D O S

5 1 0
                                    

•°• D O S •°•

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa natutulog kong diwa. Pinatay ko muna ito pagkatapos binalingan ang kabilang side ng higaan at napansing wala na roon si mama.

Maaaring maaga 'tong nagising upang makapag-asikaso na.  Tumayo na ako at inayos muna ang aking hinigaan bago magpasiyang mag-asikaso na sa sarili.

Matapos ang ilang minutong pag-aasikaso, naghanda na ako at bumaba na dala ang aking maleta, isang maliit na backpack at isang slingbag kung saan ang wallet, cellphone at iba pang anek-anek ko sa buhay. Inilagay ko muna ang mga 'yon sa sala at pumunta sa kusina. Nabugaran kong nagluluto si Manang Pearl at inaayos naman ni mama ang hapag-kainan.

"Good morning everyone!" bungad ko na may malaking ngiti sa labi at lumapit sa gawi ni mama upang makipagbeso.

"Good morning din, 'nak."

Lumapit din ako sa gawi ni manang upang bumati at sipat-sipatin na din ang niluluto niya.

"Wow! Ang bango naman niyan, Manang Pearl."

Ngumiting napatingin si manang sakin.

"Syempre naman! Para sayo yata ito nang maalala mo naman ako bago ka magbakasyon. Baka mamaya makalimutan mo na ko niyan 'e."

"Sus! si manang talaga," palatak na aniya ko. "Pwede bang kalimutan ko ang pinakamaganda, pinakamatiyaga, at higit sa lahat, pinakamaalaga kong Nanay Pearl?" lumapit ako sa likuran niya at marahan na humaplos sa magkabilang balikat nito.

"Binobola mo na naman ako 'e," di makapaniwalang napatingin ako sa kanya.

"Itong pagmumukhang 'to?"

Eksaheradang ani ko habang itinuturo ang sarili.

"Sa ganda kong 'to? mambobola? Underqualified yata ko para dyan Manang Pearl."

"Kamo overqualified ka na," gatong naman ni mama habang nakapameywang pa talaga. "Dahil ikaw yata ang "Mambobola of the Year."

Napahalakhak naman si Manang Pearl sa tinuran ni mama.

"Ouch naman!"

Pagkukunwari kong nasasaktan with matching hawak pa sa dibdib ang peg.

"Hindi halatang prangka ka sa lagay na 'yan ma ha," aba'y tignan mo 'to tinaasan lang ako ng kilay. Ma-attitude si Mother Earth! Ahitin ko kilay niyang pak na pak 'e.

Charot! Hindi pa ko payagan lumarga niyan hahaha.

"O'sya lumamon ka na para makaalis ka na ng maaga. Mamaya niyan gabihin ka pa."

Well, may tama 'tong nanay ko. Wait lang? Parang ang pangit pakinggan nung pagkakasabi ko. Hayaan na nga. Lumapit na ko sa  gawi kung nasaan ang hapagkainan at si mama. Naupo na ko at nagsimulang kumain para makaalis na rin.

•••••

"Okay na ba lahat?" tumango ako sa tanong ni mama.

Nasa Bus Terminal kami ngayon kung saan ako sasakay papunta sa probinsiya ni papa.

Napagdesisyunan kong mag-bus na lang papunta roon kaysa mag-drive sapagkat naisipan kong magiging sagabal o hustle sa part ko dahil mag-isa lang ako. Mahaba-habang byahe rin yun mula sa Manila para sakin.

"Ingat ka sa byahe mo. Call me if you already there. Nasabihan ko na rin si Nanay Celia about sa bakasyon mo doon. Always take care of yourself and yung mga bilin ko ha. Huwag na huwag mong kakalimutan," pagpapaalala niya ng maigi sakin.

"Don't worry Mother Earth. Susundin ko lahat yun. Promise!" pag-aasure ko sa kanya.

"Good! Sige na, gumayak ka na. Maiwan ka pa ng bus."

Engkanto Chronicles: The AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon