Chapter 25

3.4K 84 0
                                    

Oryn's Pov

Grabe itsura nilang Apat eh! Mas lalo
na si Panget! Wuahahaha! Nakakatuwa lang, Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang pagtitig niya ng matagal eh! Naaalala ko tuloy yung napanaginipan ko kagabi sa kanya! Ang awkwarddddd!!! Hindi na normal yun dahil gabi gabi na nangyayari eh!

d>____<b

Nakahiga ako sa kama at nakatunganga lang akong nakatingin sa kung saan. Iniisip ko si panget eh...Baka may meaning na yung panaginip na yon! Tsk! Tsk! Tsk! Ano toh ha? Ang kulit kaya ng itsura niya kanina!

Hehe...Ang cute...

dO_____Ob

"Hoy ano?! Hindi cute ah!" Nababaliw na sabi ko sa sarili ko at sinampal ko mukha ko.

dTT-TTb

Humiga ako ulit at pinilit na matulog na lang! Nakakaasar naman! Bakit ganito mga pumapasok sa isip ko! Arghhh!! Nag patong pa ako ng ulo sa unan at tsaka sumipa sipa pa sa kama!

Sleep...

Sleep...

Sleep...

d>____<b

"Bakit ka pa kasi nagtatago sa ganyang itsura?"

"Eh paki mo ba."

"Tsk! Ang dami mong arte eh! Tignan mo tuloy ang dami na nang nambubully sayo!"

"Eh ikaw nga ang unang nambully sa akin eh! Nakigaya lang naman yung iba!"

"Sayang naman yung ganda mo kung itatago mo lang...Sarap titigan mag damag."

dO___Ob

"A-Ano?! Umayos ka ah!"

"Tsk...Totoo naman ah! Gandang ganda ako sayo baka hindi mo alam!"

"S-Seryoso ka ba? Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo ha?!"

"Malamang naririnig ko! Tsk! kung alam mo lang kasi...."

"Na ano?"

"I like-"

"WAAAAAAHHHHHHH!!! AYOKO NA!"

d•____•b

Nagising ako na hinahabol ang hininga! ETO NANAMAN EH!

dTT_____TTb

Mercy.....Paano matulog ng mapayapa?!! Huhuhu! Lagi na lang ako puyat! King inang buhay toh! Bakit ba siya lagi nasa panaginip ko!
ARGGHHH!!!!

*

*

*

Monday

BELL!!

Hehe! Lunch time na! Nice..nice!

"Alam niyo may napapansin ako kay claerence." Sabi ni Jemma.

d•___•b

"Ano?" Tanong ko.

"Hindi ka na ginugulo simula kanina pang pag pasok! Wuahaha!" Tawa pa ni Gail.

Oo nga noh...

Nag ayos ako nang gamit at dumiretso kami sa canteen. Syempre pag dating namin dun as usual yung mga kaibigan at ang hinayupak na Megan ay masama ang tingin sa amin! Damay damay amp! Naiwan ako sa mag isa sa lamesa NANAMAN kaya habang nag hihintay ay nag labas ako ng nutella at pumapak. Wuahahaha! Buti pa nutella nakakagaan ng loob! Hehe ang sarap!

The Heiress  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon