"Thank you na nga lang." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya
"Oh. Eto ba makakapagpangiti sayo?" Sabay pakita niya ng maliit na kulay pink na envelop. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napangiti.
"Thank you" at agad ko itong kinuha sa kaniya.
"Parang bata"
Tiningnan ko siya ng masama. Pero tama siya. Tuwang-tuwa ako lagi kapag may nagbibigay sa akin ng letter galing sa iisang tao. Tsaka wala talaga akong kalaban sa pagiging president dito sa school. So automatically, ako na nga yung president.
"See you sa gymnasium mamaya Miss President. Una na ako dun." tsaka sya tumakbo palabas ng room.. bwisit yun. Iniwan ba naman ako.
"Tse"
Lumabas na rin nalang ako at pumunta sa gymnasium dahil doon gaganapin yung announcement matapos bilangin yung tally ng votes. Binulsa ko na lang muna yung envelop dahil nagmamadali ako.
"Requesting all the students to proceed here in the gymnasium for we are going to start our announcement"
Dahil hindi pa naman nagsisimula ay naglibot-libot muna ako para hanapin yung hinayupak kong best friend. Nasaan na kasi yun.. sa paglingon ko sa likod ng stage ay nakita ko siyang may kausap na lalaki. Lumapit ako sa kanila ng hindi nila alam.
"Oh eto oh, bigay mo sa kanya" may iniabot yung lalaki sa kanya na papel tsaka umalis na ng nakita ako. Nangyari dun?
"Chubs." Tawag ko.
"Ikaw pala Nat " sabi nya..
"Sino yun?"
"Ah si Kyle? Wala yun. Kanina ka pa ba?"
"Hindi... kararating ko lang"
"T-tara na at magsisimula na." Sabi niya sabay batok sa akin at nauna nang maglakad.
"Bwisit."
Hindi nagtagal ay nagsimula na at binibilang na nila yung tally ng votes. Ang lakas ng pintig ng puso ko na hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Although alam ko na ako na nga yung president but there are still possibilities na baguhin yung resulta. Pano nalang kung ma disqualified ako kasi wala akong kalaban?
"Array!" Mambatok ba naman tong katabi ko.
"Relax okay? Magiging president ka. Trust me." I felt relieved dahil sa mga sinabi ni Chubs. Yeah. I'm gonna win this.
"May I have your attention now?" Sabi ng MC sa mic..
"I am already holding the final result of the election. I am hoping that every one will accept the result wholeheartedly. Win or lose, you did your best."
"For the President, let's give a round of applause for Miss Niana Atasha Corpez." I am already expecting this but it still give me chills hearing my name as the President.
"Go na" sabi ni Chubs at tinulak na ako pa akyat sa stage..
Agad akong nakipag shake hands sa mga guro at nag thank you sa pag congratulate nila.
"Thank you po" tsaka bumaba na ko na sinalubong naman ako ng yakap ni Chubs.
"Oh diba. Sabi ko sayo eh"
"Thank you" yan nalang ang nasabi ko..
Pagkatapos ng program ay maaga kaming pina uwi ng mga teachers. May emergency meeting daw kasi sila..
Makaka uwi na rin ako at mababasa ko na yung mga letters.
"Miss President, may meron pa. Last na to" sabi ni Chubs na hingal na hingal kakatakbo.
"Meron pa?" Grabe naman to. Eto sure akong ika sampung letter na to ngayong araw lang..
-
Excited akong pumasok sa kwarto ko para basahin ang mga letters. Di ko alam pero ang mga letters na to ang nagpaparamdam sakin na may nagkakagusto din pala sa akin. It was always just me and Chubs since grade 7. Wala talagang may nagtatangkang manligaw sa akin. Before, I doubt myself bakit walang may nagpaparamdam. Siya lang. Ang mytery poet ko lang. Kinilig ako sa mga iniisip.
Letter 1
Good morning ganda,
Kumain ka na ba?
Excited na akong bumoto,
Pangalan mo lang naman kasi ang hahanapin ko.Love,
YouLetter 2
Nagulat ako sa papel na binigay sakin.
Bakit walang Niana Atasha sa mga sulatin?
Nagback out ka ba?
O nakalimutan nila?Love,
YouBaliw. Di ata nakinig sa instructions to.
Letter 7
Nakita kita kaninang hindi kumakalma,
Pati tuloy ako natataranta na.
Inhale exhale lang Miss Ganda,
Hindi ko kaya kapag mawala ka.Love,
YouLetter 10
Congrats miss ganda!
Mabuti nalang talaga at sa iyo ako tumaya.
Wala na akong talo.
Makita ka lang ay parang nanalo na ako sa lotto.Love,
YouHindi ko mapigilang mapangiti sa letter na to.. OA naman masyado. Sana pala kanina ko pa to binasa.
"Ate?" Agad ko'ng itinago ang mga letter sa bulsa ko.
"Yes po?"
"Mama's home.". Ay oo nga pala.
"Okay".
-
"Mama coffee?"
Naabutan ko si mama na may kausap sa phone. She mouthed me to wait kaya inilagay ko nalang yung coffee sa table niya. Nang matapos ang tawag ay binigay niya na sakin ang atensyon niya.
"Mama I was elected as the Student's Council President."
"Did you win?" Tanong niya habang inaayos ang mga papel na nakakalat sa table niya.
"I guess?"
"Congratulations then."
"Ahmm--" I was about to thank her when her phone rang again.
"I'm sorry Niana. I am busy right now." Hindi pa ako nakakapagpaalam ay tumalikod na siya para sagutin ang tawag.
My mama is a business woman. She is not always here but I understand. Kahit kulang kami ng pagkalinga niya ay hindi ako kailanman nagdemand ng oras at panahon niya. Alam ko naman kung bakit ganyan si mama. Wala na siyang katuwang sa buhay kaya kailangan niyang magdoble kayod. And that's the reason why I appreciated and loved her even more.
Love,
_pastelhues_
BINABASA MO ANG
Letters Love, You
Storie breviBook I Unang kita ko palang sayo, Bigla bigla nalang ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung lalapit ba? O magtatago nalang sa anino ng iba. Hindi ako katangkaran. Pero kaya ko namang abutin ang mga bituin mapasakin ka lang. Hindi nam...