Chapter 17

260 142 307
                                    

Chapter 17: Never

It's already two months since it happened. Two months without Chubs... two months of torture..

"Happy two months babe" Kyle handling me flowers. He kissed my cheeks and sat infront of me.

"Thank you babe." I shyly smiled

We're in a fancy restaurant celebrating our monthsary. The first month was perfect. I and Kyle really complement each other until our second month happened.

"Babe eto suotin mo oh. Volleyball tayo" binuksan ko ang dala niyang paper bag at ang laman nito ay pares nang jersey. Agad akong napailing at isinauli sa kaniya ito.

"I don't do volleyball babe at alam mo naman na hindi ako nagsusuot ng shorts."

"C'mon babe. Hindi kita pagbabawalan. Wala nang may magbabawal sayo. There's no harm in trying. Please.."

"O-okay."

"Tara na" ibinigay niya sa akin ang helmet. Nanginginig pa rin ako nang kinuha iyon.

"Oh.. nanginginig ka na naman. Relax okay??" I just nodded.

I was always shaking everytime I ride his motor bike. Nanlalamig na naman ang kamay ko habang pinupulupot ko ito sa baywang niya. Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya dahil sa takot. Takot na takot na ako pero parang ineenjoy pa niya.

Bumaba kami sa basketball court nang village nila. May mga naka set up na doon na volleyball net at may mga babae na rin na naglalaro doon.

"Guys good morning... girlfriend ko." Pinakilala muna ako ni Kyle sa mga babaeng napahinto sa paglalaro.

"Guys sali daw si Nat sa inyo." Nabigla ako sa sinabi ni Kyle.

"Okay ba. Sa amin ka na" tumango nalang ako at nagbihis na muna.

Hindi ako naging komportatble sa sout ko ko. Maya't maya ay binababa ko ang shorts ko dahil masyadong maikli.

"Guys game na ah" sigaw nang naka kulay blue na jersey.

Wait?? Game na? Wala man lang warm up exercise? Nanonood ako ng volleyball pero iba pa rin talaga kapag may experience ka sa paglalaro.

"Okay." Sigaw pabalik ng kagrupo ko.

Nagserve na ito at papunta ito sa akin.. I positioned myself just like what I saw on tv. Pinikit ko ang mata ko at umambang saluhin ang bola. Matapos ang ilang segundo ay wala akong naramdaman na tumama sa braso ko. Binuksan ko ang mga mata ko at halos lahat sila ay nakatingin sa akin.. ang iba ay nagpipigil nang tawa at ang iba ay masama ang tingin sa akin.

"I'm sorry."

"1-0 na ah" tumango nalang ang mga kasama ko.

I composed myself and made myself to focused.

"Ako na ang magrereceive ha" sabi nang kasama ko. Diba dapat siya naman talaga kasi siya ang libero.

Maganda ang naging takbo nang laban kahit ni minsan ay hindi ako nakahawak ng bola. Tuwing pupuntos kami ay nag aapiran sila. Nahiya naman akong maki apir din eh wala naman akong naiambag.

Lamang na ang grupo naming at mas lalong uminit ang laban. Mas lalong natakot ako dahil mas lumalakas na ang palo ng kabilang grupo. Lalo na ang nakakulay blue na jersey. Lagi niyang binabato sa akin ang bola, mabuti nalang at nahaharang ito ng sa unahan ko. Napalakas iyung isa niyang palo at natamaan ako sa ulo.

"Okay ka lang?"

Tumango nalang ako pero medyo naghihilo na. Nag water break muna kami.

"Galit ata sayo iyung ex ni Kyle" napatingin ako sa nagsalita.

Letters Love, YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon