Hemlo! Get enough sleep, luv. ( ꈍᴗꈍ)
NADHYNE
*alarm rings*
Inis kong kinuha ang aking phone na nakalagay sa ibabaw ng aking cabinet sa tabi ng kama.
05:30AM TIMBERLAND w/ FRENS
Nang makita ko ang nakalagay sa deskripsyon ng aking alarm ay napabalikwas ako saka naupo. May vlog nga pala ako kasama sila Brock! Apat kaming magt-tropang na halos babae at si Brock lang ang lalaki. Nag-unat muna ako at nagtanggal ng morning glory saka sinuklayan ang aking buhok gamit ang aking mga daliri bago buksan ang camera app.
"Good morning, Nadhy Babies! So, ayon, I just woke up at may lakad kami today with my tropapeeps. Yeees! This is what we're talking about at ngayon lang makukulayan ang drawing, haha! Siguro parating na din sila kaya mag-aasikaso na ako. I'll get back to you, guys! Mwah!" pinindot ko ang stop sa recording saka binaba ang phone at ini-switch ang video to photo.
Ilang posing at wacky ang nakunan matapos akong makuntento sa mga litrato ko. Pumili muna ako bago ipost sa aking social media accounts ito na mabilis ni-like ng mga fans ko. Napangiti ako kaso natigilan nang maalalang wala pa akong toothbrush. Shocks!
Tumayo ako agad para dumiretsong banyo ngunit bago ko pa ilagay sa bibig ko ang toothbrush ay napansin kong may kulang kaya bumalik ako sa aking kwarto.
[Now Playing: Umaapaw by Ang Bandang Shirley]
Ayan! Para hindi matumal. Matapos kong magtoothbrush at maghilamos ay inayos ko muna ang aking mga gamit na dadalhin. Maingat kong nilagay sa aking bag ang ibang equipments para sa pagvlog ko mamaya kasama ng ibang damit at ang aking personal hygiene kit. Kung hindi ako nagkakamali, mags-stay kami roon ng ilang araw. Dalawa? Tatlong araw? Hindi rin ako sigurado kung ilan pero sa aking palagay ay sapat na ang mga dadalhin ko.
Ala-sais ay tapos na akong mag-ayos ng aking bag at nakahanda na ang aking susuotin. Mabilis ko namang kinuhaan ng litrato ang aking mga gamit at kinuhaan ng montage. Gilid ng onti and click! Perfect. Pinost ko uli ang picture na may kasamang caption, "Getting ready!"
*doorbell rings*
Papasok pa lang ako ng CR, e. Ang aga talaga. Mabigat ang mga paang tumungo sa pinto at bumungad sa akin sila Brock, Tierney, at ate Prunille na waring kanina pa nauna sa akin. 'Di naman halatang excited, ano?
"Deng, wala ka pang ligo?" naka-ngiwing bati ni Brock.
"Grabe wala man lang 'good morning'?" maktol ko. "Tingnan mo kakapal pa ng mukha. Bibilis pumasok!"
Natawa ang mga 'to sa asta ko saka ko sinara ang pinto. Tinabi nila sa rack ang kanilang mga sapatos at kanya-kanyang umupo sa sofa. Kukunin pa lamang nila Brock ang kanilang mga phone nang magsalita ako.
"Oy, Brock! Luto ka nga muna ng almusal natin! Maliligo muna ako," paalam ko at pumasok na ng CR sa wakas. "At, Tierney, maghanda kayo ni ate Nille ng mga plato!" saka ko sinara ang pinto.
Narinig ko pang nagreklamo ang mga 'to.
"Hindi ba pwedeng magpadeliver na lang sa mcdo or jollibee!? Baka ako pahugasin ni Brock ng pinagkainan, e!" ani Tierney.
"'Wag na, Tier. Luto na lang tayo para tipid. Do'n na tayo sa timberland gumastos," mahinhin na wika ni ate Nille.
Kahit 'di man nila sabihin, halata namang mga walang almusal mga 'yon tsaka wala rin naman silang gagawin do'n sa sala kundi ang magphone magdamag. Gawin naman nilang makabuluhan ang oras nila at gamitin sa tama. Kaya naman walang sabi-sabi ay tumayo na si Brock at nauna na sa kusina.
BINABASA MO ANG
Timberland
AdventureMula sa orihinal na ideya ni Chelsea Devyn Pe at John Lennard 'JL' Segundo. Ang kwento ng isang vlogger at siklista na sa dinami-dami ng pagkakataon ay saka lamang nagkakilala. Subalit sa loob ng maikling panahon na sila'y nagkikita, may mabubuo kay...