Maaga akong nakatulog nang gabing iyon kahit pa 'di matigil ang utak ko sa pag-iisip.
It's been three fucking years mula nang huli kong makita ang lalaking tinutukoy ni Biancs pero natatakot pa rin akong baka kapag nakaharap ko na siyang muli ay bumalik lahat ng sakit na pilit kong kinalimutan sa loob ng mahabang panahon.
Baka nga hindi lang sakit ang bumalik, kun'di maging ang nararamdaman ko?
Ngayon pa lang ay naguguluhan na agad ako.
Wasn't that long enough for me to finally let 'us' go? Bakit ba ako natatakot gayong tinanggap ko naman na sa sarili ko na tapos na kami.
Teka, mayroon ba talagang kami? Hindi pa rin nga ako sigurado.
Paano nga ba mapapangalanan ang nararamdaman namin kung hindi pa man kami nagsisimula ay bigla na lang itong natapos?
Noong gabing hindi ako ang pinili niya, para sa akin ay tinapos niya na ang lahat sa amin bago siya lumipad papuntang America para mag-aral, at iwan ako.
Dahil maaga pa para sa first period, naupo muna ako sa starbucks na nakapalibot sa covered court ng campus, para iyong mga tipikal na upuan sa labas ng isang sikat na coffeeshop na may kaparehong pangalan, may malaking umbrella iyon bilang panangga sa init ng araw o sa ulan. Nagmuni-muni muna ako at nakinig ng music sa phone ko.
Habang ine-enjoy ko ang mellow hits ng paborito kong banda ay may biglang umupo sa tabi ko. Hindi na ako nagulat kung sino.
"Hindi ka dumaan sa bahay kahapon, may problema ba?" Panimula ni Cholo, sabay higit niya sa earphone mula sa kanang tainga ko at inilagay sa sarili, kaya naman lumingon ako sa direksyon niya at bumuntong-hininga.
Hindi ko ugaling magkwento kay Cholo ng problema ko dahil ayaw ko nang makadagdag pa sa mga dalahin niya. Masyado nang mabigat 'yon kaya naman pinipili ko na lang sarilinin lahat. Kung minsan naman ay kay Biancs ako nagsasabi kapag hindi ko na talaga kaya. Pero hindi kay Cholo, hindi niya naman kailangang problemahin ang mga problema ko.
Ang katotohanang handa siyang makinig at samahan akong magmukmok kahit pa 'di niya alam ang dahilan.. ay sapat na sa akin.
Ngumiti na lang ako nang pilit sa kanya bago nagsalita.
"Niregla ako kahapon, kingina. Kaya 'di na ko dumaan. 'Di ko naman pwedeng dalhin pa 'yung bike, di ba?" pagpapalusot ko. Pero totoong dinatnan na ko kagabi kaya naman namasahe na lang ako ngayon.
"Eh bakit 'di ka na nagreply? Sana dinala ko na sa inyo.." Napamaang siya at napailing na para bang natatangahan siya sa'kin dahil hindi ko man lang naisip 'yon.
Matalim ko siyang tinitigan, and I pursed my mouth in a self-satisfied smirk.
Nahaluan ng pag-aalala ang mukha niya nang mapagtantong napakahirap sa'kin sa tuwing dadatnan ako kada buwan dahil sobrang tindi ng dysmenorrhea ko.
"Shet, oo nga pala! Kaya pala tinotopak ka noong umaga." Dagdag pa niya.
Natuwa naman ako dahil talagang tinatandaan niya ang mga maliliit na detalye tungkol sa'kin. Nakakataba ng puso.
Mahalaga nga ako sa taong 'to, sabi ko sa sarili.
Natahimik kami saglit at nakinig na lang sa saliw ng kanta habang nanunuod sa mga estudyanteng dumadaan.
Maya-maya pa ay tumayo na rin kami at dumiretso na sa klase.
Tahimik lang kaming nakinig sa teacher. Hindi na rin nangulit pa si Cholo hanggang dumating ang breaktime. May unspoken rule kasi kami na bawal siya mang-asar kapag may dalaw ako. Kasi tatablahin ko talaga siya 'pag nagkataon at napikon ako.