T R E S

5 1 0
                                    


•°• T R E S •°•

Matapos ang ilan minutong pag-aappreciate ko sa magandang paligid na nakikita ko, napagdesisyunan ko ng humahanap ng masasakyang tricycle papunta sa destinasyon ko, ang Casa Sobritchea, my father's ancestral house.

Sa paglalakad ko, marami akong nakakasalubong na lokal. Marami din nagtitinda ng kung anu-ano sa labas mismo ng simbahan at nakuha ng atensyon ko ang isang matandang nagtitinda ng mga bulaklak.

Naisipan kong bilhan si Manang Celia bilang regalo na rin dahil sa muli naming pagkikita.

Nakalapit na ko sa matandang nagbebenta ng mga bulaklak at pumipili na. Naisipan kong bumili rin para sa sarili ko upang ilagay ko sa magiging kwarto ko doon.

"Manang isang punpon po ng Daisy saka Chrysanthemum," aniya ko habang itinuturo yung dalawang bulaklak.

Ngumiti namang tumalima ang matanda sa sinabi ko.

"Nagbabakasyon ka ba hija?" tanong nito habang ibinabalot sa dyaryo ang mga bulaklak at tumingin pa ito sandali sa gawi ko.

Ngumiting tumugon naman ako.

"Opo lola. May bahay po ang pamilya namin dito."

Napatango naman ito sa sinagot ko at pansin kong tapos na niya balutin ang mga bulaklak kaya hinanda ko na ang bayad ko. Inabot na niya sakin ang mga bulaklak at sandaling tinignan ko iyon at inamoy-amoy.

Ang babango!

Bumaling na ko sa matanda upang magbayad nang mapansin kong nakakatula ito sa akin.

Gulat na may halong pagtataka ang bumabalatay sa mukha nito. Tumingin ako sa likuran ko baka hindi ako tinititigan niya ngunit nang ibalik ko ang atensyon sa matanda, sa pwesto ko pa rin ito nakakatitig.

Bakit ganun siya makatingin sa isip-isip ko. Pabalik-balik ang tingin nito sa mukha ko at sa di malamang parte ng katawan ko kaya sinundan ko ang tinitignan niya at napag-alamang sa may bandang leeg ko or more specifically, sa pendant necklace ko na binigay ni Mother Earth.

"Manang..."

Pagkuha ko ng atensyon niya. Bumalik din naman ito sa wisyo at di magkandaugaga sa pagsasalita. Kinuha naman niya agad ang bayad ko.

"Ay nako! Pasensiya ka na ineng. Ang ganda kasi ng kwintas mo," pagpapaliwanag nito.

Seryoso?! Yun lang? Yun lang lola?

Akala ko kasi sa mala-dyosa kong kagandahan. Si Manang talaga 'o!

Napahawak ako sa kwintas na bigay ni mama at napangiti.

"Ito ho ba? Bigay po ng mama ko bago ako pumunta dito," bumaling ako sa matanda at nakatitig pa rin iyon sa kwintas ko.

Ganun ba talaga 'to kaganda? Well, siguro.  Ako nga nagandahan dito 'e.

"Sige Manang una na po ako. Salamat po!"

"Sandali..." napahinto ako dahil dun.

Napabaling ulit ako sa kanya.

"Bakit po lola?" ngiting tanong ko
.
"Sukli mo hija," iniabot niya sakin iyon. Umiling na lang ako.

"Keep the change lola. Ang gaganda kasi ng mga bulaklak niyo."

Tatalikod na dapat ulit ako nang maramdaman kong may humawak sa kaliwang braso ko kung saan hawak-hawak ko ang mga bulaklak.

Napahinto ulit ako dun. Tinitigan ang kamay na nakahawak sa braso ko at binalingan kung sinuman 'yon. Yung lolang natitinda ulit ng mga bulaklak.

Engkanto Chronicles: The AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon