d>____<b
Hindi pa din siya naimik ngayon at hindi ko alam kung bakit! Sabi ng mga kaibigan niya na wala lang siya sa mood. Hindi naman ako naniwala sa rason na yun kaya sinundan ko sila nung sinabi nila na kakausapin muna nila si ponytail. Tumango lang kami pero nagpaalam ako kunwari sa restroom pero ang totoo ay sinundan ko sila.
Sa garden sila papunta at hindi ko pinahalata ang pag sunod ko. Habang papasok ay narinig ko na ang bunganga ni witch! Tsk! Ang lakas ng boses! Pagpasok sa loob ay pumunta sila sa bench na inupuan namin dati ni ponytail. Ako naman tong nakatago sa puno malapit sa kanila at nakikinig, Ilang saglit lang ay narinig ko na din magsalita si ponytail.
dO___Ob
"Alam niyo kanina pa ako nag iisip eh." Sabi niya kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya. "I like him a lot...Hindi na crush ah, Mabilis ang pangyayari kaso wala akong magagawa." Sabay buntong hininga niya at pagbagsak ng balikat.
do_____ob
M-May gusto na siya?
dTT___TTb
"Nanlumo ako eh sa sinabi ni Megan kanina kasi...Medyo malabo na magustuhan niya ako. Baka nga siya pa piliin." Sabi niya at parang humahagulgol na. "I like him but...Will he like me back?"
"Grabe Oryn! Iba talaga ang Impact kapag na I-Inlove na ang isang tao! Wuahahaha! Para kang naka shabu eh oh! kung ano-ano sinasabi mo! Nahugot kapa! YIEIEIEEEIEIE!!" Pangaasar ni witch sa kanya.
d-___-,b
"Don't loose hope Oryn and Don't be afraid to take risks. Ask him and express how you feel, Malay mo diba. Pero kung rejected, it's okay also. Not everyone can accept so learn to move on and let go. But never move on with hatred okay?" Paliwanag naman ni Braid.
Lalim ah parang expert sa pag advice...
Sino kaya ang gusto niya na yun? Ang suwerte naman ng tao na yun...Ako na lang sana eh kaso mukhang naunahan na.
dTT--TTb
"Tama ka...I'll tell him later. I'll Tell him everything."
do____ob
Umalis na lang dahil mukhang hindi na ako belong....Putcha hindi naman talaga ako belong eh! Sumunod lang nga ako eh! Tsk! Malumanay akong umalis dun at unti-unting bumabagsak ang balikat ko. Bumalik na ako sa canteen at nakita ko naman sila Rex na nag aasaran.
"Dre! Saan ka galing? Restroom lang 30 minutes? Ano ginawa mo ha? Tumae ka noh?? Ewwww! AHAHAHAHAHA!"
d-___-b
Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na lang sa tabi niya...Sila Drake at Jax naman na nakatingin sa akin at halatang nag babatuhan sila ng tingin.
"What's wrong Claerence?" Tanong ni Drake.
dTT___TTb
May gusto na siyang iba eh!
"Wala....Nagugutom lang ako eh." Walang ganang sabi ko at kumuha ng pagkain.
Tahimik lang akong kumain at malumanay. Natahimik ang lamesa at naramdaman ko ang pag siko sakin ni Rex.
"Psst...Anyare sayo? Bakit ka tahimik?"
Magsasalita na sana ako nang bigla naman sila dumating. Nakangiti naman na si Ponytail, Ngiting kaya kong titigan ng magdamag. Umupo na sila dito at saktong katapat ko siya.. Nagkatitigan kami pero ako tong hindi makatagal ng tingin sa kanya! Inalis ko ang tingin ko kaagad sa kanya. Mabigat pa rin sa kalooban ko dahil sa mga narinig ko.
BINABASA MO ANG
The Heiress
Teen FictionOryn Dmitri, ay ang kaisa isang anak ng Dmitrius family. Their family is known because of their power in the Business world and Their name is considered as the top most richest family in the world. Oryn is famous because of this, She is young, skill...