Viviere Suit
Kararating ko lang sa place na sinabi ni Alfonso Luis when he invited me out for dinner. Don't know if he'll bring a companion kaya naman naisipan kong pumunta na lang mag-isa at hindi nagyaya pa ng kasama. Sabi niya kasi surprise raw, so baka he needs some private time with me.
Grabe, ang feelingera ko talaga para isiping isa itong date kahit pa sa sobrang tagal na naming magkaibigan ay never siyang nag-attempt na umamin sa'kin.
Upon arriving at the front desk of this prominent hotel, agad na tinanong ng head receptionist if I am the plus-one of Mr. Barretto. I nodded as a response and she led the way papunta sa isang reserved spot kung saan overlooking ang buong city.
To my disbelief, there are four chairs standing beside that single table. Hindi pa man nag-uumpisa ang gabi ay parang gusto ko nang umuwi dahil hindi ganito ang inaasahan ko.
Iniwan na ako ng receptionist nang maihatid niya ako sa table na ni-reserve ng kaibigan. Mukhang napaaga ang dating ko, kaya naman nagpunta muna ako sa restroom para mag-freshen up. Humulas yata bigla ang chick-look ko dahil parang nahuhulaan ko na ang plano ni Cholo ngayong gabi: isang business meeting or worst.. blind date na naman 'to!
Nag-ayos pa man din ako at nagsuot ng isang off-shoulder knitted dress in nude pink na binili ko pa sa isang boutique sa Benguet when I attended a short course about Social Development in UP Baguio last month. May pagka-native vibe ang damit kong ito dahil mahilig talaga ko sa local products.
Pero may nararamdaman akong kakaiba dahil sobrang romantic ng dating sa'kin ng lugar. Tanging dim lights at buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa pwestong 'yon. Kinakabahan man ay ngumiti pa rin ako sa harap ng salamin, sabay hinga nang malalim.
I told myself that whatever happens, ay susubukan ko ang aking luck para umamin sa kanya at the end of this night when he drives me home, because I don't want to live a life full of regrets anymore.
Palabas na sana ko ng restroom when I bumped into a familiar face! Napamaang ako saglit. Ahh! Grasya! Grasya Alcantara! I knew it! Nginitian ko na lang siya dahil hindi naman kami masyadong close noong high school!
But if my memory serves me right, naka-MU siya dati ng best friend ko! Kaya medyo off kami sa isa't isa dahil pinagselosan niya rin ako noon. Napangisi ako sa naisip. Lahat na lang nagselos sa'kin, 'di nila alam never akong nakita ni Cholo as a woman. Palaging, as a friend or at most, best friend.
Papunta na ako sa direksyon ng table namin nang may maglapag ng sling bag sa isa sa mga upuan doon. Nagulat man ay nagpatuloy ako hanggang sa makita ang lalaking kasama ng best friend ko.
Kumabog ang dibdib ko. Bakla pa yata 'to kaya kahit kailan ay 'di ako nakaramdam na baka sakali, nagustuhan niya rin ako. Nanlumo ako sa joke na naisip.
Pamilyar 'yung guy eh. Parang nakita ko na siya before. Tumikhim ako at saka lumapit, bigla namang tumalikod ang kasama ni Cholo upang sagutin ang isang phone call, pero nagpatuloy pa rin ako dahil sayang naman ang pagbuwelo ko.
"Hi!" Nilawakan ko ang pagkakangiti sabay wave ng kaunti para 'di nila mapansin ang pagka-tense ko.
"Ali! Kanina ka pa? Ganda mo tonight ha. Not the typical pencil skirt and coat get-up." Lumapit siya at bumeso sa akin. Friendly beso lang naman. Kikiligin na sana ko pero pinutol niya kaagad ang moment ko.
"Sabi ng receptionist sa front desk may naghihintay na raw sa'min dito eh." Bungad ni Cholo sa'kin. Chill pa naman siya at mukhang excited sa magaganap ngayong gabi.
"Ahh, hindi naman. Siguro mga 10 minutes ago." Ngumiti uli ako, 'yung mas malawak pa.
Mukhang mali ang naunang hunch ko, dahil tulad ko ay 'di naman sila naka-corporate attire at tipikal na pants at plain polo shirt lang ang suot nila; hindi nga business ang pakay nila ngayong gabi.
So isa na lang ang natitira sa pagpipilian. Blind date pa nga yata 'to. At ako ang alay.
"Nga pala, this is Jose Aquinas Alperto. Head Architect namin sa firm." Natatawang sabi ni Cholo. Nakikita ko na talaga. Mapupurnada na naman yata ang pag-amin ko.
Humarap na sa akin ang kasama niya at nilahad ang kamay. "Hello, Jaqs na lang for short." Inabot ko naman 'yon ng walang gana at saka umupo.
Ngunit nang makita ko nang tuluyan ang mukha nito, binalot na ako ng kaba at parang na-displace ang puso ko. Katabi ko si Cholo at katapat ko naman ang Aquinas na 'yon.
Hindi nagkamali si Cholo. I am really surprised seeing all these things happening in front of my very eyes.
Nalunod na ako sa pag-iisip at 'di namalayan ang pag-upo ng isang babae sa tabi ni Jaqs. He's with Grasya.
Parehong gumuho ang mundo namin ni Cholo nang ma-realize kung sino ang mga tao sa harapan namin ngayon.
The first persons who ruined our beautiful perception about love..
__________
xoxo, kie