Rye's Pov :
"OIS! OIS! OIS! OIS!"
"SIS! SIS! SIS! SIS!"
Nandito ako ngayon sa gilid, nanonood ng laban ng OIS at SIS sa archery. Kasalukuyang nasa 4th round na ang laro at ang player ng OIS ay ang naglalaro. Hindi sa kalayuan ay nakita ko si Oryn. Hindi ko maitatanggi ang tapang na ipinakita niya sa akin noon. Kung paano siya lumaban. Kahit na nadala na siya sa ospital dahil sa amin ay pinili niya pa din na harapin kami at makipaglaban at ang mas nakakagulat pa na ginawa niya ay ang pag bigay pa ng tulong sa akin laban dito.
Gusto ko man din na matapos na toh pero anong magagawa ko? Kahit ang pakikiusap ko ay wala na ding saysay.
Flashback...
"kare o koko ni tsurete itta hō ga ī" Bilin ni Elder Wang.
(You better take him here)
"Hai." Tango ko.
(Yes.)
Nandito ako ngayon sa Headquarter namin na natatago sa pangalan na Shi no Kunren. Sinabi ko kasi na hindi ko kayang gawin ang pinapagawa niyang pagkidnap at ang paglumpo kay Jax.
Kaso naging iba ang usapan at atmospero ng magsalita na si Elder Wang sa gusto kong mangyari.
"Elder Wang." Tawag ko sa kanya nung pag pasok sa opisina niya. "Hanashiai ga hitsuyōdesu" (We need to talk)
"Korehanandesuka? Anata wa sono shigoto o shimashita ka?"
(What is this about? Have you done the task?)
"Watashi wa anata ga watashi ni shitai shigoto o suru koto ga dekimasen."
(I can't do the task you wanted me to do.)
Napatingin ng diretso sa akin si Elder wang at napalunok ako! Sumeryoso ang kanyang mukha at ipinatong ang baba sa dalawang kamay niya sa desk.
"Nazadesu ka? kare wa anata no naganen no tomodachikara? kinishanai! kare wa koko ni shakkin ga arimasu!" Singhal niya.
(Why is that? Because he's your long time friend? I don't care! He has a debt here!)
Napapikit na lang ako dahil sa gulat at taas ng boses niya.
"Anata wa kare koko ni tsurete kita hō ga īdesu -Sa mo nai to watashi wa anata o ika semasenshi, watashi mo anata no okāsan o oikakemasu."
(you better bring him here or I will not let you go and I'll also go after your mother.)
dO____Ob
dTT___TTb
At duon alam kong wala na akong magagawa...
"I've also heard that there's this three that keeps on insisting....Together with Jax and his friends too. I'll help you with this and after, we'll make them suffer. You're time in this given task is running out so you better hurry also." Huling bilin niya.
End of flashback...
Umalis ako dito para makapag isip...Paano na lang ang mangyayari sa kanila? OO NA! Hindi naman ako manhid noh! Mayabang lang! Natatakot pa din ako sa puwedeng mangyari! Paano na lang si nanay? Yung mga taong madadamay?!
d>___<b
Hindi muna ako masyadong nagpapakita sa mga kaibigan ko at kung sino-sino. Masyado akong madaming iniisip! Nalulutang na ang isip ko kung minsan.
Lumabas ako ng school at naisipan ko na lang na umuwi. Maliit lang ang bahay at hindi kami mayaman! ang nanay ko ay taga laba lamang at kaming dalawa lang dito sa bahay. Hindi madali ang pinagdadaanan namin kaya nung naging scholar ako dahil kay Elder Wang ay ipinagbuti ko ang pag aaral ko ngunit sa kabila nun ay gumagawa ako ng masasamang bagay.
"Nay?"
Kumatok ako pero walang sumagot kaya tuluyan na lang akong pumasok. Nagtaka rin ako kung bakit naiwang nakabukas ang pinto dahil hindi ito iniiwan ni nanay ng hindi nakasara. Pagpasok ko sa loob ay walang ilaw at tahimik ngunit magulo! Ang mga gamit ay wala sa kani-kanilang lugar at may ilang basag. Bigla akong kinabahan at hinanap si nanay!
"Nanay?! Nasaan ka?!"
Madali akong umikot ng bahay hanggang sa natagpuan ko siya sa kusina na nakahilata sa lapag at walang malay.
"Nay!!" Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang pulso. Laking ginhawa at BUHAY pa ang nanay ko! May nakita akong sulat sa kamay niya at kinuha yun.
"You're time is running out..."
dTT____TTb
Kinabahan ako muli sa nabasa ko at napayuko na lamang. Pinilit kong gisingin si nanay pero sa walang kibo siya. Tumawag ako sa mga kaibigan ko para humingi ng tulong at agad naman silang dumating. Dinala pa namin si nanay sa ospital.
"Grabe lang talaga! Pati nanay mo dinamay! Mga walang awa! Wala naman siyang kinalaman!" Asar na sabi ni Theo at napa buntong hininga na lang ako.
"Wala akong magawa....Si nanay lang ang mag isa dito at hindi ko man lang siya maprotektahan."
"Pumayag ka na lang kasi sa tulong ng tatlong babae na yun! Malay mo diba? Tiwala lang kasi eh! Sagot pa tuition mo." Lance.
d-____-b
Paanong hihingi eh sila nga uunahin ng mga kasama ko para matapos agad!
Ilang sandali ay uamlis din sila dahil nga hindi pa tapos ang Sportsfest at kailangan sila duon para may mag presenta man lang. Nanatiling nag papahinga si nanay. Pumunta ang tita ko dito at sinabihan akong umuwi at siya na ang magbabantay. Kailangan ko daw mag pahinga muna. Pagkauwi ko ng bahay ay naglinis ako. Nakakapagod nga naman kaya ng mag pahinga ako ay nakatulog agad ako.
d>O<b
d-____-b ZZzzzzz....
*
*
*
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
dO___Ob
Nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pinto. Agad akong tumayo at inihanda ang sarili baka isa yun sa mga tauhan ni Elder Wang.
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
"S-Sandali!"
Nag madali ako para mabuksan ang pinto pero laking gulat ko ng makita ko si Jax! Masama ang tingin niya sa akin at hinihingal pa.
BAAG!
SINAPAK NIYA AKO!
Natumba ako sa lapag at naramdaman ang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko. Inangat niya ako sa kuwelyo ng damit ko at kitang kita ang galit sa mga mata niya.
"Saan niyo sila dinala ha?"
"A-Ano?!"
BAAAG!!
SINAPAK NIYA AKO ULIT!!
"T-Tama na! Ano bang problema mo?!"
"IKAW! Wag mong idamay ang mga kaibigan ko! Ako lang ang prinoproblema dito!"
"Ano bang pinag sasasabi mo ha?!" Takang tanong ko.
"Sila Claerence! Yung mga kaibigan ko! Kinidnap!"
dO____Ob
BINABASA MO ANG
The Heiress
Teen FictionOryn Dmitri, ay ang kaisa isang anak ng Dmitrius family. Their family is known because of their power in the Business world and Their name is considered as the top most richest family in the world. Oryn is famous because of this, She is young, skill...