Chapter 9: Cheating?
"I'm here outside na" mensahe ko kay Chubs.
It's friday at napagdesisyonan kong bumisita kay tito sa hospital. He is still under observation kaya hindi pa sila nakakauwi. I brought some fruits para sa kanila. Hinihintay ko dito si Chubs sa labas para sunduin ako papunta sa hospital room nila. I saw him already kaya sinalubong ko na siya at agad niya namang kinuha ang basket sa kamay ko at siya na ang nagdala nito.
"How is tito?" Tanong ko nang pumasok na kami sa elevator.
"Okay naman na siya kaso under observation pa din. Pero baka makakauwi na rin kami sa makalawa" tumango nalang ako sa kanya at kasabay rin nito ang pagbukas ng pintuan hudyat na nandito na kami sa tamang palapag.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si tita na nag aayos ng gamit at ready ng umalis.
"Tita" bati ko sa kaniya at bumeso ako dito.
"It's nice na nandito ka at may kasama si Charles dito" nginitian ko nalang si tita at binaling ko ang atensyon ko kay tito na nakahiga sa tabi namin.
"Hi po tito" at binigyan ko rin siya ng kiss sa cheeks.
"Hi sweetheart"
"How are you po?"
"I'm alive and still kicking" sabi niya at nagtawanan na lamang kami.
"Just continue what you are doing at aalis na ako. I'll go back here tomorrow Charles" bago umalis si tita ay nagbeso muna siya sa amin at binigyan ng halik si tito na ikinangiti naman nito.
"Goodbye love" paalam ni tito.
"Okay. Bye Nat, Charles ikaw na ang bahala sa daddy mo" huling habilin ni tita.
"Okay mom, bye"
"I missed you sweet heart" umupo ako sa kama ni tito at inilapag ko ang bag ko mga binti ko.
"I missed you too po. You lose weight po" sabi ko dito and he just chuckled.
"Sa kaka inom iyan" Chubs suggested habang naglalalakd papunta sa direksyon namin. Kinuha niya yung bag ko at itinabi niya doon sa kanya sa sofa.
"Tito you should stop drinking na po. If you can't then minimize."
"What can I do. I just can't stop it. I'm totally fine. Stop worrying kids"
I can see that tito is really fine. He can now talk to us without catching his breath. He can now walk fast without the nurse help. I'm so happy that he is okay. I remember before when tito is very sick. He needed oxygen to breathe. He can't walk because he can feel pain on his stomach. He can't work. It seems like he is really suffering until they found out that tito has a kidney failure. But thankfully he is okay right now.
Ilang sandali ay dumating na ang nurse para icheck si tito kaya umupo muna ako sa tabi ni Chubs. Nakita ko siyang tinitingnan yung mga picture namin noong nag outing kami sa phone ko. Saktong picture namin ni Kyle ang na scroll niya.
"Let's take a picture"
Agad niyang itinuon ang camera sa tamang anggulo. Ang kamay niya ay nasa balikat ko at pilit na iusog ako palapit sa kaniya. Hindi ako handa kaya walang expression ang mukha ko sa kuha niya. Agad naman niyang ginawang wallpaper yung picture namin.
"Mygad Chubs ang pangit ko" agad kong kinuha sa kanya yung phone ko at binalik yung dati kong wallpaper.
"Tsk. Let's take a better picture nalang" hindi na ako nag insist na huwag na at humarap nalang sa phone ko na hawak niya. This time ay pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. I smiled dahil ang clingy niya.

BINABASA MO ANG
Letters Love, You
Short StoryBook I Unang kita ko palang sayo, Bigla bigla nalang ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung lalapit ba? O magtatago nalang sa anino ng iba. Hindi ako katangkaran. Pero kaya ko namang abutin ang mga bituin mapasakin ka lang. Hindi nam...