Chapter 11: Sorry
Umagang umaga ay ang dilim ng langit. Mukhang uulan ah. May bagyo na naman ba? Pagkababa ko ay nakita ko pa si mama na hindi suot ang uniform niya sa lamesa.
"Morning ma" sabi ko at nagbeso sa kanya.
"Morning" sabi niya habang busy sa laptop.
"Wala ka pong work?"
"Later. May tatapusin lang akong business report"
"Sige po. Alis na ako ma" paalam ko sa kanya.
"Okay. Magdala ka ng payong."
"Opo" sabi ko ng nasa pintuan na ako.
Binitbit ko ang payong na nasa likod ng pintuan namin at inilagay ito sa loob ng bag ko. Mukhang hindi naman uulan eh.
Hindi pa ako nakakababa sa sasakyan ay bumuhos na ang malakas na ulan. May nakita akong matanda na basang basang na tinitulak ang kariton niya.
"Kuya pakibigay nga itong payong ko doon sa matanda" sabi ko kay kuya at ihininto siya naman sa tabi nito.
"Maraming salamat hijo"
"Sa amo ko po kayo magpasalamat" itinuon naman ni lolo ang atensyion niya sa akin.
"Maraming salamat ma'am"
"Walang anuman po. Ingat po kayo" nginitian lang ako ni lolo at umalis na kami.
"Pano ka po ma'am? Wala na po kayong payong" tanong ni kuya Jun sakin
"Okay lang po.. Hihinto rin naman siguro ito"
Sa kasamaang palad ay nasa harap na kami ng school pero hindi pa rin ito humihinto.
"Ma'am ihahatid nalang kita sa room nyo. Sakitin pa naman po kayo."
"Sige po kuya" kinuha ni Kuya Jun ang payong sa likod at iyon ang ginamit namin papuntang room.
"Thank you kuya" sabi ko ng makarating na kami. Kahit may payong na ay nabasa parin ako. Mabuti nalang at hindi nabasa ang mga libro kong dala.
"Basa ka?" Salubong sakin ni Chubs.
"Oo eh." Sabi ko hapang pinupunasan ang buhok ko.
"Akin na nga" sabay agaw niya ng panyo sakin at siya na ang nagpunas ng buhok ko.
"Aray Chubs" sabi ko dahil ang rahas niyang magpunas.
"Ang tigas din kasi ng ulo mo. Alam mong sakitin ka pero di ka pa nagdala ng payong".
"Aray Chubs. Ano ba!. Ako na nga" inis na sigaw ko sa kanya.
"Pumunta ka pala sa next week sa bahay. Birthday ni Daddy" sabi niya at naupo na sa tabi ko. Tango nalang ang naisagot ko at mabilis na pinunasan ang buhok ko.
Naisipan kong lumabas nang maalalang pinatawag pala ako ng Dean kahapon. Hindi pa ako nakakarating sa office ay nakasalubong ko si Kyle.
"Kyle."
"Nat. Ikaw pala." Aaalis na sana siya nang pinigilan ko siya.
"Kyle, sorry."
"Okay lang Nat." sabi niya at pumeke ng tawa.
"Hindi Kyle. Kung gusto mo, kumain tayo sa labas ngayon. This time sasama na ako"
"Totoo? Lalabas tayo?" Masiglang tanong niya.
"O-oo." Sabi ko.
"Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang mga gamit ko sa room. Wait lang Nat. Mabilis lang to" nginitian ko siya at tumakbo na siya pabalik sa classroom nila.
BINABASA MO ANG
Letters Love, You
Short StoryBook I Unang kita ko palang sayo, Bigla bigla nalang ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung lalapit ba? O magtatago nalang sa anino ng iba. Hindi ako katangkaran. Pero kaya ko namang abutin ang mga bituin mapasakin ka lang. Hindi nam...