C I N C O

7 1 0
                                    

•°• C I N C O •°•

Isang tahimik na gabi at malamyos na hangin ang naratnan ni Deianira pagkatapak na pagkatapak pa lang sa parteng yun ng kanyang kwarto.

Lumapit pa ito lalo sa railings ng balkonahe upang mapagmasdan ang paligid at ang magandang kalangitan na puno ng nagniningning na mga bituin at maliwanag na buwan.

Full moon pala ngayon na mas nagpaganda pa lalo sa gabi na ito.

Gumawi naman ang tingin nito sa ibaba at napako ang kanyang paningin sa isa sa mga puno na namumulaklak sa bakuran ng Casa na ito na tapat lang ng kaniyang kwarto, ang puno ng Narra.

Napangiti siya at naalala na mahilig siya sa parteng ito ng bakuran dahil dito siya madalas maglaro nung bata pa siya.

Pinagmasdan ito ng dalaga ng matagal.

"Buhay ka pa pala," turan nito na animo'y kinakausap talaga ang puno. "... at mas lalo ka pang gumanda sa paglipas ng panahon ha. Mapuntahan ka nga bukas."

Ilan minutong katahimikan ang bumalot bago binasag iyon ng isang katok.

Bumukas iyon at iniluwa si Nanay Celia na may hawak na tray at may nakalagay na isang basong gatas doon. Lumapit ito papunta sa balkonahe at nilapag iyon sa mesa bago nagpaalam.

"Salamat po."

Tumango ang ginang bilang tugon bago isinara ang pinto.

Kinuha niya ang isang basong gatas na nasa lamesa at sinimulang inumin iyon habang pinagmamasdan pa rin ang magandang kalaliman ng gabi. Nagtagal pa siya ng ilang minuto sa balkonahe bago napagdesisyunan na matulog na.

"I'm glad I am back here again. Goodnight everyone!" usal nito sa hangin.

Pinasadahan niya saglit ng tingin ang paligid at napangiti.

Pumasok na siya sa loob at marahan sinara ang glassdoor na tanging kurtina lang tumatabon dito. Pagkatapos ay gumawi na sa sidetable ng kanyang kama upang buksan ang lampshade bago dire-diretsong i-switch off ang ilaw sa buong kwarto.

Tanging ang lampshade lamang ang nagbibigay tanglaw sa buong kwarto na iyon. Sumampa na siya sa kanyang kama at nahiga. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at ilan minuto ang lumipas bago iginupo ng antok ang dalaga.

Lingid sa kanyang kaalaman na mula nang dumating siya hanggang sa ngayon, may mga pares ng mga mata ang nag-oobserba na sa kaniya mula sa malayo – sa mga puno.

Mga nilalang na sa hinuha niya'y hindi niya kailanman iisiping nag-eexist pala kasama nila sa mundong ito.

•••••

"Himala yata wala yung dalawang ulopong."

Sambit ni Crisanto nang mapansin wala si Donato at Idelfonso sa sala.

Umalis kasi ang mga ito pagkatapos nilang maghapunan. Tuwing mga ganitong araw kasi nakasanayan na nila magkumpulan sa sala habang lumalamon pa habang nanonood. Kumbaga snack nila.

Napalingon si Napoleon kay Crisanto.

"Sabi ng mga baliw, sa Casa lang sila."

Napakunot ang binalingan niyang si Crisanto. Nagtataka.

"Para saan?"

Nagkibit-balikat si Napoleon dahil hindi niya alam ang isasagot. Bumalik ito sa panonood at nagsimulang kumain ulit.

Napasandal si Crisanto sa inuupuan niya. Nag-iisip kung bakit nasa Casa pa rin ang dalawa. Kanina pang umaga yung mga yun doon. Hindi niya lubos maintindihan bakit ang tagal nitong mga nakatambay roon. 

Engkanto Chronicles: The AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon